CHAPTER 13

19 1 0
                                        

VINCE

Another bad day and bad mood. Hay nako, kailan ko ba malalaman kung sino yung lalaki? Arrgh! Kainis naman kasi si Princess, ayaw pang sabihin kung sino, pa-suspense effect.

Inis face, check. Kunot-noo, check. Padabog na lakad, check. Feeling bad boy, check. Okay, ganito ang itsura ko ngayong araw na 'to. Nakakabwiset pa rin kasi.

Gustong-gusto ko nang malaman kung sino ba 'yon. Kapag talaga nalaman ko na boyprend niya 'yon, upakan na! TSK. Nang dahil lang don makikipag-upakan ako? Ano siya, special? ( - 3 - )

Kaso, parang ganoon na nga ang nararamdaman ko para kay PJ. Ewan ko ba kung bakit naa-attract na ako sa kanya. Eh samantalang nagkakilala lang kami nang dahil sa pagtapon niya ng 'ano' niya, alam niyo na 'yon, mga babae lang ang nakakaranas non kada buwan.

Tulad nga ng sinabi ko, ang sama pa ng pagturing ko sa kanya. Wait! Bakit 'di ko kaya gawin ang ganoong asal sa mga babae dito sa school? Kung natatandaan niyo yung mga unang pagkikita namin, hindi ba ang sama ko kay PJ? Ganoon ang gagawin ko para hindi ako malapitan ng ibang babae dahil si PJ lang ang gusto ko.

Sabi nga sa isang kanta...

Hi, girl you just caught my eye

Thought I should give it a try

And get your name and your number

Kaso, SYETE NAMAN! Name pa nga lang niya hirap na akong malaman eh, number pa kaya? Ay hindi, ang mahihirapan talaga ako ay sa pagkuha ng loob niya. Pero, hindi pa naman huli para baguhin ang tingin niya sa'kin, 'di ba? Aksyon ngayon!

***

Lakad. Lakad. Lakad.

Tandaan ang check list sa itaas, ganoon dapat ang attitude at itsura!

Lakad. Lakad. Lakad. Lakad. Lakad.

Okay, nasa corridor na ako at paniguradong may mga lalapit sa'kin. Tandaan ang check list.

Inis face, check.

Kunot-noo, check.

Padabog na lakad, check.

Feeling bad boy, check.

And last but not the least, BAD ATTITUDE, super check!

Okay, lapit mga girls. Hahahahahaha! Oops, may nakalimutan ako, speed. Speed sa padabog na paglalakad para lahat ng lumapit, boom! Tumba. Hahahaha! *evil laugh*

*Eng eng eng eng! Enemies approaching.*

O 'di ba? Parang video games lang?! Hahahahaha!

"Vin----- " girl 1.

"Woa----- " girl 2.

"OM... Kiyaaaaaah! ( > < "") "

"Emeg----- "

"Vinceeeee! "

"Fafa Vinc---- "

"Ouch!"

"What the-- "

BOOM! Lahat tumba, hahahaha. Mapababae o binabae, walang nagawa sa speed ko at paglalakad. Wala eh, ganon talaga 'pag bad mood lalo na't hindi ko pa nakikita ang PJ ko. Hindi ko na nilingon yung mga nag-attempt na lumapit sa'kin, aba, para saan pa!?

Ganon ulit ang gagawin ko.

"Stop it right there!" at nag-ala traffic enforcer pa 'tong babaeng 'to sa pagpapa-stop niya sa'kin dahil nakaunahan pa ang kamay niya. Tch.

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy ako sa ginagawa ko. Natumba siya at ang lakas ng impak ng pagkakatumba niya.

"Just what I wanted..." may binulong siya pero hindi ko narinig.

"Hey, Vince! You owe me an apology." sigaw niya sa'kin na nakakuha sa atensyon ng mga estudyante.

Syempre, magpapatalo ba ako? NO.

"An apology? Sorry, I don't owe all of you an apology. I don't need to say sorry to people who got in my way and attacked me first. It's called, 'quits' just in case you didn't know." Mapang-asar na ngiti ang ibinigay ko sa kanila. Akala nila, ha! Tsk. Tumalikod na ako dumiretso sa room namin. Medyo gumanda ang mood ko dahil sa nangyaring 'yon. The bad and better Vince is back.

***

Recess...

"Nabalitaan ko yung ginawa mo, Vince." sabi ni Gio.

"Oo nga, kawawa naman yung babae este sila." sabi ni Gabriel.

"Tama lang sa kanila 'yon. Bad mood eh."

"Still. Those people didn't deserved what you did to them. You REALLY owe them an apology." -Princess

"Tsk." sagot ko.

"Really?" tumaas ang kilay ni Princess.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pagkain.

"Fine. Go to my Father's office NOW." -Princess

"Argh! Sorry na, okay?"

"You should be saying that to the students."

"Tsk. Asa. Si Vince Amador Pascual ako at hindi ko gagawin 'yon."

"So what if you're Vince Amador Pascual? You're just like any students here. Plain and ordinary. No, worst than any of the students here." -Princess.

Naiinis na ako ah, "Tsk. Hindi ko pa rin gagawin!"

"You choose: Go to the office now or I won't tell you what you wanted."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa tanong ni Princess. Hayst, bakit ba kasi palaging ganyan ang tanong ni Princess? Yung pag-iisipin ka talaga niya sa mga itatanong o ipagagawa niya.

Pero, nakaisip ako ng pambawi. *evil smile*

"Kahit pumunta man ako sa office, hindi mo pa rin naman sasabihin kung sino 'yon, 'di ba, Princess?" mapang-asar na ngiti ang binigay ko kay Princess. Tablahan ka sana. Tablahan ka sana.

"Haha. You think that's how I'm going with this? Fine. I'm going to report it to Dad and I have evidences of what you did. I just asked you to choose but it seems like you want it the hard way. Who lost? You. Haha." tumawa siya ng mapait.

"Vince, tama na. Yum-yum, kalma. Masyado ng tumataas ang atmosphere eh." -Gio.

"Tama na 'yan! *Lola Tinidora's voice* " -Gabriel.

Hay nako, ayoko rin naman ng away eh. Pero, talagang naiinis na ako kay Princess ngayon. Kahit naman anong katuwiran ko, hindi ako mananalo kay Princess. Smart kid din kasi. :3 Oo na nga! For the sake of our friendship and for the sake of what I want to know, gagawin ko na ang sinasabi ni Princess.

"Fine. Gagawin ko na."

"As expected." Ngumiti si Princess ng isang proud smile pero mataray pa rin.

"Basta sasabihin mo sa akin yung gusto ko."

"Sure." *proud na mataray na ngiti*

Tumayo na ako at nagtungo sa office ng Daddy ni Princess, yung Principal. Inamin ko lahat, pinapunta yung mga estudyanteng nabangga ko kanina, kasama na yung malandi na may binubulong-bulong kanina. Oo, 'malandi' ang tamang word para sa kanya. Nag-sorry ako sa kanila, syempre kunwari sincere pero sa loob-loob ko hindi naman talaga. At hindi kahit kailan! Basta malalaman ko na kung sino yung lalaking kasama ni PJ ko.

I Love You, PANGET.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon