Chapter 29

1.1K 25 23
                                    

CHAPTER 29

Pagpasok namin ni Niqi sa Gym, wow. Parang hindi sya gym, as in. Mukhang bar.

Madilim, may disco lights, may nagpe-perform na banda sa stage, may mga sumasayaw na mga estudyanteng naka-costume lahat, may mini-bar sa isang gilid na may mga bartender na nagse-serve yata ng non-alcoholic drinks.

Hawak ko ang kamay ni Niqi at lumapit kami sa unang kaklase naming nakita. After complementing each other's costumes, tinanong namin kung saan ang table ng section namin. By section kasi ang table arrangement para hindi mahirapan at walang mao-OP.

Pagdating sa table namin, iba-ibang characters ang nakilala ko, may nag-ala Jacob Black na nakatopless pa. Kaso ang abs, heh... naka-Marker naman. -___-"

Mayroon ding Harry Potter trio, meron din si Voldemort! Kaso yung ilong naman nya matangos kaya hindi bagay.

Marami ding iba pa. Hindi pa pormal na nags-start yung party kaya padating pa lang yung ibang mga estudyante.

Tapos, tumayo na yung emcee namin na si Dale at pormal na binuksan ang party.

Nakakatuwa yung costume nya, Angry Birds. Buong katawan at ulo nya yung Kamikaze Bird, yung kulay black. Hahaha! Ang cute!

At officially, nagstart na ang party. Well, hindi na rin kelangan ng program pa dahil sobrang busy na ng mga tao sa mga ginagawa nila. May photobooth, may bar nga, may nagsasayawan, may kumakain sa buffet na eat-all-you-can.

Grabe ah, ano kaya yung mga projects ng Student Government at ganun na lang kalaki ang pondo ng school namin?

WAHAHA! Ayos lang, enjoy naman siguro kami sa party na ito eh.

Kaya lang, medyo nako-conscious na ako. Ang dami kasing tumitingin sa akin o lumilingon. Wah, ang pangit siguro ng itsura ko ngayon. Na-smudge ba yung make-up ko?

"Hey, Niqi!" Tawag ni Dale sa may gilid ng stage. Lumapit naman kami ni Niqi. Teka, bakit sya lang yung tinawag? Bakit ako hindi? Grabehan.

"Dale! Ang cute naman ng costume mo!" Tapos pinisil ni Niqi yung pisngi ni Dale.

"Haha, hey, pakilala mo naman ako sa kasama mo..." Sino? omaygahhd, may mumu ba kaming kasama?

"Sino? Teka, may kasama pa ba kaming iba? Hala, may mumu,shet." Takot na sabi ni Niqi.

"Baliw. Yan oh, si Miss Black Angel..."

Ako? Ako? Gusto nya akong makilala? Eh ito pala ang baliw eh! Sinapok ko nga.

Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon