TRISTAN JAKE'S POVKararating ko lang sa bahay galing sa paghatid kay Paula at hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa labi ko.
Iba talaga siya. Iba ang tama niya sa akin. Siguro nagtataka kayo dahil ang bilis ko siyang magustuhan gayong kakakilala pa lang namin.
Para hindi naman ako unfair sa inyo, sasabihin ko na ang totoo. Enrolment pa lang sa school namin simula ng makita ko sya at magmula noon gusto ko na sya.
Flashback
1st day of Enrolment dito sa school namin. Syempre nakakapanibago dahil new sets of students na naman ang makikita ko. Incoming freshman pa lang ako at hindi ko pa talaga alam kung saang course ako mag e-enroll.
Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng may marinig akong ingay sa di kalayuan kung saan ako naka pwesto.
"Friend, ang ganda nung babae oh"
"Oo nga no. Siguro model siya ang galing nya kasi magdala ng pananamit"
"At muka talagang galing sa angkan ng mayayaman. Grabe nakakainggit"
"Kaya nga eh. Siguro nung nagbiyaya ng kagandahan si Lord nandun sya sa pinakaunahan"
"Excuse me!!! Ako bang pinag-uusapan niyo ha?!"
Titig na titig ako sa babaeng mataray. Sa isip-isip ko, may pinagdadaanan ba sya at para sa tingin lang galit na galit na sya agad?
"Sorry po miss. Hindi lang po namin maiwasang hindi humanga sa inyo."
"Alam niyo, alam ko na yung mga ganyan eh. Una mabait pero pag nakasama mo na malalaman mo totoong ugali. Ganyan naman kayong mga plastik diba? Di ko maintindihan kung bakit ginagawa niyong hobby yan"
Wow. Hugot na hugot yung babae ah. Siguro mga may problema siya. Pero infairness kahit galit sya ang ganda pa rin niya.
"Miss hindi po talaga. Wala po kaming ibang intensyon. Hanga lang po talaga kami. Pasensya na po kung iba ang pagkakaintindi nyo."
"Wala akong pake! Umalis nga kayo sa harapan ko!"
Grabe ibang klase! Ang tapang niya. Pero bakit parang iba ang sinasabi ng mata niya? Bakit parang may lungkot ang mga mata niya?
"Hoy ikaw lalaki! Anong tinitingin-tingin mo dyan?! Tsss!!!!"
Tama kayo, ako nga. Ako ang nasita niya. Di ko kasi maiwasang hindi siya pagmasdan. Kasabay ng pagsita niya sa akin ay ang pagtitig ng mata niyang galit sa mga mata ko sabay talikod niya sa kinaroroonan ko.
Sa pagtitig niyang yon, Iba ang naramdam ko. Parang may kung anong kaguluhang nangyari sa puso ko. At simula noon sinabi ko na sa sarili ko na babantayan ko siya saan man siya magpunta.
End of flashback
Siguro naiintindihan niyo na kung bakit ganto ako pagdating sakanya? Nakakatuwa nga dahil mukang hindi niya ako naaalala eh. Sabagay paano niya nga ba ako maaalala e halos inirapan lang naman niya ako noon.
Muntik pa ngang hindi kami magkakilala eh. Mabuti na lang yung kaklase ko na dapat organizer nung competition ay may inasikasong mas mahalagang bagay kaya napilit ko sya na ako ang muna ang mag oorganize habang wala siya.
Nagtataka kayo siguro kung bakit ko pinilit yung kaklase ko. Narinig ko kasi sa canteen na pinipilit ni Cassie si Paula na sumali non sa competition kaya ayun nagmadali akong lapitan yung kaklase ko para lang ako ang mag organize.
Nakakatuwa kasi para akong tanga na lagi siyang sinusundan. Wala eh. Ganito talaga kapag gusto mo ang isang tao. Lahat gagawin mo mapansin ka lang niya.
Ayokong humiling ng mas malalim na hiling. Pero sana kahit paano ituring niya ako bilang isang kaibigan at hindi lamang bilang isang ka-partner sa competition.
BINABASA MO ANG
Torn between two hearts
Teen FictionHe left me without a word I was wondering what went wrong though I've given him my all I was hurt and feel so lifeless People around me judged me without knowing the truth I regain my self-confidence and my self-esteem I learned how to love again Bu...