CHAPTER 9
UGH. Ito na. Katatapos lang ng klase namin sa tanghali. Ang lakas ng tibok ng puso ko. HIndi ko alam kung bakit eh. Pero ang babaw ng dahilan.
Kasi nga iinterviewhin ko si Jared.
"Oh anong nangyayari sa iyo?" Tanong ni Niqi. Nakatungo lang kasi ako at humihinga ng malalim.
"W-wala." Napatingin ako sa kanya. Nakataas yung isang kilay nya.
"Ano nga ang meron?" Tanong nya ulit.
"Wala, kinakabahan lang." Tumayo ako at pumunta sa may bintana para magpahangin. Sumunod naman sya sa akin.
"Eh ano namang dahilan at kinakabahan ka?" Tumabi sya sa akin.
"Eh kasi nga, iinterviewhin ko si Jared..."
"Oh, eh anong nakakakaba dun?"
"BEST! Di mo ba nagegets? Baka mapahiya ako, o kaya kung ano ang masabi ko. Nakakahiya."
"Ano ka ba naman. Think positive!"
"Eh, pero kasi..." Sasagot na sana ako kaso lang umentra naman si Sabrina.
"Well, well, well. Well. Ano na namang pinag-uusapan niyong dalawa? Wala na naman kayong magawa ano?" Tapos tumingin sya kay Niqi.
"Pakialam mo ba? Dun ka na nga. Walang humihingi ng opinyon mo."
"So, marunong ka na palang lumaban ngayon?" Hamon ni Sabrina. Tinaas na ni Niqi yung manggas ng blouse nya at akmang susuntukin si Sabrina perp pinigilan ko sya.
"Niqi, wag mo na syang patulan." Humarap ako kay Sab. "Pwede ba Sab? Tigilan mo na nga kami? Ano bang gusto mo? Wala ka namang mapapala sa amin ah. Umalis ka na lang."
"Kung sabagay, tama ka. There's no point in annoying you two." Tapos umalis na sya with a flip of her rebonded hair.
"Best, bakit mo ako pinigilan? Chance ko na yun eh." Tanong ni Niqi.
"Alam mo best, kung hinayaan kitang upakan sya, kahit na gusto ko talagang gawin mo yun eh ikaw pa rin ang mapapahamak. Alam mo namang gumagawa lang sya ng paraan para mapadala ka sa guidance eh."
"Salamat best." Inakbayan nya ako.
"Wala yun. Pero tulungan mo ako best! Baka mahimatay ako sa sobrang kaba!"
"Ano ka ba! Wag ka ngang kabahan! Si Jared Go lang naman ang iinterviewhin mo, hindi naman presidente ng Pilipinas."
"EEEH! Kahit paaaa." Maktol ko. Pero hindi nagtagal, dumating rin ang panahon na kelangan na naming interviewhin si Jared.
"Kaylie! Bilis, ayun na si Jared, palabas na ng room nila." Tawag ni Bianca sa akin. "JARED! Pwede ka bang mainterview?"
Lumapit naman si Jared kay Bianca. Ako? Nakatago sa likod ng pinto.
"Sige. Tungkol saan ba? Ngayon na?"
"Uh, hindi. Teka lang ah. KAYLIE!"
PATAY!
-----------------------------------
Antok na po ako. >___< part 2 tomorrow. :>
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]
Storie d'amoreSinong mag-aakala na sa maling pagdial ng numero ng kaibigan mo ay matatagpuan mo na ang taong nakatadhana para sa iyo?
![Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]](https://img.wattpad.com/cover/343632-64-k28015.jpg)