VILLAHERMOSA COUSINS
KENZO: "My Bossy Associate"
Written by: Yeshameen BrejenteCHAPTER 18
NAGULAT naman sina Marie at Oceana nang mapansing hinimatay si Erine. Ngunit agad nila itong pinagtulungang dalhin sa kama saka inihiga do'n. Iniunan ni Marie ang kanyang kandungan sa ulo ng anak, habang naghahanap ng ipapaypay sa dalaga.
"Oceana, press the intercom and call for a housemaid to get in with a water please." Wika ni Marie sa dalaga. Sa kabila ng pagkataranta ay sumunod naman si Oceana. But, she's looking so worried. Hindi rin niya maipaliwanag ang pagkabahalang nadarama. "Erine, hija!" napapaluha na si Marie. Mula nang dumating ang anak kagabi sa bahay nila ay tulog ito. Ngayong nagising naman ay saka hinimatay. Dumating ang kasambahay na may dalang tubig. Upang magising si Erine ay sinadya ni Marie na buhusan ng tubig sa mukha ang dalaga. At saka naman ito unti-unting nagkakamalay-tao.
"Mama.." matamlay na tawag ni Erine sa kanyang ina na batid niya'y labis na ngang nababahala. At nasulyapan niya rin si Oceana na nakatayo sa likuran ni Marie.
"Erine, what's wrong? Where have you been? Hindi mo ba naisip na halos ay mamatay na ako sa kakaisip kung nasaan ka na? I was dead worried, hija." Luhaang saad ni Marie saka niyakap ang anak.
"I've missed you so much, Mama." Emosyonal ding wika ni Erine at ngayong nakasubsob ang mukha niya sa balikat ni Marie ay tinapunan niya ng makahulugang tingin ang kanyang matalik na kaibigan. "Ma, pwede bang iwan niyo na muna kami ni Oceana? Please?" kaya agad naman siyang humiwalay sa yakap ng ina. Tumango naman si Marie.
"Sure, Erine." Tugon ni Marie saka napatayo mula sa kama ng anak. "Oceana.."
"Tita, it won't take long. Ako na ho ang bahala kay Catherine." Nakangiting sabi ni Oceana at hinawakan pa sa kanang kamay si Marie. Ngumiti naman ang ginang sa kanya na para bang nagsasabing nagtitiwala siya. Hinintay na muna ng magkaibigang makalabas si Marie. At ngayon ay dahan-dahang lumapit sa kama si Oceana, sa tabi mismo ni Erine.
"Oceana, I don't get it." Umpisa ni Erine.
"Ano ang hindi mo makuha?" balik-tanong ni Oceana sa seryosong tinig.
"Natulog akong kapiling ko si Kenzo. Bakit, paggising ko narito na ako? Did he call you to take me home?" kunot ang noong wika ni Erine. Napatitig si Oceana sa kanyang mga mata.
"He asked me to take you home." Tugon ni Oceana.
"Nagkita kayo?" may pagdaramdam sa boses ni Erine na para bang naninibugho.
"Natural, Erine." Tugon ni Oceana. "Paano mo nagawa sa akin ang bagay na ikinatatakot kong mangyari?"
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Oh, come on! Stop playing as if you're innocent. You know what you did. I trusted you." Sabi ni Oceana na pilit na nagpapakahinahon.
"Pumayag akong ipaghiganti ka. Pumayag ako sa gusto mong mangyari, dahil ayokong magpatiwakal ka. Akala mo ba madali? It was never easy at all, Oceana. Pero mahal kita at ayaw kong mawala ka kaya pumayag akong gawin ang isang bagay na alam kong ni sa panaginip di ko na naisip na magawa ko." Sabi ni Erine saka biglang napaluha. "Hindi mahirap mahalin si Kenzo lalo na sa mga panahong magkasama kami ay wala siyang masamang ginawa."
"Sinungaling!" sabi ni Oceana saka pinadapuan ng isang sampal sa pisngi ang kaibigan. "I know who Kenzo is. And I know what he could do to his associates. How dare you say na wala siyang masamang ginawa saiyo?"
"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, Oceana. I was only telling you the truth. He was been gentle to me. Kaya minahal ko siya." Sabi ni Erine.

BINABASA MO ANG
"MY BOSSY ASSOCIATE"
Romance"Kennedy Lorrenzo Villahermosa, also known as Kenzo Villahermosa, known as the Lecherous bachelor.Ang sinumang tititig sa kanyang mga mata nang tuwid hanggang sampung segundo, tiyak ikaw na ang panibago niyang associate.No questions should be ask!