VINCE
Ngayon ko lang na-realize na ang OA ko pala mag-react. Kapag tuloy naaalala ko yung mga pinaggagagawa ko, napapasabunot na lang ako sa sarili ko. Totoo ngang MARAMING NAPAPAHAMAK SA 'AKALA'. Dahil, hindi pala boyfriend ni PJ ko yung lalaking kasama niya. Kuya niya pala 'yon. ( -_______- )
O 'di ba, nakakahiya talaga yung pinaggagagawa ko kahapon. Talagang sobrang sweet nilang magkapatid at close na close pala talaga sila. May maganda rin palang mangyayari sa pagsunod ko kay Princess. Marami siyang naikwento sa akin tungkol kay PJ ko. Well, what's new? Si Princess 'yon. She'll give you things to think about and do that'll be very hard for you to decide, but at the end of the day, maganda naman pala ang kalalabasan. Hindi na rin ako na-suspend kahapon dahil sabi ni Uncle, Daddy ni Princess slash Principal nitong school, mabuti daw na ako mismo ang umamin sa lahat ng nagawa ko. Plus, may mga additional info pa akong nalaman.
GOOD VIBES is what I'm feeling today! ( ^__________^ )
Pwede ko na pala ulit i-stalk, este, i-admire si PJ ko. Kasi kapag 'stalker', pangit daw itsura. Ang GWAPO ko kaya! Kaya naman 'admirer' ang dapat itawag sa'kin. Ang swerte ni PJ dahil napakagwapo ko at sa kanya ako nagkagusto. Tanga na lang siya kung tanggihan niya pa ako! *mapang-asar na tawa* HAHAHAHAHAHA! *insert mahangin na weather*Masayang-masaya ako habang naglalakad dito sa corridor, naka-plaster ang abot hanggang anit kong ngiti. Nagbubulungan at malamang nagtataka sila kung bakit sobrang saya ko ngayon. Malas nila dahil hindi sila ang nagustuhan ko. :P Samantalang si PJ ko, sobrang swerte niya! Ang gwapo gwapo ko kaya! HAHAHAHAHA. *insert mahangin weather*
La la la la la
La la la la la
La la la la laSobrang good vibes talaga ako ngayon! Hmmm, pero, nasaan na ba ang PJ ko? Mahanap nga.
Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Tingin sa taas. Tingin sa baba. Lingon sa likod, malamang! Pero, wala si PJ ko. Awwts.
"Uy, Pare, bakit malungkot ka ata?" salubong sa akin ni Yñigo.
"Malungkot? Lul, hindi 'no!"
"Tch. Hindi daw, kilala kita, Pare! Tumanggi ka pa. Hindi mo makita 'no? Yiee." sinundot niya pa ko sa gilid.
"Hindi nga!" wala na, nabwiset na 'ko! *pout*
YUCK. ANG BAKLA.
"Nakita ko siya kanina, kasama yung boyfriend niya."
"Hindi niya boyfriend 'yon! Kuya niya."
"Pare, kilala ko ang Kuya at boyfriend niya. Yung boyfriend niya nga ang kasama niya. Ang sweet nga nila eh! Hahaha."
Ewan ko kung kaibigan ko ba talaga 'tong si Yñigo, eh. Mas suportado pa ata niya yung boyfriend ni PJ kaysa sa akin na kaibigan niya. ( -______-")
"Tsk." mas binilisan ko na lang ang paglalakad at iniwan ko na siya.
"Hoy, Vince! Totoong kasama niya yung boyfriend niya pero mas bagay kayo!" narinig kong pahabol ni Yñigo.
Whatever, Pare. Bumabawi ka lang dyan, eh. Hmmp! Bad trip na 'ko.
"Hi, Vince." biglang may sumulpot na babae sa harap ko. Sino ba 'to? Pero, nilagpasan ko lang siya. Bago pa ako makahakbang, hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit. Nilingon ko siya.
"Who are you!??" inis na tanong ko sa kanya.
"Oh my gawd! You don't remember me?! Oh my gawd! Oh my gawd! Oh my gawd! Oh my gawd!" nagpapapaypay pa siya gamit ang kamay niya. Umalis na lang ako dahil ayoko sa mga ganyang babae.

BINABASA MO ANG
I Love You, PANGET.
RastgeleThey say, don't judge a book by it's cover. Open its contents and discover. Tulad din sa mga tao, HUWAG HUSGAHAN ANG PISIKAL NA ANYO KUNDI TIGNAN MO ANG TUNAY NITONG PAGKATAO. ~~~~~~~~~~~~~~ All parts of the story was made/written only and only by...