VILLAHERMOSA COUSINS
KENZO "My Bossy Associate"
Written by: Yeshameen BrejenteCHAPTER 25 "His Never-to-be-forgotten Past"
NAPANSIN ni Erine si Bisha mula sa likurang bahagi ni Kenzo. She smiles at her. That kind of an innocent smile.
"Bisha." Bati nito saka itinulak nang marahan palayo sa katawan niya si Kenzo. "I thought you're in Canada."
"People changed." Umiiling na wika ni Bisha habang minamasdan si Erine ngayon. At kahit di na nito aminin kung ano ito sa buhay ng binata, sigurado na siyang isa na naman ito sa associate ni Kenzo. "Alam ba ng parents mo ang tungkol sa inyo ni Kenzo?"
"Erine, let's go." Sabi ni Kenzo saka nito niyakap sa likuran ang dalaga.
"No, Kenzo." Nakangiting wika ni Erine at di inaalis ang mga matang sinadyang ipako kay Bisha. "You go ahead to our room. I've missed my foster sister, eh. We deserve some time to be alone." Napangisi naman si Bisha sa tinuran ni Erine.
"I'm staying." Bulong ni Kenzo. "I'm not gonna leave you. Think of our baby, please." Patuloy nito.
"Kenzo, you heard Erine. Why don't you just go and leave us, first?" sabi ni Bisha.
"Ako ang makakalaban mo oras na magalit si Erine!" sabi ng binata.
"Is that how you've become? Over protecting your - associate?" nakataas ang kanang kilay ni Bisha nang sabihin 'yon.
"I'm not his associate, Bisha!" sabi ni Erine. "I am his girlfriend. An associate is really different from a girlfriend."
"Don't assume so much, dear. You don't know what you're saying. Ikaw rin, baka nananaginip ka na ng gising." Sabi nito.
"Kenzo.." masuyong tawag ni Erine.
"Yes, baby?" wika naman ng binata.
"Can you tell her what am I to you?" sabi ng dalaga. Natawa naman si Bisha dahil sa inasal ni Erine. "What's funny?"
"Ikaw." Nang-aasar ngang wika ni Bisha. "Yang lalaki na 'yan? Ipaparamdam niya saiyo na mahal ka niya. Ipaparamdam niya saiyo na importante ka sa kanya. Pero, di ka naman niyan magawang ipagmalaki sa kahit na sino. Ni hindi ka niya maipakilalang special sa buhay niya. Just in case you didn't experience this situation yet, let me tell you. Nagkaharap na kami nina Dad. Alam mo ba kung ano ang sinabi niya no'n? Ipinakilala niya akong empleyada niya. And of course, I just have to go with the flow, dahil mahal ko siya!"
Biglang nagbago ang mood ni Erine. Tama nga naman si Bisha. Ganito rin naman ang sinabi ni Kenzo sa mga magulang niya nang magkaharap-harap sila. She paused for a moment. Really don't know what to say or how to react to what Bisha did say.
" Sometimes, it's hard to find words to tell you how much you mean to me. A lot of times, I don't say anything at all. But I hope someday, you'll understand, having you is what I live for." Sabi ni Kenzo kay Erine dahil alam niya ang takbo ng utak ng dalaga. "I have lots of plan running on my head. You just gotta trust me, baby."
"He's using you to hurt me, Erine. That's one thing I am certainly sure." Wika ni Bisha.
"You can stay here as much as you want to, Bisha. Be our guest." Sabi ni Erine bagay na ikinagulat ng dalawa. Di nila alam kung ano ang pina-plano nito. Pero, hindi rin kumontra si Kenzo.
"Hindi ko tatanggihan ang bagay na 'yan. We can catch up, though." Sabi nito.
"It's almost sunset, wala tayong dalang flashlight. We need to go back to our room." Sabi ni Kenzo. At habang nag-uusap ang dalawa kanina'y mabilis naman niyang nadampot ang inihagis na trunks sa lupa kanina at naisuot 'yon. Di niya pwedeng kontrahin si Erine ngayon, hindi sa harap ni Bisha. Ang ginawa niya'y bigla na lang niyang pinangko si Erine. Magiliw namang iniyakap ng dalaga ang mga braso sa batok ng binata. And he starts walking, and Bisha follows them.
BINABASA MO ANG
"MY BOSSY ASSOCIATE"
Romance"Kennedy Lorrenzo Villahermosa, also known as Kenzo Villahermosa, known as the Lecherous bachelor.Ang sinumang tititig sa kanyang mga mata nang tuwid hanggang sampung segundo, tiyak ikaw na ang panibago niyang associate.No questions should be ask!