9

41 3 0
                                    


"Urghh! Di talaga bagay yung kanta eh. Di ko mabigyan ng tamang feelings." nakangusong wika ni Paula habang nagpapractice ng line nya sa kanta nila ni Jake.

"Hahahaha. Nakakatuwa yung mukha mo parang pinagsakluban ka na ng langit at lupa dyan." nakahawak pa sa tiyan si Jake habang tinatawanan ang problemadong si Paula.

"Tumatawa ka pa dyan! Hoy Jake ha! Ayokong matalo sa competition na to!" bulyaw naman ni Paula kay Jake

"Edi gawin mo yung best mo. And by the way, ikaw pa lang ang tumatawag ng Jake sakin." asar pa rin ni Jake kay Paula

"Wow! We're talking about best here! If I am not mistaken the word excellent ay kadikit na ng pangalan ko. So why do my "best" tsss! And about the jake-thing, ang haba kasi ng Tristan e nakakatamad" iirap-irap na sagot ni Paula

"Woahhhh! Galing ng aircon nyo ah bigla biglang lumalamig ng di naman ginagalaw hahaha"

"Tristan Jake! Kanina ka pa ha? Nabubuwisit na nga ako dito sa kanta. Can you please be serious this time?" halatang yamot na yamot na talaga si Paula kay Jake

"Okay okay! Chill haha." sagot naman ni Jake sabay labas ng cellphone nya para mag browse ng kanta sa music files nya.

"Parang pang videoke lang tong heaven eh. Mag reresearch din ako ng kanta." seryosong sagot ni Paula habang nag scroll sa ipad niya.

Simula pa kaninang hapon magmula ng dumating si Jake at Paula sa mansion ay hindi pa rin nila nagagawang tapusin ang buong kanta.
Lagi na lamang silang humihinto pag nasa kalagitnaan na sila ng kanta dahil alam nila na nawawalan na ng sense at feelings ang kanta.

"Want to try Somebody that I used to know?" tanong ni Jake pagtapos ng mahabang oras na pananahimik nilang dalawa ni Paula para maghanap ng bagong kanta.

"Hmm. No i don't like. Boring like heaven." sagot naman ni Paula habang may nakapasak na earphones sa magkabilang tenga

"How about Heart Attack?"

"No again."

"Hmm. Daylight?"

"Naaaahhh"

"I think you should take a rest na Paula. You look so tired. We can resume it tomorrow na lang" suhestyon ni Jake ng makitang wala ng energy ang kausap

Lingid sa kaalaman ni Paula na kanina pa talaga sya pinagmamasdan ni Jake. Sa isip isip ni Jake pagkakataon na niya ito para matitigan ng matagal ang taong gusto niya. Ang totoo niyan, hindi naman talaga sya nakatutok sa paghahanap ng kanta kundi sa muka ng taong kaharap niya. Hindi maiwasan ni Jake na hindi mapangiti habang nakatitig sa magandang mukha ni Paula

"Hmm. Okay. Pero dito ka na mag dinner ha? Magpapahanda na ako kay manang." sagot naman ni Paula habang  tumatayo mula sa pagkakaupo na sinundan naman agad ni Jake

"No. Sa bahay na lang ako kakain para makapahinga ka agad. Im okay"

"Hoy Jake, if you are thinking na concern ako sayo. Well I'm not! Its just that baka mawalan ako bigla ng partner sa competition" sagot ni Paula habang pababa sila ng hagdan.

"Sus nag deny ka pa" pang uudyok naman ni Jake sa dalaga

"In your dreams Jake. In your dreams!"

Hanggang sa pagkain ay di pa rin natatapos si Jake sa pang aasar kay Paula. Tuwang-tuwa siya pag nakikitang napipikon ang dalaga dahil lalo itong nagiging maganda sa kanyang paningin

"Earth to Jaaakkkeee!!!" may pakaway kaway pa si Paula sa muka ng binata dahil kanina pa ito parang nakatulala sa kawalan

"Ha-ha-ha sorry naman. Ano nga ulit yun?"

Torn between two heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon