"Unbearable Pain"

15.7K 471 19
                                        

VILLAHERMOSA COUSINS
KENZO "My Bossy Associate"
Written by: Yeshameen Brejente

CHAPTER 25 "Unbearable Pain"

MARAMING tanong ang naglalaro sa utak ni Kenzo ngayon. Maraming bagay ang namumuo sa utak niya. Pero, saan nga ba siya magsisimula? He could see himself with Renz. Ang mukha ng batang ito na parang siyang-siya noong maliit pa. How dare him to deny him? Gusto niyang sumbatan si Bisha. Gusto niya itong kastiguhin hangga't kaya niya. But, seeing how hurt she is for the pain Renz is going through?

"Bakit mo inilihim sa akin ang tungkol sa bata?" tanong niya saka pumasok sa loob ng pribadong silid.

"Hinanap kita noon, Kenzo." Tugon ni Bisha. "Kung saan-saan na ako nagtanong, pero kahit sino sa angkan mo walang nakapagsabi kung nasaan ka."

"You know what you did to me in the past." Sabi ng binata.

"Alam ko." Tugon ng dalaga. "And I know I can't blame you. Pero, Kenzo malala ang sakit ng anak natin. Kailangan niya ng tulong mo. He needs a bone marrow transplant -soonest. Dahil kung hindi, pwede siyang mawala sa atin."

"Handa akong maging donor niya." Sabi ni Kenzo. Pero sa kabilang banda, kailangan niyang kumonsulta na muna kay Erine. Kailangang malaman ni Erine ang tungkol kay Renz. Ang tungkol sa karamdaman ng bata.

"Kailangan mong magpasuri na muna. At sana nga ay magka-match kayo ni Renz. Ikaw na lang ang tangi kong pag-asa. Ikaw na lang Kenzo." Sabi ni Bisha. Gumalaw ang bata nang ito'y magising. "Renz, baby.."

"Mommy? Where are we?" tanong ng bata saka inikutan ng tingin ang buong silid na kulay puti.

"Renz, nasa ospital tayo ngayon. Sorry kung iniwan ka ng mommy. Sorry anak." Sabi ni Bisha. "God knows I am doing my best to save your life. Hinanap ko ang daddy mo and look who's here.."

"Sino po siya, mommy?" tanong ng batang titig na titig kay Kenzo.

"As you grow up, you kept on asking mommy who's your dad and where is he right?" ani Bisha at tumango naman ang bata. "Renz, I want you to meet your daddy Kenzo."

"Daddy?" mahinang wika ng bata saka pilit na iniaabot ang kanang kamay sa binata. Dahan-dahan namang lumapit si Kenzo dito saka hinawakan sa kamay ang bata.

"I am so glad to meet you, Renz." Sabi ni Kenzo saka biglang napaluha. Awang-awa siya sa mukha ng bata. Kung alam niya lang siguro ang tungkol dito, kung alam niya lang na nabuntis niya si Bisha at kung naging maayos lang sana ang relasyon nila, baka hindi ganito ang buhay ng anak. "I am here and I'm willing to help you the best way I can." At maging si Renz ay naging emosyonal na rin. Umiyak din ito kaya di na napigilan ni Kenzo ang yakapin ito.


Unti-unting nagmulat ng mga mata si Erine. Sinubukan niyang kapain ang kanyang tiyan. Making sure if the embryo is still there. At gano'n na lang ang gulat niya sa nakitang tao na titig na titig sa maganda niyang mukha.

"Tommy?" di makapaniwalang bulalas ni Erine sa lalaking nakasuot ng unipormeng pang-doctor.

"Nakita kita sa lobby kanina. Mukhang nasasaktan. And you look so pale. You collapsed but I was able to catch you before you fell."

"Thank you, Tom." Sabi ni Erine. "H-how's my baby?" sabay haplos sa kanyang tiyan.

"You must be so stressed, Erine." Sabi nitong napapailing. "Nasaan ba ang asawa mo? Hindi ka dapat nagpupunta kung saan-saan nang walang kasama."

"Tommy, I was asking you if how's my baby." Ulit ni Erine.

"The embryo is fine." Tugon ng doctor. "Alive and kicking. Pero, di ibig sabihin no'n ay hindi ka na mag-iingat."

"MY BOSSY ASSOCIATE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon