Chapter 21

1.2K 24 25
                                    

Ang chapter na ito ay dedicated sa aking new found friend na si Luisa. :D Haha. Hi! Comment ka na girl! Hahaha! :D

Ah, and add mo on FB. :D Pretty Please? 

http://www.facebook.com/profile.php?id=100002399475886

CHAPTER 21

"Oh, pagod ka na ba?" Tanong ni Jared sa akin.

"Hindi naman..." Matipid na sagot ko. Syempre, hindi totoong hindi ako pagod. Pagod na pagod na ako eh.

"Mukhang pagod ka na. Halika, kain muna tayo." Pumunta kami sa isang restaurant, yung Talap-Talap restaurant na mukhang karinderya. Aba, may ganito pala sa Mall?

Umupo kami sa table tapos may lumapit sa amin na waitress. Chicks na sana kaso naka-duster si Ate. Parang yung mga nagtitinda lang sa karinderya talaga.

"Good afternoon, may I take your order?"

Ano bang pagkain ang meron dito? Magkakanin ba kami? Eh hapon pa lang ah, saka di naman ako ganun kagutom.

"One Penne Pasta with Tuna and Capers and Iced Mocha..." Sabi ni Jared. "Ano sa iyo?"

"H-ha? Ah..." Bakit ganun yung mga pagkain dito sa Talap-Talap? Karinderya pero sosyalin ang mga pagkain. "Ehh, ano... ito na lang yung Basil Pan-Seared Scallops over Pasta, pati Blackforest Frappe." Checheche. Nabubulol ako magsalita ng mga eskelempoy na mga pagkaing to.

"Let me repeat your orders. One Penne Pasta with Tuna and Capers, one Basil Pan-seared Scallops over Pasta, one Iced Mocha and one Blackforest Frappe. Is that all?"

"Yes, thank you." Sagot ni Jared.

"Uy..." Sinagi ko yung kamay na. "Bakit ganun, mukhang karinderya tong lugar pero pansosyal?"

"Eh, ganun talaga eh. Saka ayos nga yun eh, konti lang ang mga pumupunta dito. Kasi maaarte ang mga tao sa Pilipinas, ayaw sa mga karinderya, gusto yung bonggang restaurant."

"Oo nga no. Ang galing naman. Eh paano pala kung walang kumakain dito? Eh di nalugi yung business nila..."

"Syempre hindi. Karamihan naman ng mga kumakain dito eh mga Businessmen kasi umm... medyo mahal ang mga pagkain."

"Ehh! Ayan na naman, wala nga sabi akong pambayad!" Naiirita na ako. Bakit ba dun kami sa mga mahal? Wala nga akong pera.

"Ang kulit ng lahi mo. Sabi nang ililibre nga kita eh. Alam mo kung di lang kita gusto kanina pa kita binanatan eh."

Natahimik naman ako sa sinabi nya. Hello. Kilig vibes approaching.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon