CHAPTER 6

24 2 0
                                    

VINCE

Wala na akong schedule ng pag-uuwi ng babae sa bahay ngayon. SH*T! Meron pala, at meron din sa mga darating pang araw. Sh*t. Limang babae na lang naman sila, kaya ko 'yan. Yakang-yaka ng katulad kong gwapo. *insert mahangin weather* At pagkatapos nila, susundan ko na talaga ang babaeng nagtapon ng.... alam niyo na 'yun! Kadiri. Kinikilabutan nanaman ako. ( > < )

Erase. Erase. Hindi dapat kinikilabutan ang katulad kong gwapo. Haha! *insert mahangin weather*

Magkikita-kita kaming magbabarkada ngayon sa teritoryo namin. Pinatawag kami ni Princess, eh. Lagot ako niyan kapag hindi ako sumipot. Hindi lang ako, pati sila.

"Nandito na 'ko." pinihit ko ang door knob at biglang nakita ko si Princess na salubong ang mga kilay.

"You are late!" bungad niya sa akin. || "Aay!" napaupo ako sa sahig dahil sa gulat.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tinawanan naman ako ng mga BH (BLICA's Heartthrobs). Ang babait talaga ( -___________- )

Agad akong tumayo at pinagpagan ang uniform ko.

Nginitian ko naman si Princess, "Ikaw naman, hehe, ginulat mo 'ko. *kamot sa ulo*"

"Come in." tinalikuran niya ako at naupo sa gitna.

Ganito kasi 'yan, may tatlong sofa dito sa loob. Yung dalawa ay para sa aming sampu at yung isa ay para kay Princess. Sosyal 'di ba? Pang-solo ang sofa niya at talagang elegante.

Ganito naman ang arrangement:

SOFA NI YUMIKO/PRINCESS

SOFA NG BH | Center table | SOFA NG BH

"Sit." utos niya sa aming lahat na agad naming sinunod kahit parang pang-aso. ( -___- )

"Okay, pinata--- "

"Teka lang, Yum-yum, maglalabas ako ng pagkain." sabi ni Gio.

"Oo nga!" pagsang-ayon namin, pero, sinamaan niya lang ng tingin si Gio.

"E... ehehehe, sabi ko nga." ngumiti ng pagkatalo si Gio. Kawawa naman.

"Nagpatawag ako ngayon dahil may importanteng event na mangyayari. Magkakaroon ng labanan sa basketball from different schools. At syempre, kasama tayo lagi, 'di ba? 1 month kayong mawawala dito sa school. Dahil, magte-training ulit kayo bago ang laro, at pagkatapos ng laro, 1 week pahinga. By the way, 5 days ang laro."

"Ano?!"

"What!"

"Jinjja?" -Rupert.

Tumango si Yumiko/Princess, "Yes, I know sobrang mapapagod kayo kaya naman, binigyan ko kayo ng sari-sariling allowance at hinanapan ng hotel na matutuluyan. Ayoko namang pabayaan kayo. Bayad na lahat ng expenses ninyo, kaya umayos kayo! Dapat manalo ulit tayo!"

"Awwww." sabi namin sa tono na na-touch kami. At sabay-sabay naming yinakap si Princess. Nangunang yumakap si Roderek, malamang, matagal niya ng mahal si Yumiko. Sumunod na yumakap si Gio, ang best friend. At ang iba ay nakiyakap na rin.

"Mahal na mahal mo talaga kami, Princess!" sabi naming lahat.

"Of course!" poker-faced na sabi ni Yumiko.

"Tama na, hindi na ako makahinga. Gum-gum, maglabas ka na ng pagkain."

"Yun, o!"

"Woooooooh!"

"Chibugan na!"

Iba't-iba ang naging reaksyon namin.

Habang nagkakainan kami, hindi ko alam kung bakit ako napatingin sa pintuan. Sa pagtataka ko, pumunta ako doon at sinilip ang labas. Wala namang tao. *kibit-balikat*

Isasara ko na sana ang pinto nang biglang may dumaan, agad akong lumabas pero, wala din. Guni-guni ko lang siguro 'yon. *kibit-balikat*

Isasara ko na ulit yung pinto nang biglang may dumaan ulit, this time, nakita ko siya--yung babaeng nagtapon ng... alam niyo na! At sa likuran niya parang may itim na hugis tao.

( O______________O )

Gulp.

Uggggh. Guni-guni ko lang 'yon. At saka, July pa lang kaya walang multo. Kinusot ko ang mga mata ko at tinignan ulit siya.

( O_____________________O )

Hi-hindi nawala yung itim na hugis tao! Baka naman may pilik-matang nahulog sa mata ko, tanggalin ko nga. Pagmulat ko...

"Aaaaaaaaah!" napaupo ako sa sahig dahil sa gulat. Nasa harapan ko na kasi siya.

"Okay ka lang?"

Kailangan hindi niya mahalatang nagulat ako, tumayo agad ako at kunwari walang nangyari. I-on ang cool image, i-on. "Yeah." cool na sabi ko.

"Nandyan ba si Yumi?" pagtatanong niya, tinitignan ko ang likuran niya pero wala na doon yung nakita ko kanina.

"Uy?"

"Ah, sorry! Yes, she's here." sagot ko pero nakatingin pa rin sa likuran niya.

"Pakitawag naman siya."

"Yeah, sure. Wait." tinignan ko ulit ang likuran niya bago ko tinawag si Princess. Wala na nga yung nakita ko kanina.

"Princess, may naghahanap sa'yo."

"Who?"

Nagkibit-balikat ako.

"Sino nga?"

"Babae."

Pumunta si Princess sa kinatatayuan ko. "O, ikaw pala, Precious."

Precious? 'Yon ang pangalan niya? Nakinig lang ako.

"Kanina pa kita hinahanap, Best. Aayain sana kitang pumunta sa bahay mamaya."

"I told you may iba na akong Best, Precious Jewel."

"Sorry."

"It's okay. Bak-- Hoy."

Bakit bigla silang tumigil sa pag-uusap, tinignan ko sila.

"A-ano, sige, sabi ko nga. Hehe. ( ^___^ ) *kamot sa batok*"

Sayang, nahuli pa ako ni Princess na nakikinig. So, Precious Jewel pala ang pangalan niya? Ang korni, ah. At halatang mayaman siya. Bakit kaya sila magkikita ni Princess mamaya? Sumama kaya ako? Tsk. Bakit naman ako sasama!? Hindi naman espesyal ang babaeng 'yon.

I Love You, PANGET.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon