CHAPTER 19
"Kasi... I like you."
Ano baaa. Kinikilig ako.
Nagpagulong-gulong ako dito sa kama habang yakap ang unan ko. Nakangiti lang ako na parang ewan.
In fairness, ang sakit na ng cheeks ko sa kakangiti ah. Pero ayos lang, kinikilig ako eh!
Biglang nagvibrate yung cellphone ko. Tiningnan ko, may nagtext sa akin.
From: J.Go
Message: Kainis, di ako makatulog. Good night Kaylie. <3 --> heart yan ah, hindi ice cream. :)
Natawa ako sa text nya.
Oo na, hindi na yung ice cream.
To: J.Go
Message: Oo na po. Good night! ;)
Heee~ ano baaah, kinikilig pa rin ako. Tae shet.
Dahil nga kinikilig ako, napapahagikgik ako pero natatakot akong baka marinig ni lola kaya nginungudngod ko yung mukha ko sa unan!
"MMMMMMP!" Impit na sigaw ko.
I hate you Jared, bakit ganito ang impact mo sa akin? Kainis ka talaga.
Hindi na ako nakatulog, nakatingin na lang ako sa kisame, maya't maya ang pag-ngiti ko nang walang dahilan, well siguro meron.
Dang! Kanina pa ako ah, anong oras na ba?
Kinuha ko yung cellphone ko sa tabi ko at tiningnan ang oras.
O_____O
Hindi nga?
Time check- 4:36am.
Alas kwatro na?
"Oh, ano naman ang nangyari sa iyo? Ang aga mo naman ngayon masyado." Sabi sa akin ni Niqi pagkapasok ko ng room.
"Grabe, wala man lang good morning?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]
Lãng mạnSinong mag-aakala na sa maling pagdial ng numero ng kaibigan mo ay matatagpuan mo na ang taong nakatadhana para sa iyo?