Maaga akong nagising, syempre, excited kaya ako. Ngayon kami bibili ng cellphone. Yii! Ano kayang magandang model?
Hala, hindi ko pala matawagan si Niqi sa cellphone. Wala nang charge ang phone ko, sira pa yung charger. Anak ka ng tatay mo, oo.
Naligo ako at nagbihis saka tumakbo pababa ng hagdan. Excited? Di naman. :)))
Kumain na ako, ang bilis ko nga raw kumain at para akong hinahabol ng kabayo sabi ng lola ko. Eh sorry, excited lang.
"LOLAAAA~."
"Yes apo?"
"Yung ano po... pambili ng ano...?"
"Ha? Ano bang bibilhin mo? May project ba kayo sa school?"
"Lola naman eh..." Napaka makakalimutin na ni Lola. Ano ba yan.
"Joke lang apo. Oh, eto ang pera, ingatan mo ha? Kung may matira pasalubungan mo na lang ako."
"Yeheeey!" At para akong batang nagtatatalon sa harapan ng lola ko.
"Aba apo, naitext mo na ba si Niqi? Akala ko ba eh magkasama kayong bibili nyan?"
"Eh hindi pa nga ho eh. Pero tatawagan ko po sya sa landline ngayon."
Tumakbo ako papunta sa telepono at dinial yung home phone nina Niqi.
*kriiing. kriiiing.*
"Hello?" Boses ng lalaki, papa ni Niqi.
"Good morning Tito!" Masiglang bati ko sa kanya.
"Aba, good morning din Kaylie. Ang aga at napatawag ka ah." Natawa ako.
"Hehe, syempre po. Ah, si Niqi po?"
"Eto, teka tatawagin ko lang." Narinig kong tinawag ni Tito si Niqi.
"Hello, best bakit?"
"Best, pasama ako sa Mall, okay lang?"
"Ha? Eh..." Bumulong sya. "May date kami ni Jeric eh..."
"Ha? Anong oras ba yung date niyo?"
"Sa hapon pa."
"Oh, eh hapon pa pala eh, samahan mo muna ako, sandali lang ako. Bibili na kasi ako ng cellphone eh."
"Wow, umaasenso."
"Of course! Sige na, sandali lang naman tayo eh. Please?"
"Fine, teka, magbibihis na lang ako. Dadaanan na lang kita sa inyo."
"Okay! Wag ka magpapalate ha."
"Opo senyorita. HAHAHA! Sige sige, buhbye!"
Hindi naman ganun katagal ang paghihintay ko dahil after 15 minutes eh sumisigaw na si Niqi sa labas ng gate namin.
"Baklaaa~!"
Dumungaw ako sa bintana at sumigaw.
"Sandali lang teh!" Tapos lumabas ako. Pinapasok ko muna sya baka nauhaw eh.
Binigyan ko sya ng isang basong tubig. Nagpaalam na kami kay Lola na aalis na kami.
Sumakay kami ng jeep, tapos bumaba, at saka sumakay ulit. Sa sobrang excitement ko, hinila ko si Niqi papunta dun sa may tindahan ng cellphone.
"Niqiiii."
"Anoooo?"
"Tulungan mo naman akong mamili ng phone oh." Tapos may inabot sya sa akin na mga leaflets, ang tamad talaga ng babaeng yun.
"Dyan ka na maghanap." Umupo sya sa may bakanteng upuan habang ako eh tumitingin. Gusto ko sana yung phone na may music player, tapos touch screen.
"Ah, eto na lang." Bulong ko sa sarili ko.
"Ate..." Lumapit yung saleslady. "Pwede po bang makita itong model na ito?" Tapos itinuro ko yung picture ng phone sa kanya. Saglit syang nawala at bumalik rin agad.
"Eto po. Maganda po yan Ma'am, may iba-ibang kulay na pwedeng pagpilian."
"Yung pink na lang po." Sabi ko. Inabot nya sa akin at tinesting ko naman. Maganda, malakas yung music.
"Eh di ikaw na ang sobrang saya dahil may bagong phone!" Irap ni Niqi.
"Eeeh, pagbigyan!"
"Fine. Tara na uwi na tayo, tutal may bago ka nang phone."
"Okaaay."
--------------------------------------
Sabawest update ever. Anyways, please go go go to this link. My new story: http://www.wattpad.com/2005504-the-instant-celebrity
Comments and votes are very much appreciated. :) <3
![](https://img.wattpad.com/cover/343632-288-k28015.jpg)
BINABASA MO ANG
Sorry, Wrong Number! [Chapter 44]
RomantizmSinong mag-aakala na sa maling pagdial ng numero ng kaibigan mo ay matatagpuan mo na ang taong nakatadhana para sa iyo?