CHAPTER 39
Alam niyo yung badtrip? Ako yun eh. Nakakainis kasi si Malcolm eh. Halos lumuhod na sa harap nya si Sabrina, mas pinili nya pa ring iwan ito.
Pero sabi nga nila, "If you love someone, let them go. If you're meant for each other, they'll come back." Taray ng quote.
Anyways, nahimatay si Sabrina sa airport na halos magdulot ng matinding pagkabahala sa mga taga-airport. Sinugod sya sa ospital at agad na chineck ng doctor ang kalagayan nila ng baby nya. Mabuti na lang at walang masamang nangyari. Sobrang pagod lang daw kaya nahimatay si Sab. Mabuti naman.
Christmas party na namin ngayon. Si Sab, mas piniling hindi na pumunta. Gabi-gabi ko pa rin naririnig ang pag-iyak nya. Gusto kong patahanin na sya kasi makakasama yung pag-iiyak nya sa bata pero hindi ko naman sya mapigilan dahil kailangan nyang ilabas lahat ng nararamdaman nya.
"Mama, okay lang po ba ang suot ko?" Tanong ko kay Mama na naghahanda ng baon ng kambal sa kusina.
"Ayos naman. Maganda ka pa rin." Natawa ako ng malakas. Hindi ko maikakaila na namiss ko yung ganitong moments kasama si Mama.
"Mama talaga, binobola pa ako. Sige po, aalis na ako."
"Oh, hindi ka ba sasabay sa kuya mo?" Tanong ni Mama. Umiling ako.
"Hindi po, mamaya pa yun pupunta sila kuya sa school eh." Nagkiss ako kay Mama sa cheeks at umalis na ako papuntang school.
Pupunta rin si Kuya sa school eh, kasi tutugtog yung banda dun, syempre, ako yung guitarist. Pero kasi mamaya pa sila pupunta, eh bawal ma-late, may punishment daw.
Yung mga punishment nila, iinom ng ampalaya shake, pancit na may halong spaghetti tapos ishe-shake, ganun. Kadiri, blegh. Ayoko itry.
Pagdating ko sa gym, konti pa lang yung mga tao. Maayos na yung stage, yung mga upuan, ganun din. Yung kilala ko lang na nandun ay si Dale. Isa kasi sya sa mga naatasang mag-set up ng stage.
"Dale!" Tawag ko sa kanya. Nakita naman nya ako at tumakbo sya papunta sa akin.
"Uy Kaylie! Si Sab ba pupunta?" Tanong nya. Umiling ako.
"Hindi eh. Depressed pa rin sya hanggang ngayon." Sagot ko.
"Pwede kaya dumalaw sa inyo? Lahat kami, puntahan sya."
"Pwede naman. Sige, mamayang hapon. Maaga naman sigurong matatapos itong party eh." Tumango sya.
"Okay! Oh pano, mag-aayos pa ko ng stage eh. Dun lang ako." Tinuro nya yung stage at umalis na sya.
Maaga pa nga ako masyadong nagpunta sa school kaya yung bag ko kung saan nakalagay yung regalo ko sa nabunot ko eh nilagay ko sa may stage, kung saan nakalagay din ang bag ni Dale.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]
RomanceSinong mag-aakala na sa maling pagdial ng numero ng kaibigan mo ay matatagpuan mo na ang taong nakatadhana para sa iyo?