10

26 1 0
                                    

TRISTAN JAKE'S POV

Ang tagal naman mag uwian. Badtrip tong singkit na professor na to. 1 hour pa bago ko makita ang pinakamagandang babae sa mundong ibabaw. Excited na ko kahit muka na akong bakla sa mga iniisip ko pero pucha sino bang di magkakaganto kung Victoria Paula Lopez na ang pinag uusapan. Iba talaga ang dating niya mahal ko na nga talaga siya.




"Mr. Tan! Daydreaming in the middle of my class?" wika ng kanilang professor ng makitang nakatanaw sa malayo si Jake




"Um, sorry sir. May iniisip lang po kasi ako" biglang tuwid sa pagkakaupo si Jake ng marining ang boses ng terror nilang professor



"Care to share what's bothering inside your head?" sagot naman ng professor habang inaayos ang eyeglasses sa tungki ng kanyang ilong



"Ah sir, para po sa competition. Alam niyo na malapit na po yun. Wala pa po kasi kaming naiisip ng ka-partner ko" sagot naman ni Jake na tila di mapakali sa pagkakaupo



"Yun nga lang ba ang prinoproblema mo Mr. Tan?" tila ba nanunuri pang tugon ng kanilang professor na para bang di naniniwala sa sagot ng binata.


"O-opo sir" alinlangang sagot naman ni Jake.

"You know in order to produce good output of a song, the emotions and feelings of the singer are very essential. The lyrics should be from the heart not from the mind. Do you get it?" Seryosong wika ng professor habang inaayos ang mga gamit sa mesa



"Yes sir. Thank you po" nakangiting saad ni Jake na tila ba may biglang pumasok sa kanyang isip



"Well, if that's the case then class dismissed" sagot ng kanilang professor habang naglalakad palabas bitbit ang mga gamit na inayos kanina mula sa lamesa


"Wooooohhh!!!!! Galing mo Tan!" Sigaw ng mga kaklase ni Jake

Nakangiti lamang si Jake hanggang paglabas ng kanilang room. Tila nababaliw na ito dahil di mawala ang ngiti sa mga labi.

Maya-maya na ako magtetext kay Paula. Meron pa naman akong 30 minutes para mag isip ng isusuggest kong performance namin since may mga naisip naman na akong kanta na pede namin pagpilian kantahin para sa competition.

Ano kayang ginagawa nya ngayon? Shet kailangan ko magpapogi lalo baka na haggard na ako. Konting pasada lang ng damit at konting hawi ng buhok okay na ako don. Tingin ko naman malinis akong tingnan sa suot ko. Ang gwapo mo talaga Tan! Shet.

Matext na nga si Paula mag alauna na din naman. Or tawagan ko na lang kaya? Tama. Para-paraan din minsan no haha.

Ringing......

"Oh? Aga mo yata tumawag"

Naman! Ang babae hindi dapat pinaghihintay

"Ewan ko sayo Tristan Jake! Ang dami mong alam. Pumunta ka na lang dito para makapag umpisa na tayo"

Masusunod po kamahalan haha

Beep sounds


Ang taray talaga ng isang yon hahaha. Pero ayos lang mahal ko eh. Oo bino-broadcast ko na talagang mahal ko sya. Makapunta na nga lang ng parking dami ko ng sinasabi. Ganto ba talaga pag nagmamahal? Haha

VICTORIA PAULA'S POV


"Hi miss, nandito na ako sa labas baka gusto mo akong pagbuksan? :D"


Duuuhhh? Gusto pa talaga ako magbubukas? Imbyerna talaga tong Tan na to. Babatukan ko talaga yan pagpasok pa lang ng pinto. Ang sarap sarap ng upo ko dito sa sofa patatayuin pa ko.


Torn between two heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon