VINCE
Nag-aala-spy ako ngayon, kahit sinabi niyang pangit daw siya, gusto ko pa ring makita ang mukha niya. Uwian ngayon, nasa loob ako ng kotse ko, susundan ko ang kotse niya.
May kumatok sa bintana ng kotse ko, ''Vince.''
Ay nako! Nakalimutan ko, may isasama nga pala ako ngayon, malas naman! Ngumiti ako bago binuksan ang bintana ng kotse ko.
''Let's go?''
''Yeah.'' sagot ko.
''Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?'' nag-crossed arms pa siya at nagtaas ng kilay. Ang arte eh!
''Oh, sorry. Here.'' binuksan ko ang pinto ng kotse habang nasa loob pa rin ng sasakyan.
''Close the car door again, go out, and open it for me!''
Bakit ba ang daming maarteng babae sa mundo? Bwisit ah, baka mamaya nakaalis na pala 'yung minamanmanan ko.
Ginawa ko ang sinabi ng babaeng 'to. Kung hindi ko lang 'to kaklase, eh.
''Why would I sit there? Can't I just sit beside you?''
''It's a seat only for my Mom, so no girls are allowed to sit there except for my Mom.''
''But, she's not here!''
''So? Are you coming or not?''
''Tsk. Fine!'' sumakay na siya. Kitams, sasakay din pala ang daming pang pagde-demand! Hay nako. Kaya wala talaga akong seseryosohin kung ganyan.
Sumakay na din ako at ini-start ang makina, nasaan na kaya 'yung babae? Maitanong nga sa guard, ''Excuse me, nakita mo po ba 'yung girl best friend ni Princess?''
''Opo, kanina pa po siya nakaalis.''
''ANO?! Sorry, thanks po.'' umalis na kami. Naku naman, nakaalis na pala. Nakakainis naman, kung hindi dahil sa pag-iinarte ng babaeng kasama ko ngayon, edi sana nasundan ko pa! Tsk. Bukas na nga lang.
"Vince?! Hurry up, let's go now. I want to meet my father and mother-in-law."
Feeling naman ng babaeng 'to siya nga ang seseryosohin ko. Ayoko nga sa mga maaarteng katulad niya. At saka, pagdating niya sa bahay namin, hindi siya kikibuin ng mga magulang ko, sanay na kasi sila na araw-araw na lang ay may iniuuwi akong babae. Don't get me wrong, gaya ng sinabi ko, nag-uuwi lang ako ng babae pero walang nangyayaring higit pa doon. Like I would give myself to any girl. Tch, never!
Pagdating namin sa bahay ng parent's ko...
Bumaba na agad ako ng kotse ko at nagdire-diretso sa loob ng bahay, narinig ko pa ang pagka-demanding ng babaeng kasama ko. Bigla na lang may humampas na bag sa likod ko.
"Ano ba, Vince?! You just left me there, you didn't open the door for me."
Talagang naiinis na ako at hinarap ko ang kaklase ko, "Why would I? You're just my classmate."
"After what I've done for you? I'm going to our Prof and tell him--- "
"Tell him what?"
"Tell him the truth!"
Nginisian ko siya, "It's too late for that now." tinalikuran ko siya. Niyakap ko ang Mom ko, mukhang wala si Dad ah, nasa trabaho pa.
Habang yakap ko si Mom may ibinulong ako, "Ma, please bear with the girl with me today. She's very demanding and noisy."
Naramdaman ko ang pagtango ng Mom ko.
"Vin--- Oh my gosh, sorry, it's just that Vince just left me inside the car. Give me a drink."
Nanlaki ang mga mata ni Mama sa sinabi ng kaklase ko. Binulungan ko ulit si Mommy, "I told you, Ma."
Umupo agad yung kaklase ko at nagpapaypay ng kamay niya.
"Why it's so hot here? Wala ba kayong aircon?" maarteng tinignan niya kaming dalawa.
Bumuntong hininga si Mama, mabigat na buntong hininga, nagsisimula ng mainis si Mama sa kanya.
"Hey, old lady, I told you give me a drink." tinaasan niya pa ng kilay si Mama.
"Ako na, Ma." bulong ko sa Mom ko.
Tinawag ko ang katulong namin, "Yaya!"
Agad dumating ang maid namin, "Yes, Sir?"
"Give that woman a drink." pagturo ko sa kasama ko na nanlalaki ang mga mata.
"Yes, Sir." umalis na ang maid.
Unti-unting tinuro ng kaklase ko ang Mom ko, "I-if she's n-not your m-maid, does that mean..."
"Yes, she's my Mom." nginisian ko pa siya at inakbayan ang Mama ko.
"O-oh my gosh, I'm very sorry, Tita."
"Don't call me Tita." matigas na sabi ni Mama.
"I'm very sorry." hindi siya makatingin sa Mama ko.
"Tinuruan ka ba ng mga magulang mong rumespeto? Naniniwala akong tinuruan ka pero, ikaw itong sadyang magaspang ang ugali. Sayang naman ang pag-aaral mo sa Blessed Lights International CHRISTIAN ACADEMY (BLICA) kung ganyan ang ugali mo. If you're really sorry, I'm telling you to leave my house! Now!"
"V-vince?"
Nginitian ko lang siya.
"I said, leave!" nagtaas bahagya ang tono ni Mama, tono na kinatatakutan ko hanggang ngayon.
"Vince, ihatid mo na 'ko." kita sa mata niya ang pagmamakaawa.
"Hindi ka ihahatid ng anak ko. Alam kong ikaw mismo ang nagpumilit na sumama dito, kaya umalis ka mag-isa mo!" sabi ni Mama.
"O-okay." umalis na yung kaklase ko.
"At ikaw naman..." kinurot ni Mama ang tagiliran ko.
"Aray!"
"...bakit ka ba nagsasama ng ganoong babae?! Hah?!"
"Aray, Ma! Tama na, nagpupumilit eh."
"Tsk. Bahala ka na dyan, sana magbago ka na." umakyat na si Mama papuntang kwarto niya.
"Sir, ito na po yung inumin."
"Huwag na, it's yours."
"Pero-- "
"Bye." umakyat na din ako papunta sa kwarto ko.
Goodness, I'm happy I got rid of her. No. My Mom did. Sana wala na ang mga ganoong klase ng babae. But, come to think of it, kung wala sila wala ding thrill ang buhay at walang mapaglalaruan ang mga katulad kong paasa.

BINABASA MO ANG
I Love You, PANGET.
RandomThey say, don't judge a book by it's cover. Open its contents and discover. Tulad din sa mga tao, HUWAG HUSGAHAN ANG PISIKAL NA ANYO KUNDI TIGNAN MO ANG TUNAY NITONG PAGKATAO. ~~~~~~~~~~~~~~ All parts of the story was made/written only and only by...