VINCE
Agad akong nag-walk out sa hindi ko maintindihang nararamdaman ko.
Para akong nagagalit, naiinis, nasasaktan, EWAN!
"Pare! Uy, Pareng Vince! Pare! Uy!"
Narinig ko pa'ng pagtawag sa'kin ng BH (BLICA's Heartthrobs). Pero wala na akong pakialam. Basta ang gusto ko na lang ay ang umuwi.
Nakakainis, ang tagal ko siyang inabangan, tapos ano? May kung sino na lang na lalaking ganon sa kanya!? AKO dapat 'yon eh! Imaginine niyo nga na ako yung nangganon kay PJ, o 'di ba? Bagay na bagay! Kaasar! Gustong-gusto kong suntukin yung lalaki sa mukha.
Kaso, sino nga ba naman ako? Wala akong karapatang magalit o magsalita dahil una sa lahat, hindi 'kami', pangalawa, hindi niya ako gusto, at panghuli, AKO LANG NAMAN YUNG TAONG PINAKAKINAIINISAN NIYA. O 'di ba, ang saya? (- ω -)
Ang tanga ko din naman kasi eh, bakit kasi ganoon ang unang pagkikita namin at ang una- ay hindi, ang mga pagtrato ko sa kanya. Ayan, masama na tuloy ang image ko sa kanya, idagdag niyo pa ang pagiging paasa ko na kalat sa buong school.
Great, just great. *sarcasm*
***
Pumasok pa rin ako ngayon kahit na sobrang bad mood ako.
"Oh my gosh. Vince!" lumapit sa akin yung kinikilig na babae. Kasasabi ko palang, sobrang bad mood ako.
"Vince. Sabi mo- "
"Huwag mo 'kong lapitan." galit na pagkakasabi ko. I mean it.
"Vince, you told us that- "
"Huwag mo 'kong kausapin." galit na sabi ko, diretso lang ang tingin ko. Samantalang itong babae, nakasunod lang sa'kin. Mas binilisan ko yung paglalakad ko.
Kaunti na lang talaga.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko, "Vince!"
Naitulak ko siya, "Ano ba? Tagalog naman ang sinabi ko ah!? Sabi nang huwag mo 'kong lapitan at kausapin!"
Alam kong nagulat yung mga tao sa paligid. Lahat sila natulala at napanganga sa gulat.
"V-vince... " nanginginig na sabi nung babae na nakaupo sa sahig dahil sa pagtulak ko.
"Tss." tumalikod na ako sa kanya at humakbang paalis nang bigla kong nakita si PJ na nanlilisik ang mga mata sa akin. Gulat akong nakita siya pero, binawi ko din ang pagkagulat sa mukha ko at sumimangot ulit at umalis na ako. Pupunta muna ako sa tambayan namin para magpalamig ng ulo.
Pagkapasok ko, pinagsusuntok ko yung sofa dahil sa inis at pagkapahiya. Oo, napahiya ako dahil nakitang lahat ni PJ yung nangyari! Paniguradong nadagdagan ang inis niya sa akin. Bwiset naman o! Eh sa nakakainis naman talaga yung babae kanina. Ang landi, wala naman akong interes sa kanya.
Pero kasi, nakita niya yung ginawa ko! Paano niya na ako magugustuhan kung ganon nga?!
"What do you think you're doing? Wrecking someone's sofa?"
Napatingin ako sa taong kapapasok palang dito. As usual, mataray at poker-faced lang, "S-sorry." itinigil ko ang pagsuntok at kumuha ako ng inumin sa ref.
"I saw what you did." naupo siya sa center. Yung sofa niya na nag-iisa pero malaki. Si Princess/Yumiko.
Napabuntong hininga lang ako.
"Tell me the reason why. I'll listen."
"Sigh. Princess, sorry talaga. Kasi naman... Kahapon... Sobrang excited akong ipakita siya kahapon sa BH, ang tagal naming naghintay kaso, may umepal na lalaki. Hinalikan siya sa pisngi, inakbayan, at naghawak kamay pa sila. Ang sakit kaya! Okay na sana eh, epal talaga 'yon!"
"Hahaha, very funny." tumawa pa siya.
"Anong funny ka diyan, Princess?!! Ako na nga 'tong broken-hearted eh!"
"You were wrong about the guy you saw yesterday."
"Ha? 'Di kita ma-gets."
"And you acted like that a while ago."
"Sino ba kasi 'yon?"
"That guy was... "
*RIIIIIIIIIIIIIIING*
"Oops, the bell rang. Time for the first subject." at nawala na parang bula si Princess dahil sa bilis umalis.
"Princess! Sino?! Ugggh!"
Sino kaya yung lalaki kahapon? Basta, sobrang bad mood pa rin ako. (¬_¬)ノ
Lumabas na ako at dumiretso sa College building. Hayst. Huwag lang sanang may lumapit na babae.
Magdamag akong hindi nakinig sa klase, bad mood nga ako 'di ba? Naririnig ko din ang mga bulungan ng mga kaklase ko pero sinasamaan ko na lang sila tingin. Takot naman sila sa'kin kaya nanahimik agad sila.
Sino ba kasi talaga yung lalaki kanina? Pabitin epek pa kasi si Princess! Pwede niya namang sabihin agad eh. Kunsabagay, kailangan palaging maaga 'yon sa klase. Hmmm, sino ba kasi 'yong lalaki? Best friend ba ni PJ? Pinsan? Kapatid? Pamangkin? Ay mali, mukhang magkasing edad lang sila eh. Basta, kahit alin dyan sa mga 'yan huwag lang sana niya boyfriend, kundi, baka kung anong mangyari doon! Humanda-handa siya.
***
Naglalakad na ako ngayon sa corridor papuntang cafeteria. Hindi naman sa gutom ako, pero kasi, yung feeling na gustong ngumuya/kumain ng bibig mo. Ganon. Ikakain ko na lang ang pagka-bad mood ko.
Maraming tao dito sa corridor na nagbubulungan, mga babae. Hindi ko nga lang marinig. Tss, wala na akong pake.
"Oh my ghawd, should I also do what the other girl did earlier? I freaking want to get Vince's attention even if it means I'll be pushed." -Girl 1
"Huh? Lukaret ka na ba? Ayaw na ayaw mo kayang tinutulak ka, tapos magpapatulak ka kay Vince?" -Girl 2
"Girl, you know how much I wanted to get any of the BH guys' attention." -Girl 1
"You're desperate." -Girl 2
"Call me whatever you want, but I've made up my mind. They're freaking hot, sexy, and smart! Perfect, right?" -Girl 1
"Tss. I wouldn't do that even I wanted to get their attention! I wouldn't do something I'll regret later or worst, forever!" -Girl 2
"Whatever!" -Girl 1
***
"Woah, Pare, hindi ka naman gutom sa lagay na 'yan!?"
"Tss."
"Mapera! Hahahahaha! Manlilibre na 'yan!"
"Manlilibre na 'yan! Manlilibre na 'yan! Manlilibre na 'yan!" pagkantyaw nila sa'kin. Naglapag na lang ako ng 2,000 sa table.
Sobrang dami ko kasing biniling pagkain, pang 15 people.
"Wow! May himala na talaga! Hahahahahahaha."
"Tss, is that all? That can't buy me my starbucks!" -Matthew.
"Tch." naglapag pa ulit ako ng 4,000 sa table.
"Ay wow! Tara, tara bili na tayo. Hahahahaha, ubusin na natin 'tong pera!" -Gio
"Ay wait, anong gusto mo, Yum-yum?" -pagtatanong ni Gio kay Princess.
"Whatever you're going to have would be fine." -Princess na poker-faced, as usual.
"Okay. :) Tara na mga Pare!" sabay-sabay umalis ang BH papuntang counter. Talagang excited silang bumili ah!
Tutal, ako na lang at si Princess ang natitira, itatanong ko na sa kanya kung sino ba talaga yung lalaki.
"Prince- "
"Excuse me but, I'll just go to the wash room. Tell Gio where I am just in case he asks. Bye." umalis agad si Princess.
"Great. Tss, enjoyin ko na lang 'tong mga pagkain." mukhang naramdaman ni Princess na magtatanong ako kaya umalis siya. Hay nako!
Kailan ko ba malalaman kung sino 'yon?!!
BINABASA MO ANG
I Love You, PANGET.
RandomThey say, don't judge a book by it's cover. Open its contents and discover. Tulad din sa mga tao, HUWAG HUSGAHAN ANG PISIKAL NA ANYO KUNDI TIGNAN MO ANG TUNAY NITONG PAGKATAO. ~~~~~~~~~~~~~~ All parts of the story was made/written only and only by...