Chapter 17: Control!

111 16 1
                                    

 Chapter 17: Control!

KRIZEL's POV

Tatlo't kalahating oras na ang nakalipas mula ng umalis si Xander. Tapos na rin ang Origami na ginagawa namin. Pero ang totoo si Matt lang ang tumapos nun. Nine pm na rin pala, pero wala pa si Mama at Spyke. Nasaan kaya sila? Teka 9pm na pero di pa pala kami naghahapunan. Patay... Baka isipin ni Matt napaka iresponsable kong girlfriend.

"Dhie, saglit lang ha." Paalam ko sa kanya. tumango naman siya nandun kasi siya sa may Sala nakaupo sa couch at nanonood ng TV. Panigurado pagod yun dahil siya nga ang gumawa ng buong project ko. Nagpunta na ako ng Kitchen at naghanap ng pwedeng maluto, May chicken pa naman dito, eto na lang siguro gagawin kong adobo.

After 45 Minutes Naluto na rin yun sinaing at tsaka yun ulam, nag hain na din ako sa lamesa at tsaka ako pumunta sa sala para tawagin.

Pagdating ko sa sala nakita ko siyang nakahiga sa couch, at tulog na. Tsk, Talaga sigurong nakakapagod ang pagawang origami. Pinatay ko muna yun TV tsaka ko siya ginising.

"Dhie." Tinatapik ko siya sa mukha pero hindi pa rin nagigising.

"Dhie." Paulit-ulit ko pa rin siyang tinatapik sa pisngi pero marahan nga lang.

Tsk, hirap naman gisingin nito. Umupo ako ng paindiann sit at tsaka ako humarap sa kanya.Tiniitgan ko iyon mukhan iya. Ang gwapo talaga niya. Meron siyang matang nakaka-akit, ilong na matangos Makinis na mukha, maliit at manipis na labi. Haays nakakagigil. Sarap halikan.

*Ting!* (^_^)a

\May bigla akong naisip, hindi naman siguro masama kung halikan ko siya eh noh, di naman niya malalaman tutal tulog naman siya eh.

*Tsup*

Hinalikan ko siya sa labi.

o_O Nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa batok at tsaka niya ginalaw ang mga labi niya. Akala ko ba tulog ito? Wala na akong nagawa kundi ang magrespond sa halik niya. It lasted for 5 minutes.

"Ikaw ah, pinag-nanasaan mo ako habang natutulog." sabi niya, a smirk form into his lips.

(///^\\\) Namula naman ako dahil sa sinabi niya.

"Che! Lika na nga, tara na kumain." Tumayo na ako tsaka naglakad papunta sa dining area sumunod din naman siya sa akin.

 Naupo na kaming parehas, nilagyan ko siya ng rice sa plato niya, pati na rin ulam. Ganito kasi ginagawa ni Mama kay Papa noon eh and i find it sweet kaya gusto ko rin gawin sa kanya.

Kahit kelan talaga napaka tahimik nito kumain. Siya na talaga may table manners, again kahit kating kati na ako magtanong sa kanya kung masarap ba yun niluto ko eh tiniis ko na lang. Mamaya niyan magalit pa siya eh.

After few minutes natapos na kaming kumain at naghugas na rin ako ng pinggan siya naman nanunuod lang sa sala. Pagkatapos ko maghugas dumiretaso na ako sa sala nakita ko siyang nanunuod. Tumabi ako sa kanya at siya naman inakbayan ako.

"Anong pinapanuod mo?" Tanong ko sa kanya. Nasa HBO channel kasi siya.

"Red Dawn." simpleng sagot niya. Tutok na tuto ktalaga siya sapinapanood niya eh. Hindi ko na lang muna siya kakausapin.

"It's already 10:30, wheres your mom and your brother?" Tanong niya, naka-akbay pa din siya sa akin habang ako nakarest yun ulo ko sa shpulder niya.

"Hmm, hindi ko alam eh. Ay wait kunin ko lang yun phone ko, baka may text sila." Tumayo naman ako at lumapit sa bag ko tsaka ko hinanap ang cellphone ko. Nang makita ko ito, tiningnan ko kung may message at meron nga from mom and kuya. Bumalik ako sa tabi ni Matt.

The Ultimate Suitor of the Delinquent GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon