Chapter 1: Aja ! Fighting ! I love Him!

320 18 2
                                    

Chapter 1: Aja ! Fighting ! I love Him!

KRIZEL POV

"Ano ka ba naman Krizel, pwede ba tigilan mo na nga yang kahibangan mo sa lalakeng iyon. Maraming iba diyan please lang" nakaka-asar naman first day na first day ng school pinapagalitan ako nitong nanay ko. 'De Joke'ay Si Marie pala, Isa sa mga bestfriend ko.

"Marie naman, Di pwede. Di ko kaya. Mahal ko eh." Seryoso kong sinasabi sa kanya ang salitang iyon. Maaring hindi pa niya ako mahal ngayon, Maaring hindi niya ako napapansin ngayon ngunit papasaan pa matutunan din akong mahalin nun. Para saan pa ang Panliligaw ko sa kanya kung hindi ko siya mapapa-ibig. 

'Tss. in these world of craziness, isa ako sa pinaka-baliw.'

Ako nga ang nanliligaw sa kanya, Sa halip na siya ang manligaw sa akin dahil siya ang lalake.

"Best Napapahiya ka lang at nasasaktan. Tama na Please. Isa pa one year ka ng nanliligaw sa kanya wala naman nangyayari." Puno ng pagsasamo ang boses niya.

'Kung kaya ko lang eh.'

Hinawakan ko ang mga palad niya at tsaka bahagyang ngumiti.

"Best, I'm sorry. Pero please just let me. Masaya ako sa ginagawa ko." Seryoso kong sagot sa kanya. Nagbitaw siya ng isang napaka-lakas na buntong hininga.

"Ay ! Nako Ewan ko sayo! Naturingan kang top sa klase tapos pag dating diyan sa pag-ibig na yan Tanga ka."Puno ng pagka-asar ang boses niya

'Kung matuturuan ko lang sana na iba na lang sana noon pa ginawa ko na.'

"Tama na nga iyan best, Halika na bilis-bilisan na natin sa paglalakad. First day na First Day ng klase baka mahuli tayo." Naglalakad lang kami papasok dahil malapit lang ang bahay namin sa school. Mga 15 minutes pag nilakad at 10 minutes naman kung magcocommute. Si best- Marie, anak mayaman iyan. 'ewan ko ba diyan bakit gusto niya na dito tumira sa lugar namin' Samantalang pag nandoon siya sa kanila, Mansion ang tutuluyan niya.

Malapit na kami sa Gate ng Monteclaro High School ng makarinig ako ng tiliian ng mga babae.

"Kiyyyyyyyaaaaaayaahhhhh"

'Ano kayang meron bakit nag-titilian itong mga to?'

O__o

Oo nga pala first day ng klase ngayon. malamang nandito na ang dark disciple kaya naghihiyawan ang mga yon. 

'Wait Dark Disciple?'  

Ibig sabihin nariyan na din ang Mathew ko.

"Best, bilisan mo maglakad. baka nandiyan na ang baby ko, baka nandiyan na si Mathew Andrei ko. BIlis na."Sabi ko habang hila-hila ko si Marie.

'Excited na kong makita siya uli.' 

Matapos ang dalawang buwan na bakasyon.

"Tss. Sige na Mauna ka na." walang ganang sabi niya.

"Are you sure best? Sige ha una ako! Bye best, kita na lang sa room." tuwang tuwa ako habang natakbo papunta sa Main gate. Kahit masikip pilit pa rin akong nakikisiksik. Kailangan nasa unahan ako para makita agad ako ng baby ko. ^__^

"Excuse me. Excuse me. Araay." Anak ng patola naman oh ng dahil sa kagustuhan kong makarating agad sa harapan pinilit kong makisiksik kahit na naapak-apakan na ko ng mga bruhang ito.

'Kung di lang talaga to para sa puso ko.' Napanguso ako sa naisip ko.


"Kyaaaahhh... I Love you Paaaaaaaaauuuuuul!"

The Ultimate Suitor of the Delinquent GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon