One Shot Title: I Love You Daw (Love Messenger)
"I love you daw."
"Galing kanino naman?" Kailangan pa bang tanungin ang obvious?
"Kay #1 fan."
"Siya na naman? Wala na bang ibang patay na patay sa akin?" Ta'mo 'to. Loko loko talaga. TSK. Dahil sa ugali niyan kaya walang magkagusto-gusto sa kanya e. Ang yabang yabang kasi. Hindi pa ba siya nakuntento sa #1 fan niya? *Sigh*
"Ewan ko sa'yo. Sige, una na ako saka i-consider mo naman yung feelings niya! Yabang mo kasi kaya walang magkagusto-gusto sa'yo e, haha!" Umalis na ako saka dumiretso sa banyo.
Nagbanyo muna ako, duh? Saka ko inayos yung buhok ko nang may pumasok na mukhang kakilala ko at may gustong sabihin sa akin. Panigurado, isang love confession na naman.
"Ah! LM! Nandito ka pala! SAKTO! Pwede bang ..," nahihiya pa siyang sabihin kung sino e. *Sigh*
"Sino?" LM man ako, ayaw ko nang paputol-putol magsalita at paligoy-ligoy. Straight to the point ang gusto ko kasi sayang ang oras ko. (=_=)"
"Si .. Si Dylan sa section-" pinutol ko na yung sasabihin niya since lahat ng nilalang sa school na 'to, kilala ko.
"Alam ko kung anong section niya. Anong gusto mong sabihin ko?" Napangiti naman siya t'as namula pa.
"Kung pwede sana siya sa Saturday. May movie kasi akong gustong puntahan e gusto ko kunin yung opportunity na yun na i-ask out siya," ahh. Okay. Madali lang naman pala 'to e.
"Okay," palabas na sana ako nang nagpahabol pa siya. "Pakisabi na lang yung pangalan at section ko! SALAMAT LM!!" Hindi ko na lang siya nilingon at nag-wave na lang.
Now, where's Dylan? (._.)?
Baka naloloka na kayo at nagtataka na kayo kung sino ako at kung bakit "LM" ang tawag sa akin. The name's Mabel and I'm called the "love messenger" which is the long cut for "LM".
Bakit Love Messenger? Simple lang, I do what they can't do. Sino yung crush mo? Anong gusto mong sabihin sa kanya? Ako ang magsasabi. I know everyone in school, isama mo na sa teachers, staff, students, wanna-be-students-here, and end of my thinking capacity.
Basically, yung hindi nila kayang sabihin sa mga secret crushes nila, ako ang nagsasabi. *Sigh* Ewan ko ba kung bakit napunta ako sa posisyon na 'to. XD
Aha! Nakita ka na rin! "DYLAN!!" Sigaw ko t'as bigla siyang napalingon sa akin saka ako inakbayan.
"Oh? Kamusta na ang childhood friend kong tahimik na naging love messenger in one shot?" Ay, ewan ko ba dito. Hindi ko nga alam kung bakit kami naging magkaibigan nito e. XD Pramis. Wala akong clue. Nagkaroon ata ako ng amnesia at hindi ko maalala kung kailan at bakit kami naging magkaibigan nung bata kami.
Ang layo ng personality namin sa isa't isa, siya kasi yung Campus Playboy at ako yung Campus Love Messenger. At kung tatanungin ako kung sino ang #1 laging nasasabihan ng "I like you", sino pa ba? Edi ang playboy kong childhood friend. (-__-)
"Free ka ba this Saturday?" Pinabayaan ko na lang siyang akbayan ako since sanay na ako dahil halos ganyan naman lahat ng lalaki sa akin dito. LITTLE SISTER ako ng boys sa school na 'to.
"Bakit? Gusto mo ako i-date?" Natatawa niyang sagot. Siniko ko naman siya, "As if! May gusto lang makadate ka sa Satur-" naputol yung pagsasalita ko nang may tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
One Shots | First Batch | Fin
Short StoryCopyrights © All rights reserved 2012 -- [NOT PG-13] | © iammisscontented Originals