13.1

15 1 0
                                    

VICTORIA PAULA's POV

Lumipas ang ilang araw at nagising na lamang akong kinakabahan. Ilang oras na lang at competition na. Hindi ako kinakabahan para doon. Kinakabahan ako dahil magkikita ulit kami ni Tristan. Ilang araw din kasi kaming hindi nagkita matapos ang huling practice namin dito sa mansion kasama ni Cassie. Hindi ko alam kung kaya ko na ba syang harapin. Nakakainis naman talaga oh!

"Paula, gusto ko pang maging mas malapit sayo. Gusto pa kitang mas makilala. Ang bilis ko ba? Pasensya ka na ha. Hindi ko na kasi kayang itago tong nararamdaman ko para sayo. Kung liligawan ba kita, papayagan mo ako?" mga salita ni Tristan na nakapagpasikip ng dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Natulala na lang ako hindi ko alam kung anong sasabihin ko

Napangiti si Tristan habang nakatitig sakin sabay yumuko "Ayos lang kung wala ka pang sagot. Naiintindihan ko pero sana pagkatapos ng competition may isasagot ka na sa akin. Kung papayag ka ako na ang pinakamasayang tao kahit ligaw pa lang yun. Pero kung hindi malugod ko pa ring tatanggapin. Pwede pa rin naman tayo maging magkaibigan diba?" sabay tumitig sya sa mga mata ko halatang halata ang sinseridad ni Tristan habang sinasabi sa akin ang mga katagang iyan.

Napatango na lamang ako dahil tila umatras ang dila ko at hindi na talaga ako nakapagsalita. Napansin siguro ni Tristan na nabigla pa rin ako kaya pinisil na lamang nya ng marahan ang kamay ko at doon na ako natauhan. Nagpaalam na din sya pagkatapos nun

Aaarrrgghhh!! Naiinis talaga ako pag naaalala ko yun. Aminado din naman ako na may something kay Tristan na nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko pero natatakot ako. Natatakot ako pagkatapos ng lahat ng naranasan ko sa nakaraan. Hindi ko pa yata kaya? Pero may parte sa akin na gusto kong pumayag. Ano ba talaga?? Nalilito na ako.

Bumangon na lamang ako at napatingin sa bedside table ko dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Merong dalawang text. Isa kay Cassie at isa naman kay Mommy.

From: Bes Cassie

Good morning, bes!!! Did you sleep well? Malapit na ang competition. Pupunta ako dyan maya maya lang para tulungan kita mag ayos. Bawal tumanggi! Ready ka na ba makita si Jake? Hahahaha peace Love you bes!

Ughh oo nga pala alam na ni Cassie. Bahala na mamaya siguro panahon na talaga para makilala nila ang talagang ako.

From: Mommy

Good morning sweetie! Good luck later. Dad and I will watch you via livestream! Own the night. Alright? We love you darling!

Napangiti ako sa text ni Mommy. Akala ko talaga hindi nila ako mapapanood dahil busy sil sa mga business nila. Kahit paano nakaramdam ako ng suporta sa kanila kahit di nila ako mapapanood ng personal.

Bumaba na din ako agad upang makapag almusal. Pagkababa ako ay sinalubong agad ako ni Manang ng mapang asar na ngiti. Eh??

"Good morning, Manang! Tara po kain na tayo" yaya ko na tumayo bilang pangalawang nanay ko. Mula pagka baby pa lang sya na ang nag alaga sakin kaya kabisado na din ako nyan ni manang.

"Sige hija. Tatawagin na nga sana kita at nakapaghanda na ako sa mesa. Oo nga pala nagpunta kanina dito yung Tristan Jake daw ang pangalan." nakangiting sambit sa akin ni manang

"Bakit naman daw po manang?" napakunot ang noo ko sa narinig ko

"Ay hayun nag iwan lamang ng mga bulaklak. Napakaganda talaga ng alaga ko. Tingin ko nama't mabait na bata yun." malumanay na komento ni manang.

Agad naman akong nagpunta sa tinuro ni manang at nakita ko ang isang bouquet na naglalaman ng mga nag gagandahan sunflower. Kinuha ko ang card na nakaipit dito. Hindi ko namalayang napangiti na pala ako habang binabasa ito kundi pa ako nasita ni manang

To: The most amazing girl I've ever met

Good morning! I hope that these flowers will give you a good mood for the whole day. Good luck to us later.

-Tristan Jake

"Hija, mukang masaya ka ngang talaga. Basta mag iingat ka lang ha? Alam mo na ang ibig sabihin ko. Halika na kumain na muna tayo" sumunod naman ako agad kay manang. Alam ko ang ibig nyang sabihin. Hinding hindi na talaga ako papayag na maulit pang muli iyon.

Lumipas ang ilang oras at bigla namang dumating si Cassie na may dala-dalang mga pang ayos.

"Bes, what do you think of me? Walang make ups? Duhh. Kaya ko ayusan ang muka ko." bungad ko kaagad sa kanya natawa ako ng makitang bigla syang bumusangot

"Bes naman eh! Pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang please??" aba at nginusuan pa talaga ko.

"Oo na sige na hahah. Bat nakaganyan ka lang?" napansin ko kasin naka flip flops lang sya at nakasuot ng short na maong na tinernuhan ng loose shirt.

"May dala akong damit ko. Di ko muna sinuot para di ako madumihan." sambit naman nya sa akin habang paakyat kami ng kwarto ko.

"Sabagay maligalig ka nga pala hahahah. Sige dyan ka na muna at maliligo lang ako" pinaupo ko na lang muna sya sa couch ng kwarto ko bahala muna sya dyan

"Bes, nakapag isip ka na ba? Kung iniisip mo ako dont worry hahaha" ang tinutukoy nya ay si Tristan. Sinabi naman ko agad sakanya yun dahil alam kong crush nya yun. Sabi naman nya ay ayos lang dahil nung naging kaibigan namin si Tristan ay kusa na lang nawala ang nararamdaman nya para doon.

"Hmmm hindi pa bes eh. Bahala na mamaya ayoko munang isipin yon." sagot ko naman sakanya habang inaayos na nya ang buhok ko.

"Kung ano man maging desisyon mo bes sigurado namang maiintindihan yun ni Jake muka naman syang mabuting tao eh. O ayan tapos na! Ang ganda ganda mo talaga bes!!" tuwang tuwa naman si Cassie habang nakatitig sa akin. Infairness, magaling nga talaga sya mag ayos.

"Thank you bes. Sige na magbihis ka na. Magbibihis na din ako para makaalis na din tayo. Isang oras na lang ang natitira sa atin." wika ko naman habang kinukuha ang naka hanger kong damit na susuotin para mamaya.

Habang nasa sasakyan na kami patungo sa school di namin naiwasang pag usapan ang damit na susuotin namin ngayon ni Tristan

"Bes, buti na lang talaga pinalitan natin yang costume nyo ni Jake kundi nagkaroon pa kayo ng pareha. And i think yung style nyo ngayon is way more prettier. Ang classy pa ng dating." litanya nya sa akin."

"Well, thanks to you kung hindi dahil sa pagiging tsismosa mo e hindi mangyayari to hahaha"

Sinamaan nya lang ako ng tingin at sakto namang nagsalita ang driver namin. Nandito na pala kami di man lang namin namalayan. Saktong pagbaba, sumalubong sa amin si Jake para sya na ang magbitbit ng props at beatbox na gagamitin para mamaya.

Habang nasa backstage kami ni Tristan, ay walang nagsasalita sa amin. Siguro tintimbang pa nya ang sitwasyon habang ako naman ay di makali. Spell a-w-k-w-a-r-d.

"And now, for the next pair may we call on Victoria Paula Nuestro and Tristan Jake Tan!"

Kasabay ng pagtawag sa amin ay ang pagbukas ng malaking kurtina. Wow! I didn't expect na marami ang manonood. Di ko alam kung anong klaseng kaba itong nararamdaman ko. Niyaya na ako ni Tristan at inangkla nya ang kamay ko sa mga braso nya.

A/N:

Hello loves!! Putulin ko muna dito. Pero later lang magpopost na ako ng 13.2 please be patient hihi. Dont forget to vote and comment! Sa tingin nyo ano kayang isasagot ni Paula kay Tristan? Hmmm.

Torn between two heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon