CHAPTER 8

25 1 0
                                        

VINCE

Okay, tatapusin ko muna ang schedule ko sa mga babae bago ko simulan ang plano ko. Paano kung sa kanila ko mahanap ang sagot?

Lumipas ang mga araw at pang-limang babae na ang kasama ko. Ibig sabihin, siya na ang huli kong schedule. Siya nga pala, doon sa 4 na babaeng inuwi ko nitong nakaraang mga araw, nagtanong ako patungkol doon kay PJ, kaso hindi nila kilala. Sana itong babaeng kasama ko ngayon ay kilala niya.

"Hey. Let's go." pag-aya ko doon sa babae. Pero hindi ko siya sinundo sa labas ng room nila. Ano siya, special?! Naghintay ako dito sa labas ng kotse, nakasandal ako na siyang nagpapakita ng kakaiba kong kagwapuhan.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. You read it right! Siya pa ang nagbukas para sa'kin.

"Sakay ka na. :)" at siya din ang nagpapasakay sa'kin. Baligtad ah.

"No, you should go in."

Tumango siya at sumakay na. Mukhang mabait 'to. At dapat mas dumoble ang pag-iingat ko.

Sumakay na din ako.

Nang makarating kami sa bahay, nagpahingi ako ng makakain at maiinom. Sana alam niya kung sino si PJ. Nasa terrace sa second floor lang kami, syempre, alangan namang kung saan pa.

"Can I ask you something?"

"Hmm-mm." tumango siya at masayang tumingin.

"Do you know, PJ?"

"Yes. Yun yung bata sa Analiza, yung gwapo! X) "

"Hindi. I mean, Precious Jewelry."

"Precious Jewelry? Uhmm..."

Kapag hindi mo kilala, paaalisin kita dito sa bahay! Kaya umayos ka.

"Ah, oo!"

Baka narinig niya yung sinabi ko sa isip ko.

"Talaga?"

"Oo. Siya yung kaibigan ni Yumiko 'di ba?"

Halos maibuga ko na ang iniinom kong juice. "O-oo."

"Bakit mo naman naitanong ang kaibigan ko?"

"Itatanong ko lang sana kung anong last name niya."

"Delos Reyes. Siguro, siya naman ang dadalhin mo dito 'no?"

Nginitian ko lang siya.

"Yiee. Sabi na nga ba. Kaso, may boyfriend na yun."

" *cough!* A- *cough!* -no?"

"Oh my gosh! Vince heto tubig! Dahan dahan lang sa pagkain. Oo, may boyfriend siya."

Naka-recover na ako.

"May *cough* boyfriend? Gaano na sila katagal?"

"Matagal na rin, 1 year and 6 months na sila. Ewan ko nga d'on kay Precious kung bakit niya sinagot 'yun eh."

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi, itong boyfriend niya, kilala bilang nagpapa-under doon sa ex nito at hanggang ngayon kahit na sila na ni Precious ay mahal pa rin niya ang ex niya. Balita ko nga kino-contact niya pa rin yung ex niya."

Grabe naman yung boyfriend ni PJ, siguro napakabait nitong si PJ kaya siya niloloko ng g*gong boyfriend niya.

"Alam ba 'to ni PJ?"

" 'Yon nga eh, hindi alam ni Precious."

Halos maibuga ko nanaman ang juice ko, "Grabe." 'yan na lang ang nasabi ko.

"Kawawa nga ang kaibigan ko."

"Kung kaibigan mo nga si PJ, bakit hindi mo sinasabi sa kanya?"

Lumungkot ang ekspresyon niya, inilapag niya ang juice niya,"Binalak kong sabihin kay Precious kaso... natakot ako."

"Bakit?"

Huminga muna siya ng malalim, "Binantaan ako ng boyfriend niya, kapag sa oras na sinabi ko ang katotohanan kay Precious malulugi ang pamilya namin, malamang ganoon din ang sinabi niya kay Yumiko. Napakamaimpluwensiya ng pamilya nila kaya sa oras na mag-pull out sila sa company namin, paniguradong malaki ang ikalulugi namin, ayokong mangyari 'yon kaya nanahimik na lang ako.

And as for Yumiko, hindi siya takot, mas gusto niyang si Precious ang mismong makaalam dahil kapag sinabi niya, iisipin lang ni Precious na sinisiraan niya ang boyfriend nito."

"Kawawa naman pala siya." mahinang sabi ko.

"Kawawa talaga ang kaibigan ko."

Parehas kaming nanahimik ng ilang segundo.

"Hahahahahahaha! Alam mo Vince, nakakatawa ka pala at hindi ka naman pala ganoong kasama. Hahahahahahahahahahaha!"

Hala, nababaliw na 'to, "Bakit mo naman nasabi?"

"Kasi, kaya ako pumayag na sumama sa'yo ay para hanapan ka talaga ng mali. Pero, ako pala ang nagkamali."

"Mali?"

"First time kong marinig mula sa'yo na may kinaawaan kang babae. Mabait ka naman pala talaga. Kahit 'di tayo magkakilala ng sobra, alam kong ang ipinapakita mo ngayon ay ang totoong Vince Amador Pascual. :) "

Siya pa lang ang nakapagsabi ng ganyan, "Talaga?"

"Once kasi na makita ko ang bright side sa isang tao, 'yong bright side na 'yon patuloy kong makikita sa taong 'yon. Ganoon na ang tingin ko sa'yo."

"Ano ngang pangalan mo?" iniabot ko ang kamay ko para makipag-shake hands

"Oh my gosh. Si Vince Amador Pascual ay tinatanong ang name ko! Joke lang. I'm Anne Reyes." nag-shake hands kami.

"Related ba kayo ni PJ?"

"No. Close friends lang talaga kami, marami ding nagtatanong niyan."

"May sasabihin ako, pwede mong isiping swerte ka pero para sa'kin bago 'to. Sa totoo lang, sa lahat ng naiuwi kong babae, ikaw pa lang ang naging kaibigan ko."

"Wow. I'm very honored."

"Isa pa. Pwedeng friends tayo? Sa tingin ko mapagkakatiwalaan kita."

"Sure! Hindi mo alam kung gaano kasaya'ng maging kaibigan ng sikat at sa katulad mo pa!"

"Prangka ka din 'no? :) " biro ko.

"Oo naman. I would never comfort my friends with lies."

"Thank you. Maaasahan ba kita, Anne?"

"Oo naman. Basta huwag mong paiiyakin 'yang si Precious, ako mismong babali sa mga buto mo!"

"Babali? Nagma-martial arts ka?"

"Yep. Karate, taekwondo, muai thai, at iba pa!"

"Takot na 'ko! 'Di ko paiiyakin 'yon 'no at saka, wala naman akong interes sa kanya." sinungaling.

"Liar."

Huh? Nabasa niya ang isip ko?

"Hindi ka naman magtatanong kung hindi ka interesado 'di ba? Sinungaling ka, kaibigan kita kaya alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi! Hmmp! :P "

"Oo na po. Tara na? Gumagabi na, ihahatid kita. As FRIENDS."

"I know, hindi mo kailangan diinan ang friends dahil walang malisya sa'kin."

"Haha! :D " magaan agad ang pakiramdam ko kay Anne. Bumaba na kami, nasa second floor sa terrace kasi kami, pagkababa namin nakita namin si Mama na masama ang tingin kay Anne.

"Hi, Ma." nag-kiss ako sa pisngi niya. Bago ako kumiwalay, bumulong ako, "Si Anne Reyes po, kaibigan ko. First time nga po dahil may nalaman na ako tungkol doon sa babaeng sinasabi ko."

Pagkahiwalay ko kay Mama, nag-soften ang mukha niya. "Good." pagkatapos umakyat na siya.

"Ganoon talaga ang mukha ni Mama kapag may iniuwi ako pero, sinabi kong friends tayo kaya ganon."

"Ah, mabait naman ata ang Mama."

"Sobra!" sobrang sungit.

I Love You, PANGET.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon