VILLAHERMOSA COUSINS
KENZO "My Bossy Associate"
Written by: Yeshameen BrejenteCHAPTER 28 "When Love Is Gone 2.0"
#TheLastSixChapters
IT was Lucho Vrishuel who took Erine to the nearest hospital around the El Tierro de Villahermosa. Thinking of her and so with her condition. Lalo pa't dinudugo ito. Kasama siyempre ang walang tigil sa pag-iyak na si Oceana.
Nasa labas sila ng E.R, labis na nag-aalala para kay Erine.
"Maraming salamat, Lucho." Sabi ni Oceana. "I don't know what to do if you're not around."
"Dugo pa rin namin ang anak ni Erine. Wala silang kasalanan kung totoo mang sangkot ang ama ni Erine sa massacre." Saad ng binata. "Si Kenzo, baka nabigla lang 'yon sa mga pangyayari. Sobrang bilis kasi ng mga pangyayaring 'to."
"Mabuting tao si Tito Antonio. Hindi niya magagawa ang ibinibintang ninyong magpi-pinsan sa kanya." Ani Oceana.
"By knowing Erine? I also want to believe you're saying right. But, you don't know how painful it is for us to remember the past. The slaughterous past, Oceana. And Franz was there." Sabi ni Lucho Vrishuel.
"Franz was too young back then, Lucho!" ani Oceana saka naman bumukas ang pinto ng ER at iniluwa no'n ang doctor.
"Sino ang asawa ng pasyente?" tanong ng doctor. Umiling sina Oceana at Lucho Vrishuel. "So, you're a family?"
"Yes, doc." Tugon ni Oceana. "H-how's it?" umiling ang doctor. Nalulungkot.
"We tried saving the embryo, but he's gone. I'm sorry." Sabi ng doctor. Bagay na nagpaluha kay Oceana. Ang kaawang-awang buhay na di man lang nagawan ng paraan para mabuhay. Hinawakan ni Lucho Vrishuel si Oceana sa magkabilang balikat.
"Say to her I am very sorry. Ikaw na ang bahala sa kanya, Oceana. I got to go." Wika ng binata. Di naman nakasagot ang dalaga. Ang tanging namalayan na lang niya'y naglakad na palayo ng ospital si Lucho Vrishuel.
"Doc, can I see the patient?" ani Oceana. Tumango naman ang doctor, kaya pumasok naman agad si Oceana sa loob ng silid. Nagulat pa siya nang makitang gising si Erine. "Erine?"
"Buhay ang anak ko, Oceana. Nalaman kong si Lucho ang nagdala sa atin dito kaya kinausap ko ang doctor na palabasing wala na ang dinadala ko." Sabi ni Erine. "Ayoko nang magkaroon pa kami ni Kenzo ng ugnayan. Mula sa araw na 'to, itinuturing ko na siyang patay. Na hindi ko siya nakilala, na hindi kailanman nag-krus ang landas namin. Ikukuha ko ng napakagaling na abogado si Papa, at wala akong pakialam kahit sila pa ang makakalaban namin sa korte."
"Naiintindihan kita, Erine. Magpakatatag ka, alang-alang sa baby mo. Dahil ikaw na lang ang meron siya ngayon." Sabi ni Oceana saka niyapos ang kaibigan.
"Oo, Oceana. Ako na lang ang meron siya. Aalagaan ko ang sarili ko para sa aming dalawa. Iingatan ko siya, dahil isang araw na mag-krus muli ang landas namin ng walang kwenta niyang ama, ipapamukha ko kung ano ang itinapon niya't sinayang." Sabi ni Erine at bigla na lamang napaluha. "Ayaw pa ring mag-sink-in sa utak ko ang mga pangyayari. Napakabilis kasi, Oceana. Mula nang maliit ako, di ko nakikitang umaalis ang Papa sa bahay. Opisina lang naman ang pinupuntahan niya noon. Paano nila nasasabing sangkot ang ama ko sa massacre ng pamilya nila? Why is it so unfair? Why?"
"Lalabas din ang buong katotohanan. Tandaan mo, kahit kailan -hindi natutulog ang Diyos." Sabi ni Oceana sa kaibigan. At muli sila nitong nagyakap nang buong higpit.
Lumipas ang ilang araw. Nakakuha na rin ng isang magaling na abogado si Erine para sa kanyang ama.
Sabay namang dumating sa Palawan sina Marie at Rhyco. Nasabi na rin ni Erine ang kanyang pagdadalantao sa kanyang ina at tulad ng inaasahan ay kinumbinsi niya itong ipalabas na nakuna ang dalaga. Alam nilang magkikita pa rin sila ni Kenzo sa bawat hearing ng kaso.
BINABASA MO ANG
"MY BOSSY ASSOCIATE"
Любовные романы"Kennedy Lorrenzo Villahermosa, also known as Kenzo Villahermosa, known as the Lecherous bachelor.Ang sinumang tititig sa kanyang mga mata nang tuwid hanggang sampung segundo, tiyak ikaw na ang panibago niyang associate.No questions should be ask!