CHAPTER 2

39 2 1
                                        

VINCE

Tuwing first day of classes lang naman kami naka-line up. Pero, pagkatapos n'on, wala na. Kani-kaniyang pasok na kami. And that means...


BALIK SA PAGIGING PAASA si ako! :D


Paniguradong may mga babae nanaman na lalapit sa akin at aamining may gusto sila sa akin. At ang gagawin ko? Matutuwa ako, dadalhin sa bahay namin, at ipapakilala sa mga magulang ko kahit na hindi ko naman talaga gusto 'yung babae. Same process lang, and I'm happy about the whole thing! Kailan nagsimula 'yon? Nagsimula ang libangan ko na 'yon noong hindi ko na kinaya ang mga ka-artehan at drama ng mga babae.


Kung alam niyo lang sana yung mga ginagawa nila sa'kin, panigurado maiintindihan niyo ako, masyadong mahaba at marami at nakakairita kung ikukwento ko pa.


Sino at anong year level naman kaya ang mabibiktima ko ngayon? Excited na ako, eh!


*


Nagka-klase kami ngayon at sobrang naka-focus lang ako sa Teacher namin, syempre, gusto ko at mahal ko ang course na kinuha ko. Gusto kong matapos ito para may mapatunayan ulit sa mga magulang ko. Hindi 'yung ikukumpara nanaman nila ako sa pinsan kong si Gibby! Si Gibby Adrian Pascual na antonym ko. Si Gibby kasi ay matalino at talented. Madalas siyang may nakukuhang award sa kahit anong salihan niya kaya proud na proud ang parents niya! Tsk. 'Tapos, 'yung mga magulang ko naman, ikukumpara ako at sasabihin pang...


"Bakit hindi ka tumulad sa pinsan mong si Gibby na matalino?''


"Gayahin mo si Gibby, magaling na bata.''


''Maging matino ka naman katulad ni Gibby.''


''Ang galing talaga ni Gibby, nanalo nanaman ng first place! Kailan ka kaya magiging ganon?''


At marami pang iba! Kayo, naranasan ni'yo na 'yan?


Pero, kahit ganoon, hindi kami galit sa isa't isa. Mahal namin ang isa't isa bilang magpinsan, no pressure o samaan ng loob. At saka, kahit ganoon ang sinasabi sa akin ng mga magulang ko, hindi ko sineseryoso dahil made-depress lang ako. Kaya kayo, huwag ni'yong seseryosohin ang mga ganoong sinasabi ng mga magulang ni'yo dahil maaari kayong magtangkang mag-suicide! Tandaan ni'yo, si God lang ang may karapatang kunin tayo.


Wew, nagiging Pastor ang mga sinasabi ko. Joke lang! Full respect to all the Pastors out there. :)


Anyway, hinihintay ko talagang gawin ang libangan ko! Hahahahahahahaha~


*


Yes, recess na! Magkikita-kita nanaman kami ng mga BH (BLICA's Heartthrobs), mang-aasar nanaman ako.


Habang naglalakad ako sa hall papuntang cafeteria, marami nanamang mga babae ang kinikilig nang dahil sa akin, PERO, wala pa akong ginagawa. O 'di ba? Ang lakas talaga ng kagwapuhan ko! Hahahahahaha! Okay, mayabang nanaman ako. Sino kaya sa mga babaeng ito ang susunod kong mapapaasa?

I Love You, PANGET.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon