CHAPTER 4

34 1 0
                                        

VINCE

Natuwa din ang babaeng dala ko kahapon. Alam ni'yo na, marami din siyang nalaman tungkol sa akin at sa BH (BLICA's Heartthrobs). Sino naman kaya ngayon?


Nagda-drive na ako papuntang school, maaga nanaman ako. Pagkababa ko, naglakad na ako papunta sa locker ko.



Pagkabukas ko ng locker ko...


*PAK!*


''Aray!''


Agad kong isinara ang locker ko at may nakita akong babaeng nakatungo at nakahawak sa noo niya. Mukhang natamaan siya, pabalang pamandin ang pagkakabukas ko ng locker ko, malamang sobrang nasaktan ang babaeng 'to.


''Aish. Malas naman, ang sakit.'' pabulong niyang sabi.


Gusto ko sana mag-sorry, kaso, si Vince Amador Pascual ako so, hindi ako magso-sorry.


''Miss, sa susunod mag-iingat.'' 'yun lang ang sinabi ko at binuksan ko ulit ang locker ko pero, maingat. Ewan ko, hindi naman ako ganito sa mga babae dati eh. O, dahil sa ito 'yung babae kahapon?


( O . O ) Baka nga!


Isinara ko ulit 'yung locker ko, pero, wala na doon 'yung babae. Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ko siyang naglalakad palayo, hawak pa rin ang noo niya at nakatungo. Siya nga 'yung babae kahapon. Kawawa naman, gusto ko sana siyang dalhin sa clinic. Ano ba 'yan! Hindi, mali ang iniisip ko! Never kong gagawin 'yon. Tsk. Makapunta na nga sa room, baka ma-late pa ako.



Lakad. Lakad. Lakad. Lakad. Lakad.



Pumasok na ako sa classroom namin at naupo, buti wala pa si Prof. Makapag-sound trip muna. Binuksan ko ang...


Hala! ( O___O )


Nasa loob pa ng locker ko 'yung mga gamit ko! Ano ba 'yan.


Dali-dali akong tumakbo pababa at dumiretso sa locker ko. Takbo. Takbo. Takbo.



*BOOOGSH!*



May nabunggo akong babae at sa lakas ng impact, napahiga siya sa sahig. Wala na akong time para tulungan siya dahil ilang minuto na lang magbe-bell na!


Takbo. Takbo. Takbo.


*Bukas ng locker* ''Phew!'' nasabi ko. Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang mga gamit ko. Naglakad na ako pabalik ng room, nadaanan ko 'yung babaeng nabunggo ko kanina. Patayo pa lang siya. Ano, hinintay niyang tulungan ko siya? Asa! Tumayo siya at pinagpagan ang uniform niya. Nilagpasan ko siya.

I Love You, PANGET.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon