Chapter 37

1K 14 13
                                    

CHAPTER 37

"Saan ka ba nanggaling?" Tanong ko kay Sabrina. Matagal kasi bago sya nakasunod dito sa room, buti na lang at wala pa si Ma'am. Magmi-meeting na raw para sa Christmas Party.

"M-may inasikaso lang." Pinunasan nya ang gilid ng mga mata nya. 

"Umiyak ka ba?" Hindi sya sumagot, umiling lang sya.

"Ano na bang meron?" Tanong nya at umupo sa tabi ko. Absent kasi ngayon si Niqi. May sakit sya at pumunta sya sa doctor ngayon. Dadalaw nga ako mamaya eh, pag-uwi.

"Ah, wala naman, nagmeeting lang para sa Christmas Party. Mukhang wala nang by-class eh. Pag-iisahin na lang daw yung sa buong fourth years." Sagot ko. "Medyo magulo nga eh."

"Ah, ganun ba?" Sumandal sya sa upuan nya at tumingin sa kisame ng room.

"Bakit?" Humarap ako sa kanya.

"Medyo nahihilo lang ako, pero ayos lang ako." Sagot nya at pumikit.

"Sige, pahinga ka lang dyan, gigisingin na lang kita kapag nandyan na si Ma'am."

"Guys, nagkaroon na ng meeting kahapon yung SC president at yung fourth year representative, kasama ang mga president ng bawat fourth year class." Panimula ng class president namin. "At yun nga, napagdesisyunan nang sama-sama ang lahat ng fourth years sa iisang Christmas party. Tutal, last year na rin natin 'to, at chance na rin 'to para maka-bonding ang mga ka-batch natin."

May iilang mga reaksyon, may mga sumang-ayon, meron ding iilan na umayaw. Yung iba naman, walang pakialam, parang ako. Hehehe.

"Kaya ngayon, excused tayong lahat kasi pupunta tayo sa gym para sa exchange gifts. Magbubunutan tayo eh." Tumayo yung iba kong mga kaklase. Iniwan ko muna saglit si Sab sa upuan nya at lumapit ako sa class president namin.

"Prex, paano yun, wala pa dito si Niqi?" Tanong ko. Nag-aaalala ako, baka kasi hindi sya makasama sa party.

"Wag ka mag-alala Kay. Pwede naman bumunot pa bukas. Marami rin kasing absent sa ibang sections eh." Tumango naman ako. "Sige na, pumunta na tayo sa Gym."

Tumango ulit ako at pumunta na sa upuan ko para kunin ang mga gamit ko, at para na rin gisingin si Sab.

"Sab?" Mahinang sabi ko. "Tara, sa gym na raw tayo."

"Uh... huh?" Naalimpungatan sya at tumingin sa akin. "Sa gym daw? Bakit?" Tanong nya.

"Magbubunutan na raw eh. Tara na?" Aya ko sa kanya at tinulungan syang tumayo.

"Sige." Tumango sya at naglakad na kami papunta sa gym.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon