Chapter13: Swimming Lambingan Day 1
PAUL's POV
"Oh pare, yun alak nandyan na ba sa likod?" Tanong ni Gab, Tsk Mukang alak talaga tong kumag na to.
"Yep."^_^ Sagot naman ni Luke na may malaking ngiti sa labi. Sus itong dalawa talagang to pagdating sa alak. Nandito kami ngayon sa van nila Michael, papunta kami ngayon sa resort/resthouse nila ulysis at magpaparty-party daw, icecelebrate namin ang pagiging mag-On nina Krizel at Matt at ang pagkadurog ng puso ko. Tss, di bagay sa akin ang maging bitter. Mahal naman nila yun isat-isa eh kaya ayos na sakin yun. Darating din naman yun tamang babae para sa akin sa tamang panahon. Pwe! Ang drama ko. Si Luke nga pala ang nagd-drive ngayon nitong Van at katabi naman niya sa harap si Gab, Papunta pa kami sa iba't -ibang bahay para sunduin ang mga kumag at ang mga chickas.
"Ayos. Teka. Sino ba una nating dadaanan?" Tanong ni Gab.
"Si Ulysis muna, mamaya na yun may mga lovers." Sagot ko sa kanila.
Malapit na kami sa bahay nila Ulysis at anak ng tokwa tong amboy na to, malayo pa kami sa gate nila tanaw ko na, Para kasing timang na nag-tatalon at kumakaway sa gawi namin. -_-
"Tol, Muka kang tanga Diyan, Sakay na." Sabi ni Gab, Si Luke naman masyadong nagcoconcentrate sa pagmamaneho.
"Hahaha, Ayos na yun! G*go! Tara kela zach, Baka natutulog pa yun Antukin na yun." Pagtapos ng ilang minuto ay nakarating na rin kami kela Zach at ang walanghiya tulog pa daw sabi nung katulong nila! Aish, no choice maghintay kami sa kanya. Ginigising pa eh.
"Taena Talaga ng Hunyangong yun tulog pa! Psh pinaghintay tayo." Sabi ni Ulysis na parang naasar.
"Chill, lang tol. Parang di ka pa nasanay" Sabi naman ni Luke.
"Teka nga tol wala ka bang chicks na sabit?" Tanong ni Gab -__- Haays umandar na naman ang pagkahilg sa chicks.
"Aba syempre meron, daanan natin tol sa may *Toot* Sa may banda sa Gasolinahan dun daw siya maghihintay eh." Tsk, Walang kupas.
"Sige. Walang problema, Eh ikaw Gab?" Tanong naman i Luke kay Gab
"Wala pa eh, teka nga matawagan ko nga yun Babaeng Megaphone para may makasama." Sabi ni Gab sabay labas ng Cellphone.
"Oy tol sino yang babaeng Megaphone?" Tanong ko naman.
"Psh. fiance ko daw, buti na lang cool din yun isang yun. Hindi umaarte katulad ng ibang babaeng dinedate ko." Sabi niya Pagkatapos maibaba yun tawag"Tol, daan tayo sa may*toot* Daanan natin yun megaphone kong fiance. Daw?" Ang saya-saya nila ah parang lahat sila ma partner ako lang wala. -_- okay, ano naman.
"Mga tol sorry, Hindi kasi ako nagising sa alarm ko eh" Sabay pasok sa sasakyan at upo sa tabi ni Ulysis at sinara ang pinto ng Van.
*PAK*
*PAK*
*PAK*
*PAK*
Sunod-sunod na batok lang naman ang natikman niya pagkaupong-pagkaupo niya sa Van galing sa aming apat.
"Aray ko, Tama na ang sakit." Angal niya habang nakasangga ang kamay niya sa may ulo niya.
"Ulol! Pinaghintay mo pa kami!" Sabay-sabay naming sabi kay Zach.
Sunod naman naming sinundo ay ang Lovers na kasalukuyang LQ. Sina Michael at yun Sweetypie niya, Bianca ata ang pangalan nun. Bestfriend ni Krizel at Marie. Medyo hindi ako pamilyar sa pangalan nung gf niya. Hindi ko din naman kasi masyado close yun babae hindi katulad nung dalawa niyang bestfriend.Pagsakay nila, Pumwesto si Bianca sa may Likod ko bali nasa right side din siya ng van sa may bintana.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Suitor of the Delinquent Guy
Ficção AdolescenteThis is a story of an ordinary but intelligent teen-age girl who fall in love with The bad Guy. Despite of her being intelligent in academics it is opposite when it comes to the world of love. Isa siyang malaking TANGA pagdating sa pag-ibig. She m...