One Shot Title: Mahal Kita (Ang Corny Ng Title Pero 'Yan Na!)
The name's Jane. Last name is not important.
Anyways, andito an naman ako sa labas. Nakaupo sa swing.
Swing na hindi akin...
Ops! Wag niyong isipin na nagnakawa ako ng swing! Mabigat kaya 'yon!
Hindi akin dahil...
Para ito sa lahat...
Dahil ampunan lang ang tinitirhan ko.
Iniwan ako ng mga magulang ko sa harap ng bahay ni Nanay Barbie.
Inalagaan niya ako ng mabuti at pinalaki.
Ang bait bait niya sa akin. Pero nagaaway sila ng asawa niya.
18 years old na ako ngayon.
Nagluluksa pa rin ako pag nagaaway sila. Sinasabi ng mga ate at kuya ko dito na "Special Treatment" daw ang tawag sa paguugali nila sa akin.
"Bakit naman sila nagaaway ngayon?" nagiisip na naman ako kung ako ung dahilan ng pagaaway nila.
Hala! Merong bola oh. Kanino kaya ito? Nakita ko lang na nag-bounce siya papunta dito.
Huh? Merong aninong palapit.
"Hello? Sayo ba itong bola na ito?" ayaw magsalita nung anino.
Papalapit lang siya. Medyo kinabahan ako kaya nagtago ako sa isang malaking pot.
Alam kong para akong bata lalo na't 18 years old na ako pero, nakakakaba e. Alangan na pumunta pa ako sa loob ng bahay. Malayo-layo kaya un sa swing na inuupuan ko. (>.>)
"Oh? Asan napunta ung bola ko? Meron rin akong narinig na nagsalita. Babae ata e. Huh? Merong sumilip doon a! Hello? Sino ka? Nasaan ung bola ko? Nakita mo ba? Hindi ako nangangain ng tao."
Unti-unti akong lumabas hanggang sa nakatayo na ako at papalapit na sa kanya. Lumaki naman ung mata niya.
"A-ah... bola ko ba ung hawak mo?"
"Uhhh oo ata? Nakita ko lang na nag-bounce palapit sa akin nung nags-swing ako. Eto oh."
Binalik ko ung bola tapos nagkatouch ung fingers namin... bigla naman siyang namula at napatingin sa akin.
"Uhh, sorry?" Bigla naman siyang umiling at ngumiti.
"Ah hindi hindi. Nainitan lang ako. Hehe... soo anak ka ba ng may ari ng ampunan na ito?"
Wow... ang ganda ng boses niya. Soothing kumbaga.
"Ah. Hindi. Iniwan lang ako ng parents ko sa harap ng pinto ng ampunan na ito at si Mama Barbie na ang nagalaga sa akin. Hehe ang saya ko nga e kasi hindi siya ung kagaya ng mga ibang ampunan owners na masama sa mga bata."
Bigla naman nagiba expression ng mukha niya. Hmm? Na-affect ba siya sa story ng buhay ko?
"Bakit ka naman nalungkot?"
Napatingin siya sa akin at ngumiti ng maliit, "Kasi hindi ko alam na ganyan pala story ng buhay mo. Sorry ha," sabi niya.
"Hahaha! Okay lang un!"
Maya maya narinig ko ung tigil ng pagaaway nina Mama Barbie. Nagbukas ung pinto at lumabas si Tatay Jason.
"Tatay Jason? Saan kayo pupunta?"
Tumingin siya sa akin at ngumiti... lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Diyan lang sa grocery store. Bibili ako ng mga pagkain at snacks niyo." -Tatay Jason
BINABASA MO ANG
One Shots | First Batch | Fin
Short StoryCopyrights © All rights reserved 2012 -- [NOT PG-13] | © iammisscontented Originals