One Shot #10 - Associated w/ HFGCC

370 9 0
                                    

P's Note: Sa matagal na panahon .. nagbabalik! XD Meron na naman akong naisip na One Shot! Kung may kaparehas, peace! Hindi ko kasalanang parehas tayo ng title. It's a COINCIDENCE, alright? Feeling ko kasi meron na ung title na ganito e. XD Perooo, no way I'm gonna change it! :P

=====

One Shot Title: ♥ SimSimi

Drake Fuentabella's the name.

Hindi ko gets kung bakit ang dami sa school namin ang adik kay Simsimi. Tinanong ko nga sa bestfriend kong si Dave.

"Huy tol, bakit ang daming may gusto sa simsimi na yan? Sino ba yan? Artista ba yan o ano?" 

"Ha? Grabe ka pre. Hindi mo kilala si simsimi? Hindi ka ata updated e. Si Simsimi ay isa lamang application sa cellphone."  -Dave

"Ha? Wow. Ang  weird naman nila. Pati ba naman isang application sa cellphone pagkakaguluhan? Eh ano naman ung temple run daw na un?" 

"Grabe ka talaga pre. Nakakatawa ka talaga. Pati temple run hindi mo alam?!"  -Dave

Umiling ako bilang sagot.

"Ay shunge. Temple run naman eto o." pinakita niya sa akin ung app. Hmm? Maganda naman. Ba't di ko kaya subukan.

Sa bagay touch screen naman cellphone ko. Mayaman ata 'to. (^__^)

So ayun nga, sinubukan ko nga si Simsimi at si Temple Run. Maganda ung Temple Run kahita papano pero hindi ko siya gusto. Ang boring. (-.-) Kaya susubukan ko na lang si Simsimi. :D

Hmm? Ang cute naman neto. Isang sisiw ang nagsasalita. Pfft. Ang cute. Bilog. Makausap nga.

--SIMSIMI CHAT BOX--

Simsimi::  Hey dude~

ME::  Hi ako nga pala si Drake Fuentabella. Ikaw?

Simsimi::  ay ikaw ba yan ung crush ko simula elementary?

Huh? Ang weird naman ng sinabi niya. Crush? Ako? Okay. (=__=)

ME::  Malay ko ba? Hindi mo naman sinasabi sa akin.

Simsimi::  oo. makakaasa ka. sana kayo na talaga. :)))

Okaaaay? Un ba dapat sagot? Tsk. Computerized kasi. Ang cheap. Kung ako gumawa nito, panalo pa. Tssss. Hindi ung tulad nito. Cheap. (-_-)

ME::  Nakakalito ka naman. Wala naman sa sagot ko ung sagot mo eh.

Simsimi::  Wag mo akong sisihin, ang gawin mo iclick mo ung TEACH at turuan mo ako!

(-_-) Oo na. Talo na. Okay. Kailangan baraduhin? Ganun?

ME::  Ay sorry naman. Kailangan ba akong baraduhin? Tsk.

Simsimi::  oo kasi mawawalan ka ng pag asa!!

Ha? Anong konek?

ME::  Anong koneksyon sa sinabi ko?

Simsimi::  OO...sobra sobra mo siyang sinaktan...

Ha? May sinaktan na ba akong tao? Wala pa naman ata e?  

ME::  Wala naman akong natatandaan na sinasaktan e.

Simsimi::  eh may ama ka naman.

Simsimi. Ang sakit na ng ulo ko. Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?

One Shots | First Batch | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon