VILLAHERMOSA COUSINS
KENZO "My Bossy Associate"
Written by: Yeshameen BrejenteCHAPTER 30 "Love Is Worth Fighting For?"
#TheLastFourChapters
Check out my profile on Wattpad. http://w.tt/20cEGX0
HINDI na muna umuwi si Erine sa kanilang bahay. Mas pinili niyang mapag-isa na muna ngayon. She went to the Golden Gate Bridge again.
"Hindi mo na siya dapat pang sinundan. Hindi na sana kayo muling nakapag-usap." Sabi niya sa kanyang sarili. "Ang problema saiyo, ang tigas din ng bungo mo eh!" kastigo niya sa sarili. Naiisip niya lang kung bakit sa dinami-dami ng lugar dito sa America ay dito pa sila nagkita ng binata. Kung bakit kasi kailangan pang mag-krus ng landas nila. Parang bumabalik ang lahat sa kanyang utak. Hindi naman lahat ng malungkot at masakit na alaala ang naglalaro ngayon sa kanyang gunita. Kundi ang masasaya nilang sandali ni Kenzo noon. Yung pagbuo nila sa kanilang anak na si Yahnie. Ang inosenteng bata na wala pang ideya kung sino ang tunay nitong ama.
Isang hawak sa kanang balikat ang nagpalingon kay Erine. Kilalang-kilala na yata siya ni Rhyco. She used to come here whenever she wants to be alone.
"Kanina pa kita sinubukang tawagan. Nag-alala ako saiyo." Sabi ng binata saka lumapit sa dalagang nakatanaw sa maliwanag na ilaw ng San Francisco. Giving her his handkerchief.
"Rhyco, masama ba akong tao?" she asks, still in tears.
"Why?"
"Masama ba ako kasi inilihim ko ang tungkol sa anak ko? Inilihim ko siya mula sa kanyang ama, makasarili na ba ako?" aniya saka siya niyakap ni Rhyco nang mahigpit. Rubbing her back.
"Hindi ka masama. Wala siyang ideya kung ano ang pinagdaanan mo habang mag-isa kang dinadala ang responsibilidad na dapat sana siya ang katuwang mo. Pero Erine, nasaan nga ba siya nang sandaling kailangang-kailangan mo siya? Di ba't pinagtabuyan ka niya? Dinamay niya ang anak niyo di ba? Sinaktan nilang magpi-pinsan ang inosente mong ama." Sabi ni Rhyco.
"Sa mga mata niya kanina, nakita kong sising-sisi siya. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Nakita ko't naramdaman ko ang sinseridad niya sa paghingi sa akin ng kapatawaran." Sumbong ni Erine dito. "And now? I feel so guilty for hiding Yahnie from him. My baby is growing up, Rhyco. Sooner, she'll start questioning me who is her father. Ano nga ba ang isasagot ko? Paano ko nga ba mabubuo ang pagkatao ng anak ko kung wala siyang alam tungkol kay Kenzo? Karapatan ng anak kong malaman ang tungkol sa ama niya. Pero, nasasaktan pa rin ako eh. Kapag iniisip ko yung mga sinabi niya noon sa akin? Kapag naaalala ko kung paano niya ako pinagtabuyan palabas ng Casablanca na duguan? Gusto ko siyang kamuhian ng paulit-ulit. Gusto ko siyang kasuklaman. Pero, bakit ngayon? Bakit nakakaramdam ako ng awa sa kanya? Bakit naaalala ko pa rin ang masasaya naming alaala? Bakit, tila bumabalik ang pag-aalala ko sa kanya? He's sicked, Rhyco. And I took him to the hospital, and left him alone there. Gusto ko siyang balikan. Gusto ko siyang alagaan. Gusto kong dalhin si Yahnie sa kanya para maipakilala ito sa kanya."
"I have no right to stop you, Erine." Sabi ni Rhyco na biglang nalungkot. "Kahit gaano na tayo katagal na nagsama dito, di pa rin matutupad ang hiling ko sa Diyos na sana ako! Ako naman ang makita mo. Ako naman ang mapansin mo. Pero, sadyang gano'n yata talaga.Sometimes someone can hurt us more than we really deserve because we had loved them more than they actually deserve."
"Rhyco, kahit kailan hindi kita pinaasa. Lagi kong sinasabi saiyo na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay. Kung maturuan ko lang sana ang puso ko para mahalin ka, matagal ko na sanang ginawa. Pero, hindi eh. Ang hirap pilitin nito." Turo ng dalaga sa tapat ng kanyang dibdib. "Thank you so much for everything you did for me and for Yahnie. Gusto ko nang bumalik ng Pilipinas. Gusto ko nang mamuhay kami ng anak ko ng tahimik. Narito na rin lang si Kenzo, masyadong maliit ang San Francisco para sa aming dalawa."
BINABASA MO ANG
"MY BOSSY ASSOCIATE"
Romance"Kennedy Lorrenzo Villahermosa, also known as Kenzo Villahermosa, known as the Lecherous bachelor.Ang sinumang tititig sa kanyang mga mata nang tuwid hanggang sampung segundo, tiyak ikaw na ang panibago niyang associate.No questions should be ask!