"NEVER THOUGHT"

17K 479 7
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
KENZO "My Bossy Associate"
A Story by: Yeshameen Brejente


CHAPTER 22 "Never Thought.."


NANG makaalis si Kenzo mula sa bahay ng mga Arquiza ay bigla na lamang nalungkot si Erine. She wants to see him. Yung bang kahit kanina lamang sila nito't halos buong araw nang magkasama ay bigla pa rin niyang nami-miss ang binata. Gusto na tuloy niyang isipin na marahil ito ang kanyang pinaglilihian. Because when he's around, she easily gets mad at him. At kapag wala naman 'to ay saka niya hahanap-hanapin. Humarap ang dalaga sa life sized mirror ng kanyang walk-in closet. Sinusubukan niyang masdan ang maliit pa namang umbok sa kanyang tiyan.

"Sana, magawang mag-propose sa akin ang daddy mo bago pa kita iluwal. We will be the most happiest family in the world." Sabi ni Erine sa sarili. "Baby, tingin mo? Nasa ugali ba ng isang Kenzo Villahermosa ang mag-propose?" biglang nagbago ang kanyang aura habang nangangambang baka di rin ito magbalak na pakasalan siya alang-alang sa kanyang dinadala.

"Erine!" pukaw ni Marie sa dalagang tila kausap ang sarili mula sa replika nito sa salamin. Bigla namang nagulantang ang dalaga sa pagtawag ng ina. Hindi niya alam kung narinig ba siya nito o hindi.

"Mama?" she says histerically. Saka inayos na muna ang kanyang buhok bago humarap sa ina.

"I've been knocking at your door for too many times. I thought you're sleeping." Sabi ni Marie na napakunot-noo.

"S-sorry, Ma. I didn't notice you nor hear you neither." Sabi niya sa nagtatakang ina.

"Erine, ayos ka lang ba? Mukhang napapadalas ang pagiging magugulatin mo." Sabi ni Marie. Kaya agad namang lumapit ang dalaga sa kanyang ina saka niya ito niyakap.

"I've been so bored, Mama." Sabi niyang napangiti nang matamis sa ina upang ignorahin ang kabang nadarama sa kanyang dibdib ngayon. "There was nobody at home, today. Not even the housemaids. You should have told me na lalabas kayo ni Papa."

"Nag-dinner ka na ba?" tanong ni Marie saka hinagkan sa noo ang dalaga at pagdaka'y naupo siya sa malambot nitong kama.

"N-not yet, Mama." Tugon niyang bigla na lamang nais niyang dumuwal. Gustung-gusto niya ang gamit na pabango ni Marie. But not this time. Yung amoy na dati'y masarap sa ilong niya'y tila nagpapabaliktad na ngayon ng sikmura niya.

"Good." Sabi ni Marie. "Mr. Villahermosa has called us to get here tonight. Mayroon daw tayong pag-uusapan ng masinsinan." Parang musika 'yon sa tenga ni Erine.

"Oh, my God! It sounds like, this is it! Mukhang magpo-propose na siya sa akin." Masayang bulong ni Erine sa kanyang utak habang iniignora pa rin ang pagbaliktad ng sikmura niya."Ma, magkakilala na ba kayo?"

"Pinaunlakan lamang din namin ng Papa mo ang imbitasyon ng Ninong Felix mo. We don't have any idea about him." Tugon ni Marie.

"Bakit naman sila magkakilala ni Ninong?" kunot-noong aniya sa sarili. Hindi na niya iyon ipinarinig pa sa ina.

"May catering service na ipinadala si Mr. Villahermosa. Nasa baba na rin sila. Ikaw Erine.. ano ba ang relasyon mo sa lalaking 'yon?" tanong ni Marie sa anak. Ngunit natigil lamang ang pag-uusap nila nang mapadako ang Papa niya sa may pintuan ng kanyang silid.

"Papa.." magiliw na wika ni Erine pagkakita sa ama. At tuluyan na nga itong pumasok sa loob ng silid niya saka siya nito hinagkan sa noo saka niyakap.

"How are you, hija?" tanong ng kanyang ama nang humiwalay ito sa yakap niya.

"I'm good, Papa." Sabi ni Erine. "Na-miss ko kayo ni Mama." Nang magkatinginan ang mag-asawa ay kapwa naman sila napangiti dahil parang bata na namang naglalambing si Erine ngayon.

"MY BOSSY ASSOCIATE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon