VINCE
Nadala ko na kagabi sa bahay 'yung babaeng nag-confess sa akin kahapon. Ayun, walang reaksyon ang mga magulang ko, sanay na kasi sila sa ginagawa ko. At 'yung babae? Hindi naman nagalit sa ginawa ko, alam naman kasi ng buong highschool at college ang gawain ko kaya, immune na sila. Natuwa pa nga 'yung babae dahil may bago siyang nalaman tungkol sa akin. Hindi naman masama ang kinakalabasan ng libangan ko, may benefit pa nga eh, 'yung mga bagay na tungkol sa BH (BLICA's Heartthrobs). Hayst. Sino naman kaya ngayon ang mabibiktima ko?
Makapaglakad-lakad nga muna dito sa school, matagal pa naman bago magsimula ang klase.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Makapanood kaya ng mga cheer leader na nagpa-practice? Huwag na lang. Baka pagkaguluhan ako. Makapunta na nga lang sa highschool building, baka doon may lumapit nanaman at papaasahin ko ulit.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
.
.
*BOOOOOOGSH!*
''Aray!'' sigaw ng isang babaeng nakaupo sa sahig.
''Sensya na, 'di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo.'' walang emosyon kong sinabi at tinignan ko lang siya na nakaupo sa sahig. Tumayo siya at pinapagpag ang palda, ''Ako pa ang hindi tumi- *natulala* tingin...'' sabay nganga.
Nilagpasan ko na lang siya at patuloy na naglakad. Kitams? Natulala siya sa kagwapuhan ko? Hindi na nga nagalit, eh. Oh well, maggagala na lang ulit ako.
Wala pa ako sa mood mag-entertain ng mga gustong sumama sa akin.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
.
.
.
*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!*
Holy cow! Nasa 3rd floor ako ng highschool building at ang layo pa ng College building! Naku naman, o! Nagmadali akong tumakbo sa hagdan.
BINABASA MO ANG
I Love You, PANGET.
RandomThey say, don't judge a book by it's cover. Open its contents and discover. Tulad din sa mga tao, HUWAG HUSGAHAN ANG PISIKAL NA ANYO KUNDI TIGNAN MO ANG TUNAY NITONG PAGKATAO. ~~~~~~~~~~~~~~ All parts of the story was made/written only and only by...
