CHAPTER 10

27 0 0
                                        

VINCE 

"Kiyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"

"Hanggwapo! Sh*t!"

"Papa Vince!"

"Kiyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"

"Emeghed! Emeghed! Emeghed!"

"Akin ka na lang!"

"OMG. OMG. Emgenedey!"

"Viiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiince!"


Grabe 'tong mga nasa paligid. Mapababae o binabae, grabe yung tilian at sigawan. Buti na lang immune na ako kundi, baka naka-hearing aid na 'ko ngayon. Buti hindi natatanggal mga vocal cords ng mga 'yan. Sabagay, immune na rin ang mga 'yan.

Straight face lang ako habang naglalakad dito sa corridor. Diretso lang din ang tingin ko. Simula kasi ngayon, hinding-hindi na ako magdadala ng babae sa bahay. Sawa na ako. At saka, may gusto na akong babae at dapat lang na magtino na ako para magustuhan niya din ako. Kumokorni na ako mga guys 'no? Ganoon talaga kapag dumating na yung babaeng magpapatino sa isang lalaking katulad ko. Kaya yung mga paasa dyan, advice ko lang na hindi palaging umaasa ang mga babae. Gaganti 'yan hindi niyo lang alam. Kaya magtino na kayo! Huwag niyo ng hintayin ang KARMA. Magseryoso na kayo. 

Alam kong may gusto talaga kayong babae, nahihiya lang kayo na lapitan dahil alam mong alam niya na paasa ka. Kaya nga dapat magtino ka na at baguhin mo ang masamang tingin niya sa'yo. Patunayan mo na hindi talaga paasa ang pagkatao mo. 


Wew. Ang lakas kong maka-advice pero, hindi ko pa naman ginagawa ang advice na binigay ko. Hehe! ( ^ = ^ )V 'Di seryoso guys, gawin niyo yung sinabi ko. Dahil gagawin ko na. Seryoso na 'to.


5 Ways to Make a Girl Fall In Love With You made by  Vince Amador Pascual, 09.05.** 

1. Know yourself first 

Malamang, kilalanin at alamin mo muna yung mga hindi magandang pag-uugali o libangan mo bilang isang lalaki. Kung ano ba yung hinding-hindi magugustuhan niya sa'yo. Kung pupwede, ilista mo para malaman mo kung ano yung mga maganda at hindi magandang katangian mo mapapisikal man o attitude. 1st column, good traits. 2nd column, very ugly traits. At kapag maayos na ang paglilista mo, doon ka na makakaisip ng mga paraan.

2. Think of ways

Isipin mo kung ano at paano mo unti-unting mababago ang pag-uugali mo. At hindi lang ito mga paraan patungkol sa pagbabago mo. Tungkol din ito sa mga paraan para magustuhan ka niya. At kahit anuman ang maging reaksyon niya, positibo o hindi, kailangan mo pa ring umiisip ng mga paraan mapasaya mo lang siya.

3. Accept everything

 Kahit anuman ang nakaraan, ugali, pamilya, paghihirap ang ikuwento niya sa'yo, kailangan mong tanggapin 'yon. Dahil tayong lahat ay HINDI perpekto. Huwag na huwag mo siyang huhusgahan lalo na kung hindi mo naman talaga alam ang dahilan. Karamihan kasi sa mga lalaki, I repeat, KARAMIHAN hindi lahat, ay kapag nalaman nilang hindi na V ang babae, iiwan na agad nila at sasabihan pa ng 'malandi'. HUWAG GANOON. Malay ba natin kung na-rape siya, o 'di ba? Tapos, huhusgahan agad!

4. Be Close and Open

Be close, bago siya ang gawin mong close, dapat pamilya niya muna. Para kapag nag-propose o nanligaw ka na sa kanya, botong-boto ang pamilya at wala ng palya! Isunod mong gawing close ang mga kaibigan niya, para may mga balita ka tungkol sa kanya. Be open, ito ang pinaka-importante, dapat alam niya din ang lahat ng tungkol sa'yo. Mapa-pamilya, barkada, past, o kung anuman ay dapat alam niya. Para, magtitiwala din siya sa'yo.

Lastly,

5. Almost-perfect package

Ito yung: God-fearing, humorous, trustworthy, and respect. Ang mga pinakahinahanap at gustong katangian ng mga babae sa mga lalaki. Dahil kung may mga taglay ka niyan, laong-lalo na yung una, nakow, sure win ka tol! 


Sana nga, mag-work ang mga gawa gawa kong paraan para magustuhan ako ni PJ. Kung gusto niyong gawin ang 5 Ways to Make A Girl Fall In Love With You, okay lang. Anong malay natin, gumana pala ang mga naisip ko. ;D


***

"Pare, ang korni mo! May pa-five ways five ways ka pang nalalaman diyan!"

"Pakialam mo ba!? At least ako, nakaisip ng sarili kong paraan. Matalino ako eh!"

"Tsk. Geh, dyan ka masaya."

"Teka, Pare. Tulungan mo naman akong magawa 'to!"

"Akala ko ba matalino ka? Ba't 'di mo gawin mag-isa mo!"

"Joke lang 'yon, ikaw naman. Paano nga?" 

"Ganito 'yan-- "

Biglang may sumingit sa usapan namin.

"Uy, anong pinagkakaabalahan niyo?" 

Nilingon namin ito.

I Love You, PANGET.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon