VINCE (kapag name lang ng character, it means P.O.V.)
"Pare, long time no see!" bati ko kay Yñigo.
"Sa'yo din."
"Kamusta bakasyon?"
"Sobrang saya dahil kasama ko ang girlfriend ko."
"Nang-iinggit ka nanaman ba, Yñigo?"
"Hindi, pinapahiwatig ko lang na dapat magka-girlfriend ka na dahil tumatanda ka na."
"Tsk. Girlfriend girlfriend ka dyan, wala akong time para sa mga ganyan!"
"If you say so."
Tinalikuran ko na si Yñigo at naglakad papunta sa section ng mga cold drinks.
Pero, may narinig pa akong pahabol na sinabi ni Ynigo, "Malay mo, nandyan na pala 'yung forever mo. Pero, dahil sa ka-bitter-an mo, nabulag ka na at hindi mo siya makita."
Tumatak naman bigla sa isip ko ang mga 'yon. Paano nga kaya kung ganoon? Putek, dapat hindi ako nagpapadala sa mga ganyan!
Ewan ko ba kung bakit ang bitter ko pagdating sa mga ganyang usapan. Dahil na rin siguro sa sobrang pagkairita ko sa mga ugali ng mga babae dito sa school. Akala mo kasing first time lang nilang makakita ng gwapo. At, maya't maya sila magpapapansin. Eh, nakakairita lang 'yung mga pagpapapansin nila!
For sure, it's going to be another bad school year for me. Tsk.
Nagkataon lang na nagkita kami ni Yñigo dito sa isang convenience store. Biglang nag-ring ang phone ko, tumawag si Gio.
''Pareng Vince, same time, same positions. See you later. Bawal ang late, alam mo naman si Princess! Bye.'' bigla na lang niyang ibinaba ang phone. Ah, alam ko na kung sino si Princess. Si Yumiko. Ayaw talaga niya ng may nale-late.
Tumunog nanaman ang phone ko, nag-group message pa ulit si Gio para siguradong walang kulang sa amin. Binalikan ko na si Yñigo, ''Pare, tinawagan at tinext ka din ba ni Gio?''
''Oo. Tara na. Baka magalit sa atin si Princess! Haha.''
Agad kaming nagtungo sa school. Pasukan nanaman kasi! Another bad year nga eh para sakin. Pero, mage-enjoy ako dahil marami nanamang activities at magkikita-kita nanaman kami ng barkada!
Hello sa inyo, ako nga pala si Vince Amador Pascual. You can call me 'Vince' but don't you dare call me 'Amador'! Dahil ang pangit pakinggan, parang tunog alak o lasinggero. Ewan ko ba kung bakit 'yan ang ipinangalan sa akin ng parents ko. Anyway, I'm 20 years old, College student dito sa BLICA. Next year pa ako makaka-graduate at tapos na ako sa course ko.
Hindi naman ako galing sa broken family o may experience nang maiwanan ng minamahal. Ewan ko talaga kung bakit napaka-bitter ko at ayokong pumasok sa isang seryosong relasyon. Siguro, hindi pa talaga napapanahon na magka-interes akong manligaw. Magtutuon muna ako sa pag-aaral. Kaso, malapit na akong matapos mag-aral, so... bahala na nga!
Sumakay na ako sa kotse ko, ganoon din si Yñigo. Mabilis akong nakarating sa school, nakita ko ang ibang kotse ng BH (BLICA's Heartthrobs) na kapaparada pa lang din. Natuwa na ako dahil magkakasama nanaman kami. Sabay-sabay kaming nagbabaan. O 'di ba? Parang nasa pelikula lang!
''Mga bro, kamusta na kayo? Long time no see!'' unang bati ni Gio.
May kani-kanya kaming sagot, ''Sobrang saya. Nakapunta nanaman ulit ako sa panibagong bansa.'' sagot ko.
''Nice.'' -Gio.
''Position, everyone. Kuya, pakibukas ang mga gate!'' utos ni Princess--si Yumiko. Hindi pa rin nagbabago ang ugali niya, ganun pa rin ang get-up niya, naka-full bangs, nakatirintas, at nakasalamin. Kailan niya kaya tatanggalin 'yan?
Pagkabukas ng gates, heto na nga ba ang pinakakinaaayawan naming BH(BLICA's Heartthrobs). Ang mga...
''EEEEEEEEEEEEEEEEEK!''
''Kiyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!''
''I LOVE YOU!''
''OH MY GOSH.''
''I MISSED YOU, BLICA'S HEARTTHROBS!''
...mga tilian at pa-picture. Nakakasawa na talaga dahil ganyan araw-araw dito sa school. Kaya nga mas gusto naming nasa bakasyon para walang ingay.
Patuloy lang kaming naglalakad sa corridor, at patuloy din ang pagkuha ng pictures ng mga tao sa paligid, lalo na ang tilian. Hindi matapos-tapos 'yon. Napapaisip nga ako eh kung bakit hindi sila napapaos. Siguro, sanay na sanay na sila?
Ang tagal namang makarating sa locker.
'Yan ang parating nasa isipan naming BH sa tuwing ganito ang sitwasyon. Dahil kapag nakarating na kami sa locker, makakadiretso na kami sa mga classroom namin at mawawala na ang mga tao.
Kaso, biglang tumigil kami sa paglalakad. Ang nagpatigil sa amin ay si Princess--Yumiko. Ano nanaman? Kitang gusto na naming makaalis sa alon ng mga tao, eh!
May nilapitan siyang grupo ng babae, na... ewan, ang hirap i-describe. Basta hindi kaaya-aya tignan. At ganoong itsura at kilos ang ayaw na ayaw ko. Na-badtrip nanaman ako.
Bumalik na si Yumiko, at 'yung grupo ng babae? Ayon, mga mukhang umuusok na sa galit. May ginawa nanamang kakaiba si Princess, panigurado. Naglakad na kami, at nakarating sa mga locker.
Finally.
One word, but means a lot para sa aming BH (BLICA's Heartthrobs). Makakapunta na kasi kami sa aming mga classroom.
Nagpaalam na kami sa isa't isa, magkikita kami mamaya sa cafeteria kapag break time na. Si Roderek, nakangiti kaya inasar namin siya. Na-tsansingan niya nanaman kasi si Princess. Matagal na siyang may gusto kay Yumiko, simula daw noong bata pa sila. Palagi nga siyang nagko-confess kay Yumiko pero, ginagawang biro lang iyon ni Princess noong elementary sila. Pero ngayon, close na close na sila. Kaso, palaging may sagabal, si Gio--best friend ni Princess.
[A.NOTE: Ang tawag ng mga BLICA's Heartthrobs kay Yumiko ay ''Princess'' kaya huwag po kayong ma-confuse. Thanks.]
Magkaibigan na magkaribal ang dalawang 'yan. O, oxymoron ang sentence na 'yan.
Masaya na nakakainis ang araw ng pasukan. Masaya,kasi nagkikita-kita na ulit kami. Nakakainis, dahil sa mga babae. O, another oxymoron sentence from me.
BINABASA MO ANG
I Love You, PANGET.
RandomThey say, don't judge a book by it's cover. Open its contents and discover. Tulad din sa mga tao, HUWAG HUSGAHAN ANG PISIKAL NA ANYO KUNDI TIGNAN MO ANG TUNAY NITONG PAGKATAO. ~~~~~~~~~~~~~~ All parts of the story was made/written only and only by...
