VILLAHERMOSA COUSINS
KENZO "My Bossy Associate"
Written by: Yeshameen Brejente
CHAPTER 27 "When Love Is Gone"
#TheLastSevenChapters
TUMIKHIM si Kenzo upang mapansin siya ng mga ito. Lalo na ni Erine.
"What is the meaning of this?" seryosong tanong ni Kenzo bagay na nagpahiwalay agad kina Erine at Tom. Sa hitsura ni Kenzo ay mukhang makakapatay na ito ng tao. Tinapunan niya ng masamang tingin si Tom.
"Hindi ka ba aware na ex-boyfriend yan ni Catherine?" halatang nanggagatong si Bisha, kaya kay Erine naman nakapako ang mga mata ni Kenzo ngayon.
"Totoo ba, Erine?" tanong nito.
"Kenzo, Tommy is my friend." Sabi ni Erine, kaya naman agad na hinawakan ni Kenzo ang dalaga ss kanang kamay at mukhang nakahanda na ito upang kaladkarin siya palabas ng ospital oras na magkamali ng isasagot.
"Friend? Ano, doc? Papayag ka bang gano'n na lang ang pagpapakilala ni Catherine sa'yo?" nang-aasar na wika nito. Medyo may kalakasan ang pagpisil ni Kenzo sa palad ni Erine, dahilan upang masaktan ang dalaga.
"I just saw her again. And she's crying hard so bad. She needs someone to be on her side, considering that she is pregnant. What do you expect me to do?" ani Tom saka tuwid na tumingin kay Kenzo. "If I was the ex, I don't see any problem with it. Kung kayong dalawa ni Bisha ay mag-ex, wala naman siguro kayong naririnig mula kay Erine. It was the past, after all." Hindi naman nakaimik si Bisha dahil sa narinig mula kay Tom. Lalong hindi alam ni Erine kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila ni Kenzo ngayon. Lalo pa't alam na niya kung paano magselos ang binata. Paano kung saktan siya nito? Paano kung malimutan nito ang tungkol sa kondisyon niya?
"Let's go, Erine!" sabi ni Kenzo at halos hilahin na niya ang kanang braso nito upang makaalis lamang sa harap ni Tom. Naiwan naman sina Bisha at Tom.
"Ang lakas din ng loob mong manggatong!" singhal ni Tom kay Bisha.
"I want Kenzo, back! And I'm gonna do everything to take him again. Kahit ang kapalit no'n ay ang mapatay niya si Catherine." Sabi ni Bisha na nanggigil sa inis.
"Mayroon kang nag-aagaw buhay na anak, pero kasakiman pa rin ang tumatakbo dyan sa kukote mo. Wala ka pa ring ipinagbago, Bisha." Sabi ni Tom.
"Come on, doc. Ano ba ang pakiramdam na i-deny ka ng ex mo sa present niya?" nang-aasar ito.
"Wala kaming naging official na relasyon ni Erine, noon. I was madly in love with her, but she didn't accept me as her boyfriend. Hindi niya ako pinaasa. At wala kang karapatang magmarunong sa kung ano ang meron sa amin, dati." Sabi ng binata. Hindi naman nakapagsalita si Bisha, bagkus ay pumasok na lang ito sa loob ng silid ng anak.
Sakay na ng taxi sina Erine at Kenzo ngayon. Walang naging imik ang binatang nakaupo sa front seat, habang si Erine ay nasa backseat. Pero, alam ng dalaga na oras na makapag-solo sila ay mauuwi na naman sila sa isang matinding pagtatalo at baka nga mauwi pa sa sakitan. She knows what Kenzo could do when he's mad.
"Drop us there." Sabi ni Kenzo sa tsuper nang mapansin ang isang maganda at malaking Hotel sa Mactan Newtown. Ang Mactan Belmont Luxury Hotel.
Located in Cebu is your one-stop destination of your live-work-play-learn lifestyle, for your getaway of a lifetime - The Mactan Newtown. It is a 28.8 hectare tourism hub township project of Megaworld Corporation that can be easily reached in 15 minutes from the Mactan International Airport by foreigners and Filipino travelers and pleasure-seekers.
Within the growing, living, and vibrant communities of The Mactan Newtown is the prestigious Mactan Belmont Luxury Hotel, a worry-free investment where you can enjoy the by-the-beach experience with the Newtown Beach.
BINABASA MO ANG
"MY BOSSY ASSOCIATE"
Romantik"Kennedy Lorrenzo Villahermosa, also known as Kenzo Villahermosa, known as the Lecherous bachelor.Ang sinumang tititig sa kanyang mga mata nang tuwid hanggang sampung segundo, tiyak ikaw na ang panibago niyang associate.No questions should be ask!
