Chapter 21: Happy 1st month with you and Happy birthday!

129 11 6
                                    

Chapter 21: Happy 1st month with you and Happy birthday!

KRIZEL's POV

"Ahhhh! Best! Ano na? Wala ka pa rin bang naiisip?" Tanong ko kay Bianca. 4 na ngayon at sa kasamaang palad wala pa akong birthday at monthsarry gift kay dhie.. (-.-)

"Wala pa nga eh. Sandali nga! Matawagan si Marie para makapagtanong." Haay.. Ang hirap naman maghanap ng pwedeng ibigay sa kanya. Mag-iisang oras na kaming nag-iikot dito sa mall pero wala pa rin kaming nabibili. Si Marie naman umuwi muna sa Mansion nila,. Sabagay kahit naman siguro nandito yun ngayon wala ring maitutulong. Hindi rin naman kasi siya mahilig sa mga ganitong stuff. Haay...

"Krizel tara kumain muna! Nagugutom na ako eh." Sabi niya. Ganon din naman ako paano paglabas namin ng school dito na kami dumiretso tapos di pa kami kumakain.

"Sige. Mcdo?" Tanong ko sa kanya. Favorite kasi naming tatlo yun fries nila eh.

"Game!" Sagot niya. Tsaka kami naglakad papunta sa third floor nitong mall nandun kasi yun mcdo eh. Pagdating namin dun ako na ang pumila at si Bianca naman  ang humanap ng bakanteng lamesa.

"Welcome to Mcdonald's ano pong order nila?"Tanong nung crew sa akin.

"Two Cheese burger, Two Extra large fries tsaka dalawang caramel sundae." Sagot ko naman. Hmm. Nanakam na ako.

"For your drinks Ma'am?"

"Hmm. Sprite na lang pareho."

"Alright Ma'am. Ulitin ko lang po, 2 Cheese burger, 2 Extra large fries and 2 caramel sundae Sprite ang drinks." Agad naman niyang inassemble ang mga order ko at after few minutes ayun natapos na at nang makapagbayad na ako ay hinanap ko na kung nasaang table si Bianca.

Ayun nakita ko na siya. Papunta na ako sa kanya ngayon ng ..

"WHAT THE FUDGE!" Sigaw ko sa lalakeng nakabunggo sa akin... Oh no ang fries namin natapon na! Huhuhu.... Kanina pa ako nagccrave dun eh.

"Miss. Sorry di ko sinasadya." Higning paumanhin sa akin nitong gwapong nilalang.

"Sige.. Okay lang.."Wala na sayang! Nakatingin pa rin ako sa natapong order ko, hindi na sila pwedeng makain nag rumble na sa sahig lahat ng inorder ko.

"Pasensya ka na talaga, Ah teka hintayin mo ako dito. Saglit lang talaga. Promise." Narinig kong sinabi niya iyon pero parang wala pa rin ako sa sarili at para akong isang baliw na nakatitig sa pagkaing natapon. Kanina ko pa gusto kumain nun eh... Ahhh! Wala na ang French fries at ang Caramel Sundae!!! T___T

"Ma'am excusme lang po.. Lilinisin ko lang po yun mga natapon." Sabi sa akin nung Crew. Haay may magagawa pa ba ako? Babalik na lang ako sa counter para umorder uli.

Nang maglakad na ako papaunta sa counter nakasalubong ko naman ang gwapong nilalang na Pumaslang Kay Caramel Sundae at french Fries dagdag mo pa ang cheese burger na paborito ni Bianca,

"Ah.. Miss Pasensya ulit kanina. Hmm.. Eto yun kapalit ng mga inorder mo. Tsaka dinalawa ko na lahat yan kasi pansin kong dalawa-dalawa yun inorder mo." Sabi nito. Mabuti na lang hindi Arogante itong si Kuyang  wafu, kung hindi naku! Baka Nadakdakan ko siya ng bongga.

"Ahmm. Ganun ba? Sige salamat..."  Sabi ko sa kanya. Akmang aabutin ko na sa kanya yun tray pero bigla siyang nagsalita.

"Miss. Ihatid na kita sa table baka kasi madisgrasya na naman."Sabi nito ngumiti na lang ako sa kanya at naglakad papunta kung nasaan si Bianca.

The Ultimate Suitor of the Delinquent GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon