"Epilogue"

26.6K 813 94
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
Kenzo: "My Bossy Associate"
A Story by: Yeshameen Brejente

EPILOGUE

Check out my profile on Wattpad. http://w.tt/20cEGX0

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Erine ang kanyang mag-aamang natutulog sa malaking duyan sa pagitan ng dalawang malalaking puno, sa lagoon ng Leigh-Yahn V's. It's almost sunset and she knows that they feel so tired. Buong araw din kasi ang bonding nilang mag-anak.

Maraming taon na ang nagdaan, sino ba ang mag-aakalang magkaroon siya ng ganito kasayang pamilya? Pamilyang pinagbuklod ng pagmamahal na siyang nagsimula lamang sa isang kasunduan. Kasunduang paghihiganting tinanggap mula sa kanyang matalik na kaibigang si Oceana Benedicto. Haplos ni Erine sa gwapong mukha ang mahal niyang asawa. Ang mahal niyang hindi naging madaling dalhin ang ugali. Natutulog din sa dibdib nito ang kanilang mga anak na sina Louise Leigh-Yahn Sue at ang limang buwang sanggol na si Reece Aidan Dewayne Arquiza y Villahermosa. Hinagkan niya ang mga ito saka siya naglakad tungo sa tabing-dagat. Naupo siya sa puting buhangin saka mag-isang pinanood ang unti-unting paglubog ng araw.

"Lord, thank You so much for everything. Thank You so much for all the blessings. Wala na ho akong maihihiling pa kundi sana -ay mabigyan na rin ng hustisya ang mga biyenan ko kasama ng mga magulang ng mga pinsan ni Kenzo. Mahigit dalawampung taon na rin silang nawala ngunit ang hustisya'y di pa rin nakakamit hanggang ngayon. They deserves, justice." Piping usal ni Erine sa kawalan. Tila kausap ang Diyos na Lumikha. When sunset is over, bumalik na si Erine tungo sa duyan kung nasaan ang kanyang mag-aama. Gising na si baby Wayne. Kaya agad niya itong kinuha saka kinalong. "My baby boy." Aniyang tuwang-tuwa sa anak. Isinayaw-sayaw niya ang sanggol. Kung si Yahnie ay lumalaking kamukha ni Kenzo, sa kanya naman nagmana ang gwapong anak.

"Erine!" tawag ni Oceana sa kanya. Buntis na naman ito para sa ikalawang anak. Mukhang kabuwanan na rin nito sa susunod na buwan. She invited them to be here, for the whole weekend. Naglakad si Erine kasama si baby Wayne tungo sa Cottage kung nasaan ang kaibigan.

"Did you enjoy the day?" Erine asks -nang tuluyang makalapit dito. "Where's Tom?"

"Nagpapahinga na rin sila ni Xyriel. Mukhang napagod din tulad ng mag-ama mo." Sabi ni Oceana.

"Oo nga. Pagod na pagod sina Yahnie at Kenzo. They really deserve a break." Tugon ni Erine saka sinulyapan ang duyan kung nasaan ang mag-ama niya. "Lalo pa ngayon at whole day na sa school si Yahnie, pagod na lagi. You know what? I've missed working."

"Erine, sa yaman niyo ni Kenzo, di mo na kailangang magtrabaho pa. Okay naman sa kanya di ba?" ani Oceana saka nagbalat ng ponkana.

"Kinausap ko na siya. Di naman mahalaga sa akin ang yaman. Mahal ko lang ang trabaho ko, kaya gusto ko ring bumalik. Pero, sabi ni Kenzo saka na. Saka na kapag nakalakad na si Wayne. Alam mo naman kaming mag-asawa, pagdating sa mga bata, hands-on kami. Ayaw naming iniaasa sa mga Yaya ang pag-aalaga sa kanila." Tugon ni Erine saka pinaghahagkan si Wayne.

"Masaya ako para saiyo. Masaya ako dahil ikaw ang babaeng napili ng ex ko." Sabi ni Oceana, nakangiti ito. "Akalain mo yun? Ang bestfriend ko lang pala ang nagpatino sa isang bossy Kenzo Villahermosa. Life is really unpredictable. Isang babaeng Maria Clara lang pala ang katapat niya. Hindi pa rin ako makapaniwalang, you've made him a better man."

"Thanks to you." Sincere na wika ni Erine. "Alam mo, naiisip ko lang. Magkakilala kaya kami ni Kenzo kung hindi ako pumayag na magpunta ng El Tierro de Villahermosa noon? Mag-krus pa kaya ang landas namin kahit hindi ako naging isa sa mga associate niya?"

"Oo naman." Tugon ni Oceana. "Ang kapalaran natin, bago pa tayo ipinanganak ng ating ina -itinakda na sa atin ni God ang soulmate natin. It's either we'll search for them or they'll search for us. Tulad ko? Kung hindi pa ako nalasing sa isang annual party ng Company noon, di pa ako napadpad sa lugar kung saan nagkita kami ni Tommy." Natawa naman si Erine.

"MY BOSSY ASSOCIATE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon