Prologue: "El Tierro De Villahermosa"

31.7K 643 18
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
"MY BOSSY ASSOCIATE"
Series 1 Presents: "Kenzo Villahermosa"
Written by: Yeshameen Brejente

PROLOGUE: "El Tierro De Villahermosa"

ISANG napakalaking lugar ang pagmamay-ari ng mga Villahermosa. Apat na Hacienda ang pinagsama ng bawat magulang ng magpipinsang sina Kennedy Lorenzo, Lucho Vrishuel, Gyle Tyrone at si Enrique Franchoise.

Maraming taon na ang nagdaan buhat nang mangyari ang Villahermosa Massacre. Kung saan namatay ang mga magulang ng apat na magpi-pinsan. At ngayon ay nasa poder sila ng kanilang mga abuelo at abuelang sina Señor Lazaro at Señora Katarina Villahermosa.

Hindi pa rin sapat ang bawat ebidensyang nakalap ng magpi-pinsan, upang managot ang mga salarin sa madugong Massacre.

Nasa malaki at mahabang hapag-kainan ang apat na lalaking walang itulak-kabigin ang mga hitsura't kakisigan. They are first cousins. Si Kennedy Lorenzo o mas kilalang Kenzo ang panganay sa kanilang apat.
He's the hearthrob, serious-typed, responsible and the bossy one when it comes to women!

"May naisip ka na ba para sa death anniversary ng parents natin?" Tanong ni Lucho Vrishuel, habang sumusubo ng pagkain. Si Kenzo ang tinanong niya.

"So far, wala pa. I have no idea, yet." Tugon ni Kenzo matapos magpunas gamit ang table napkin. "May naisip na ba kayo?" Balik tanong niya sa mga ito.

"Bakit, hindi natin idaos sa Massacre Site ang death Anniversary nila? I mean, there's no harm if we face our fears. All these years, lagi na lang sa El Tierro natin ginaganap." Suhestiyon naman ni Gyle Tyrone.

Napatingin naman ang tatlo sa kanya. Oo nga naman, umabot na sa 20th death anniversary ang mga magulang nila, ngunit hindi pa sila nagpupunta sa lugar kung saan naganap ang Massacre.

"No!" Tanggi ni Enrique Franchoise. "Hindi ako pupunta sa lugar na 'yon. You don't know how it feels to be me. Hindi ko ma-imagine na balikan ang lugar kung saan kitang-kita ko kung paano pinatay ang mga magulang natin! You weren't there to witness what's happened."

"That is exactly my point here, Franz. All these years, nakakulong ka pa rin sa nakaraan. You have to let go of your fears. We are going there to help you." Sabi ni Gyle Tyrone.

"I'm not going!" Anas ni Enrique Franchoise. "You can't force me, neither. Excuse me." Wika nito saka nagmadaling tumayo mula sa hapag-kainan. Mabilis namang nahawakan ni Lucho Vrishuel ang kanang kamay ni Enrique Franchoise.

"Sit down." Ma-otoridad na wika nito. "Nasa harap tayo ng pagkain, at walang tatayo hangga't di pa tayo tapos kumain. You, understand?" Sabi ni Kenzo saka seryosong tinitigan si Enrique Franchoise. Walang nagawa ang huli kundi ang maupo na lang.

"I'm sorry." Sabi ni Enrique Franchoise. "Hindi niyo mai-alis sa akin ang nangyari dati. I was there hiding from the assasins, while watching how they killed our family. Kasama ng kapatid ko. Ang sakit, no'n! Masakit, kasi wala akong magawa. The only thing that stopped me then, was when mom motioned me not to come out from where I was hiding in."

"Let's consider Franz's feeling. But, we need to consider Tyrone's suggestion as well. Tatanungin ko sina Lolo at Mamita kung ano ang magiging plano nila para sa 20th death anniversary ng mga parents natin." Sabi ni Kenzo. Tumango naman sa kanya ang mga ito.


Mahigit isang buwan na ring tumira si Erine sa Condo ni Oceana. She is her bestfriend. Dalawang beses na kasi itong nagpatiwakal matapos mabigo sa ngalan ng pag-ibig. Oceana's parents are living in the States, that's why she has no one but Erine.

Nasa terasa sila ngayon, nakatingin sa magandang view mula sa Condo Unit.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Tanong ni Oceana.

"MY BOSSY ASSOCIATE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon