CHAPTER 2
“Oh, sino yun? Bakit parang galit yang mukha mo?” Tanong ni Niqi sa akin nung bumalik ako sa kusina. Nakabusangot na naman ako. Bwiset talaga yung Jared na yun.
“Ay, nako. Nakakasira ng araw yung Jared Go na yun.” Sagot ko.
“Huuh? Tumawag sya sa iyo? OMG best!” Hawak nya yung sandok at halos maihampas na nya sa akin, kung hindi ko lang nahawakan ang kamay nya.
“OMG ka dyan.” Sabi ko at inagaw ang sandok. Naks, feeling cook ako.
“Akin na yan. Umupo ka na lang dyan.” Kinuha nya ang sandok at tinulak ako paupo sa upuan. “Best, I need details!”
“Wag na. Di mo naman gugustuhing malaman yun eh. Nag-away lang kami, nagsigawan… Yun lang. Nothing juicy. Chikadora ka talaga.”
“Hay naku best, baka magkadevelopan kayo niyang si Jared ha.”
“Ew! No way! Kahit kelan, hinding-hindi ko magugustuhan yun.”
“Wait until makita mo ang mukha nya. Ay, sobrang gwapo ba talaga best. “
“Hay, whatever. Magluto ka na lang dyan.” Sabi ko at umakyat sa kwarto. Kinuha ko yung cellphone ko. May nagtext. Si Vice Ganda. K, corny ko. Tama na.
Basta, may nagtext. Binuksan ko naman yun. At… kinilig ako. HEE~!
Aba, bakit naman hindi? Eh yung crush kong si Dale ang nagtext. Shiiz!
Dale: GM! Good evening sa lahat.
Kaylie at Niqi- goodluck sa paggawa ng chem niyo. Pakopya bukas! Hehe. Joke.
Jeng- pasabi kay kuya Jan happy birthday.
Ckai- Love you mahal ko! <3 *kiss*
Aww, oo nga pala. May girlfriend na sya, si Ericka. Ckai yung nickname nun. Hindi pa kami personally na nagmi-meet pero sana makilala ko yung babaeng nagugustuhan ni Dale. Maganda kaya sya? Mabait? Ano kaya ang nagustuhan ni Dale sa kanya? Hay, Dale… kung una mo kaya akong nakilala, magugustuhan mo rin kaya ako?
“BEST! Bumaba ka na dyan, luto na. Kain na tayo. Uh, tawagin mo na rin si Lolabels.” Baklang yon, lolabels ang tawag kay Lola!
Hinagis ko yung cellphone ko sa kama at lumabas na ako sa kwarto. Kumatok ako sa kwarto ni Lola para tawagin sya.
“La? Kain na tayo, tara na po.” Tawag ko. Narinig ko naman yung mga yabag ng paa nya at lumabas na sya. Sabay na kaming bumaba sa hagdan.
“Hi Lola! Tara, kain na po tayo. Nagluto po ako ng spaghetti.”
“Oh, Niqi. Naku, nag-abala ka pa. May ginagawa daw kayong Chemistry na assignment ni Kaylie?” Tanong ni Lola.
“Opo, meron po. Upo na ho kayo.” Sabi ko at sabay sabay kaming nagsiupuan.
Tahimik lang kaming kumain, ganun kami eh, ayaw kasi ni Lola na naiinterrupt yung pagkain nya. Maski ako rin naman. Syempre, lalo na pag gutom na gutom ka na, tapos chichikahin ka pa ng katabi mo kaya nauudlot ang pagsubo mo. BADTRIP! Alam mo yun?
Pagtapos eh pumunta na si Lola sa sala, manonood pa daw kasi sya ng paborito nyang palabas, yung Munting Heredera ba yun? Naku, wala akong hilig sa mga drama na palabas, cartoons ang paborito ko eh. Hehehe.
Inayos ko na ang mesa at naghugas na ng plato, katabi ko si Niqi, kinakantahan nya ako. Request ko kasi na sana may music habang naghuhugas ako ng plato para enjoy ko naman.
After 15 minutes or so, natapos ko na rin ang paghuhugas ng plato. Success! Bigla ko naming narinig si Lola na may kausap sa telepono.
“Sino? Jared Go ba kamo? Aba eh, wala naming nababanggit ang apo ko na may inaasahan syang tawag mula sa isang Jared Go. Teka ha… Kaylie! Kaylie! Halika muna, may naghahanap sa iyo.” Patay ako. Tumakbo ako papunta sa sala at nasa likuran ko naman si Niqi.
Inabot sa akin ni Lola yung telepono at bumalik sya sa panonood ng TV.
“H-hello?” Sabi ko. Nilapit ni Niqi yung tenga nya sa speaker para marinig nya.
“Haha! Alam ko na ang pangalan mo. Ikaw si Kaylie. Hi Kaylie!” Gusto ko syang sigawan na hindi ako yun pero baka magalit si Lola.
“H-huh? Anong pinagsasasabi mo dyan? Hindi ako yun.” Napatingin ako kay Niqi, yung mukha nya yung mukhang naaawa sa akin.
“Alam mo, wag ka nang magpalusot pa. Kasi huli ka na. Okay?” Sabi nung Jared.
‘Best anong gagawin ko?’ Bulong ko habang tinatakpan yung mouthpiece. Umiling sya. ‘Di ko alam Best!’
“Fine! Ako nga si Kaylie, eh ano naman sa yo?” Sabi ko.
“Wala lang. Sige, bye!” At binaba nya ang telepono. Marahan kong ibinaba yung telepono naming at tumingin kay Niqi.
“La, aalis na po si Niqi.” Sabi ko.
“O sige, mag-ingat ka Niqi, apo, ha?”
“Opo Lolabels. Bye po!” Sabin i Niqi habang kumakaway.
“Ihahatid ko lang po sya La.” Lumabas kami ng bahay ni Niqi at hinatid sya sa sakayan. Pinasakay ko sya sa tricycle at nagpaalam na sya. Nagpasalamat naman ako sa Spaghetti.
Umuwi ako sa bahay at nakita kong may kausap si Lola sa telepono.
-----
Short update! :) Vote, Comment, be a fan po. :)
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]
CintaSinong mag-aakala na sa maling pagdial ng numero ng kaibigan mo ay matatagpuan mo na ang taong nakatadhana para sa iyo?
![Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]](https://img.wattpad.com/cover/343632-64-k28015.jpg)