"CAN THIS BE LOVE?"

18K 498 15
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
"KENZO" My Bossy Associate
Written by: Yeshameen Brejente





CHAPTER 10




NANULAK si Erine matapos siyang siilin ni Kenzo ng mapupusok na mga halik. Hindi siya pwedeng idaan sa ganito. Hindi siya pwedeng bumigay na lang sa tuwing nag-iinit ito sa kanya.

"Stop, it!" saway ng dalaga saka nagpahid ng sariling luha. "I don't need that, Kenzo. Huwag na huwag mo 'kong dadaanin sa ganyan."

"Ang labo mo, Erine. Why don't you just admit to it that you're jealous? Marami ka pang sinasabi." Wika ni Kenzo saka niya hinubad na basang damit at trouser. He's on his trunks right now. "Let's go upstairs. Magbibihis tayo. Dorothy will do her job."

"May mga damit ako, hindi na ako kailangan pang gawan ni Dorothy ng damit." Tugon niya.

"You're living in this house, Alexise Catherine. And I want you to be presentable." Seryosong saad ni Kenzo. "Let's go, upstairs."

"Mauna ka na. Gusto ko munang mapag-isa." Tugon ni Erine sa mahinahon na boses. "Kahit, ngayon lang."

"That's not what you need right now, Erine. You need something else. Hindi ako magdadalawang-isip na gawin 'yon saiyo, ngayon." Sabi ni Kenzo. Mukhang hindi lang ito nagbabanta.

"Pareho lang din, Kenzo! If you're not going to do it right here, doon sa kwarto mo naman. So, natural wala akong choice!" Asik ni Erine sa binata. Kaya agad siyang tumayo at mabilis na tinalikuran ang binata. She's running to the elevator. Wala na rin siyang pakialam kahit mabasa man ang Casa Blanca dahil na rin sa basang kasuotan niya. Marami namang housemaids ang naninilbihan sa mga Villahermosa.

Naiwan na muna si Kenzo sa deck chair. Hindi niya maintindihan ang nangyayari kay Erine. Hindi niya alam kung ano nga ba ang iniisip nito at kung bakit nga ba ito pumayag upang gamitin ni Oceana na maghiganti sa kanya?

Tumalon sa swimming pool si Kenzo, sa mismong malalim na parte ng tubig. He wants to control his temper. Hindi na niya pwedeng baguhin ang trato sa dalaga. He can't be harsh to her. He don't need to. Pero, bakit nga ba hindi? Matagal niyang para bang halos ilunod na lang ang sarili sa tubig. Halos di na siya umaahon sa ilalim ng tubig. He remembers no one but, Oceana.

He's just a man who loves sex so much. At kung sino ang matipuhan niya, hindi na niya 'yon pakakawalan. Pero, sino'ng babae ba ang gustong maging isang parausan lang? Sinong babae ang mangangarap na hanggang kama lamang siya? Nobody.

Papalugi na noon ang Benedicto's. Nalulong na ang daddy ni Oceana sa Casino. Muntikan nang napatay ng mga taong pinagkakautangan si Anton Benedicto. Ang ama ni Oceana. And it was Kenzo who offered him an exact amount of his total debt.

"What can I do to return the favor, Mr.Villahermosa?" tanong ni Anton sa binata noon.

"You know the thing I love." Tugon noon ni Kenzo habang inilagay ang isang attache case na naglalaman ng perang tig-isang libo ang Value. "This is 200 Million, pesos. No more, no less."

"Babae ang gusto mo. Why, don't you marry my daughter?" tanong no'n ni Anton. Biglang napangisi si Kenzo.

"I'll never marry someone. All I want is an associate." Sabi ni Kenzo. "You've mentioned your daughter. Is she in a relationship?"

"W-walang boyfriend ang anak ko. She's pretty and she's good. I'm sure bagay kayo." Tugon ni Anton.

"200 Million pesos and another 50 Million pesos if you can guarantee me that she's a virgin." Sabi ni Kenzo.
Napalunok naman si Anton. Sinong ama ba ang kayang ipagkanulo ang kanyang anak?

"MY BOSSY ASSOCIATE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon