VILLAHERMOSA COUSINS
KENZO "My Bossy Associate"
Written by: Yeshameen BrejenteCHAPTER 32 "A Road To Forever"
Check out my profile on Wattpad. http://w.tt/1GJ0jrH
"PRE-FINALE"
NAGING mabilis ang mga pangyayari sa kasagsagan ng ulan at hanggang sa ito'y matapos na. Nang mabigyan ng mga kasambahay ng roba sina Erine at Kenzo ay ipinasok na nila si Yahnie sa loob ng malaking silid sa Casablanca. Ang silid na naging saksi sa nabuong pag-ibig sa pagitan ng kanyang mga magulang.
"Kenzo, alam kong mali at alam kong hindi dapat." Simula ni Erine nang mapansin niya ang pagiging tahimik ng binata.
"Nangyari na ang mga nangyari." Tugon ni Kenzo. "Three years ako sa loob ng Seminaryo. I thought my vocation was faithful enough for me to evade any temptation." At bigla na lamang itong napaluha. Maging ang dalaga'y napaluha na rin, dahil pakiramdam niya'y ang sama-sama niyang tao upang tuksuhin si Kenzo.
Pero, alam niya sa puso niyang hindi iyon ang nagpapasakit lalo sa kanya, kundi ang isiping matapos nilang pagsaluhan ang init ng pagmamahal na hindi na nawala sa kanila kahit maraming taon na ang nagdaan ay ipamukha lamang sa kanya ni Kenzo na sobrang mali ng namagitan sa kanila. Higit pa sa guilt ang nararamdaman niya dahil sa panunukso sa binata. Lalong napaluha ang dalaga. Sising-sisi na rin siya at kung meron siyang gustong gawin ngayon, iyon ay ang lisanin na lang ang Casablanca.
"I'm so sorry." Sabi ni Erine. "Sa kagustuhan kong ipakilala saiyo si Yahnie ay nagulo tuloy kita. Naakit tuloy kita at ngayon gusto ko mang pagsisihan ang lahat, wala na rin akong magawa dahil sabi mo nga nangyari na ang mga nangyari."
"I came to seminary with a vision for serving the church, the people of God." Sabi ni Kenzo saka tumayo at tumalikod mula sa dalaga. "Pero, bakit gano'n Erine? Bakit, napakarupok ko pa rin? Bakit, ang hirap supilin ng damdamin?"
"Ang alam ko lang, kaya hindi kita matiis dahil ang pag-ibig na meron ako para saiyo noon -ay hindi naman nagawang burahin ng maraming taong nagdaan. Pero, tulad nga ng nasabi ko -si Lord na yata ang pinakamatindi kong kalaban." Sabi ng dalaga. "Kenzo, pwede ba akong magtanong?"
"Anything, Erine." Tugon ng binatang hindi pa rin lumilingon sa dalaga.
"Minahal mo ba talaga, ako?" luhaan pa ring tanong ni Erine.
"Oo, minahal kita." Tugon ni Kenzo.
"If you really love me like you say you do, di mo 'ko dapat tinalikuran. Di mo 'ko dapat sinukuan. Kasi pag mahal mo ang isang tao, dapat mo siyang ipaglaban!" sabi ni Erine.
"Paano ko ipaglalaban ang isang babaeng akala ko kasal na sa iba? Paano ko ipaglalaban ang isang babaeng akala ko masaya na talaga sa piling ng iba? Lalo pa't akala ko may anak na rin kasama ng lalaking alam kong mas mahal siya keysa sa pagmamahal na meron ako para sa kanya?" sabi ni Kenzo na ngayon ay nakaharap na sa dalaga.
"Mayaman ka Kenzo. You can use your money and your connections to know the truth. You can hire a private investigator to know if I'm married or not! But, you didn't. Dahil alam mo sa puso mo, na di naman totoo ang pagmamahal mo para sa akin. Na di sapat ang pagmamahal mo para ipaglaban mo 'ko." Sumbat ni Erine sa kanya.
"I love you so much to the point of choosing to let you go, Erine. Dahil alam kong masasaktan ka lang dahil sa pagmamahal ko. I know, I have ways to know if you're really married or not. But then again, I chose to let you go. Ang pagmamahal kasi, hindi makasarili." Tugon ng binata.
"So, does that mean that you'll pursue going to a Seminary? Kahit alam mong kailangan ka ng anak mo? Gano'n ba yun, Kenzo?" sabi ni Erine.
"Hindi ko alam." Sabi ni Kenzo. "Mas mabuti pa siguro ay pumasok na tayo. We need to rest. Baka muli ay hanapin tayo ni Yahnie."
BINABASA MO ANG
"MY BOSSY ASSOCIATE"
Romance"Kennedy Lorrenzo Villahermosa, also known as Kenzo Villahermosa, known as the Lecherous bachelor.Ang sinumang tititig sa kanyang mga mata nang tuwid hanggang sampung segundo, tiyak ikaw na ang panibago niyang associate.No questions should be ask!