Chapter 35

1.1K 22 42
                                    

Basahin niyo po yung author's note sa dulo ah? Importanteng mabasa niyo iyon. Please. Please.

CHAPTER 35

Sino daw? Si Malcolm? Yung chever na apo ng principal?

Yun ang ama ng dinadala nya?

Nakita ko ang reaksyon ni Kuya Xavier, mukhang papatay sya ng tao. Nakakatakot. Bigla na lang syang lumabas ng kwarto, naka-clench ang fists nya.

Tiningnan ko sina Mama tapos yung mga mata ni Mama, parang nagsasabi na sundan ko daw si Kuya. Yun naman ang ginawa ko.

Nakita kong lumabas ng bahay si kuya kaya hinabol ko naman sya. Tumakbo lang sya. Buti na lang, naka-T shirt at shorts ako, hindi halatang pambahay. Hinabol ko nang hinabol si kuya. Nasa kalsada na kami. Tumawid si Kuya kaya sinundan ko sya. Saan na naman ito pupunta? Ah basta, kelangang pauwiin ko si kuya. Ang hirap naman ng sitwasyon ko.

"Kuya!" Tinawag ko sya pero hindi sya tumigil o lumingon man lang. "Kuya sandali!" Sigaw ko.

Hinabol ko lang sya. Pawis na pawis na nga ako eh. Pero kinaya ko lang, kasi baka mawala sya sa paningin ko. Baka may magawa pa to si kuya, o maaksidente pa sya.

Nakita kong tumigil sya sa tapat ng malaking bahay na may magandang gate. Sunud-sunod ang pagpindot nya sa doorbell. Natarantang lumabas yung katulong ng bahay at tinanong si Kuya.

"A-ano po yun ser?" Tanong nung kasambahay. Hindi nya binuksan yung gate.

"Nasaan si Malcolm?" Pagalit na tanong ni Kuya.

"Ah, sandali ho, tatawagin ko." Umalis yung kasambahay at pumasok ulit sa loob. Ilang sandali lang eh lumabas na si Malcolm.

"Yo, dude. Sup?" Binuksan nya yung gate at lumabas para lumapit kay Kuya.

Hindi sya sinagot ni Kuya dahil bigla na lang syang sinuntok ng sobrang lakas na natumba pa sa sahig si Malcolm.

"Kuya!" Napasigaw ako at tumakbo para awatin sya.

Ang sama ng tingin ni Kuya kay Malcolm na nakahiga sa kalsada. Pinunasan nya yung dugo sa labi nya at tumayo.

"What?!" Naiiritang tanong ni Malcolm. Hindi ko na napigilan si Kuya, bigla nyang kinuwelyohan si Malcolm.

"Bakit? Why of all the girls did you choose my sister?!" Galit na tanong ni Kuya.

"We were just hooking up, dude." Sabi ni Malcolm na nakataas ang dalawang kamay.

"Well, that hooking up made Sabrina pregnant."

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon