P's Note: Sa mga nagbabasa nito ngayon, sorry po sa sobrang tagal na UD. :> Ito na po oh. Tinakas ko nga lang po ito e. XD Pero, atleast meron na diba? :) I hope you'll like it!
=====
One Shot Title: Pain :"<
Shen Dela Cruz here. :)) Yes! Ganyan katipid sa pangalan ang parents ko. XD Kamusta peeps! Alam kong hindi tayo close kasi ngayon pa lang tayo nagkakilala. Bayae na, FC ako e. Ay mali, friendly pala.
Dapithapon na po dito sa Jeddah. Yesyesyes! Nasa Jeddah, KSA po ako. :>
"Shen! Bumaba ka na rito! Ang bagal mo! Palayasin kita e!"
Okay? Panira ng moment e. Tss. One BIG fact about me is that ... I HATE MY FAMILY! Not hate hate but, they're annoying.
Oo, ipamukha niyo na sa akin na masama akong anak / kapatid. Pero kasalanan ko ba kung magrerebelde ako?
SOBRANG nakakaasar ang parents ko. Sigaw dito, sigaw diyan. Nakakaasar ng SOBRA! As in! Pwedeng-pwede naman nilang sabihin ng mahinahon e. Ganun ba ako kabingi at kung makasigaw sila... parang nasa kabilang lupalop ako ng mundo.
Wala na rin naman akong magagawa... sumigaw sila kung gusto nila. Pake ko?
Bumaba na ako saka padabog na umupo sa upuan. Nakatikim naman ako ng SOBRANG SARAP na sampal galing sa nanay ko.
"Kung makadabog ka! HOY! MAS matanda naman ako sayo!" sigaw niya sa mismong tenga ko. (-_-)
See? Sinong hindi maaasar diyan. E hindi naman sana ako magkakaganito kung hindi sila sigaw ng sigaw at kung makapang-utos parang yaya ako e.
Excuse me PO! Hindi niyo HO ako yaya! ANAK NIYO AKO! Gets? Gets?!
Inirapan ko na lang siya. Kay sa namang sumagot pa ako? Aabot ng siyam siyam ang away namin!
Inirapan niya rin ako... haynako. Ewan ko sa kanila.
Nagsimula na akong kumain. Pagtapos na pagtapos, dumiretso na ako sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto saka humiga sa kama ko.
Humarap ako sa window sa tabi lang din ng kama ko... ang ganda naman ng sunset.
Sana... may kasama akong nanonood nito ngayon.
Sana... ganyan rin kaganda ang ugali ng mga magulang ko.
Hindi ko namalayan... sa sobrang sikip na ng dibdib ko... naiyak na ako.
Tumutulo na parang nag-uunahang mga sundalo ang aking mga luha.
Sobrang sakit ang maranasan ang nararanasan ko araw-araw.
Masakit para sa isang bata 'yon. Bakit hindi nila ako maintindihan? Bakit sila ganyan?
Hindi ba nila ako mahal? Hindi ba ako importante sa kanila?
Pagharap ko uli sa bintana...
'Nay? Sino yan? Bakit ka may kahalikang iba?
Napalipat ako ng tingin sa parke sa harap lang ng bahay namin.
Ouch... bakit ganito? Bakit ang nag-iisang AKALA kong nagmamahal sa akin... may kahalikan ring iba?
Ang sarili kong boyfriend...
Bakit ba ako pinarurusahan ng ganito?
Lord?
Bakit ganito? Ito ba ang tadhana ko? Ito ba ang gusto niyo para sa akin? Alam kong naging masama akong anak at bata... pero, sana hindi ung ganito. Hindi ung ganito kasakit. Hindi ung lahat na lang ng mahal ko... hindi ako mahal.
Lord... tulungan niyo ako... please?
I cried silently that night...
A night full of nightmares.
A night full of tears.
And A night surrounded by pain.
Is this going to be my life?
A life, where I'll always be hurt?
A life, where no one loves me?
Please...
Help me.
BINABASA MO ANG
One Shots | First Batch | Fin
Short StoryCopyrights © All rights reserved 2012 -- [NOT PG-13] | © iammisscontented Originals