Chapter 4

1.7K 21 10
                                    

CHAPTER 4

“Ah, oo nga pala. May sasabihin ako sa iyo.”

“Ano yun?”

“Kasi-“

“Kaylie! Niqi!” Napalingon ako at nakita kong tumatakbo papunta sa direksyon namin si Dale. ♥____♥

“D-Dale!” Sambit ko. Umupo sya sa tabi ko kaya napapagitnaan nila akong dalawa.

“Hi Dale!”

“Hi! Narinig ko yung nangyari kanina sa caf. Sorry Kaylie, wala ako dun. Di bale, eto, ibinili kita ng siopao.” Inabot nya sa akin yung plastic bag na may lamang limang siopao.

“Wow! ChaoQing pa! Salamat Dale!”

“Wala yun! Ah, oo nga pala, pupunta dito si Ckai ngayon, ipapakilala ko na sya sa inyo.” Sabi nya at tumayo. Pinagpagan nya yung pantalon nya saka ako tinulungan.

“Yiee! Makikilala ko na sya sa wakas!” Sabi ko. Aba, syempre, excited akong makilala yung babaeng pinili ni Dale over my gorgeous body! Chos.

“Maganda ba sya Dale?” Tanong ni Niqi.

“Oo naman! Para sa akin, sya ang pinakamagandang babae.” Tumingin sya sa akin. “Second naman sa kanya si Kaylie.” Napangiti ako dun. At least, nasa top 3 ako no.

Habang naglalakad papunta sa gate, tinanong ko si Niqi.

“Niqs, ano na nga yung sasabihin mo kanina?”

“A-ah, wala yun, mamaya ko na lang sasabihin.” Nag-shrug na lang ako at sinundan ng tahimik si Dale.

“Oh andyan na pala sya. Hi Jelly Beans!” Sabin i Dale.

“Hi Marshmallows! I missed you!” Sabi nung isang babaeng papalapit sa amin.

“Jelly Beans?” Sambit ko.

“Marshmallows?” Tanong naman ni Niqi. Nagkatinginan kaming dalawa.

“Girls, I want you to meet my girl, Ericka. Jelly Beans, sila yung mga kaibigan kong kinukuwento ko sa iyo. Si Kaylie at si Niqi.” Ngumiti yung babae sa harapan namin.

Maganda sya, katamtaman ang haba ng buhok. Yung mga mata nya ay dark ang kulay at hugis almonds. Ang cute nya! Mukha syang anime.

“Hi! My name is Ericka pero you can call me Ckai.” Ngumiti naman kami.

“Hi Ckai! Ako si Dominique, pero Niqi na lang para di mahaba.”

“Uhm, ako naman si Kaylie.”

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon