12

19 0 0
                                        



"Bes, malapit na yung competition ha? How's the practice?" masiglang wika ni Cassie kay Paula

"Hmm. Okay naman meron na kaming naisip na kanta" nakangiting sabi ni Paula kay Cassie

"Bes, pansin ko lang ha mula ng dumating ka ang bright na ng mood wala na yung malditang muka na sumasalubong sakin mula umaga hanggang mag uwian hahaha" nakangising sabi ni Cassie kay Paula habang nagliligpit ng gamit dahil katatapos lamang ng kanilang huling subject para sa araw na to.


"Well, thanks to you. By the way, mag iisip kami mamaya ni Tristan ng props and costumes para sa competition. Sama ka amin bes diba sabi mo ikaw na bahala sa props?" malumanay na wika ni Paula habang papalabas na sila ng pinto


"Yeah. Sure wala naman akong ibang gagawin" sabay angkla ni Cassie sa braso ni Paula


"Hi girls! Let's go? Saan nyo gusto mag merienda?" Si Jake na kanina pa nag aantay sa labas ng room ng dalawa


"May naisip ako! Since 4pm naman na pwede bang sa Ayala Triangle na lang tayo mag merienda pleaseee?? Gusto ko din kasi makita yung dancing lights dun eh sabi 7pm yata yun binubuksan." Mahihinigan ang pagka excited sa boses ni Cassie

"Sure"

"Alright"

Sabay na sagot ni Jake at Paula at dahil doon nagkatinginan ang dalawa

"Hep! Hep!! May napapansin na talaga ako sainyo eh. Care to share?" naniningkit na ang mata ni Cassie habang palipat-lipat ng tingin sa dalawa

Parehas lamang nagkibit ng balikat ang dalawa hanggang sa makasakay na sila sa sasakyan ni Jake
-----

"Naisip ko lang bes, since ikaw ang gagamit ng beat box, bakit di na lang kaya natin i-curl yang buhok mo and then yung damit mo sleeveless then ripped black jeans with chains na design sa gilid?" suhestyon ni Cassie kay Paula sabay ikot ng tinidor sa kanyang carbonara


"Hmm yeah. Tingin ko nga maganda yun. What about Tristan Jake?" sabay lingon ni Paula sa tinutukoy


"For Jake, same pants dapat kayo ripped black jeans and then sa top niya muscle tee with leather vest and dog tag ang accessories niya. Yung buhok nya, tingin ko dapat naka taas or brush up." halatang seryoso sa pag iisip si Cassie habang si Paula naman ay sinusulat ang mga sinasabi ni Cassie.


"I like that idea Cassie. Oo nga pala Paula, okay na yung lyrics natin. Naka highlights ng pink yung sayo. Yung sakin hindi ko na nilagyan para madali lang matandaan" tugon ni Jake habang sumisimsim sa kanyang iced coffee


"Yes. Thanks Tristan" nakangiting pahayag ni Paula sa binata at bigla namang tumikhim etong si Cassie


"Wow first name basis" mapanuksong wika ni Cassie


"Ha-ha funny bes. Bawal ba yun? Pangalan naman nya yun ah" sabay irap ni Paula sa kaibigan habang si Jake naman ay tatawa tawa lang sa dalawa

"Ang dami palang nag woworkout dito no? Parang ang sarap sarap sa feeling" namamanghang komento ni Cassie habang nakatitig sa labas

"Girls, i think mag uumpisa na yung dancing lights. Let's go outside?" nakangiting yaya ni Jake sa dalawa

"Yiiii!!!! Im excited!!!" pumapalakpak pa si Cassie na parang bata


"My gosh bes! Compose yourself nakakahiya" puna ni Paula habang nagpapagpag ng kanyang dress

Pumwesto ang tatlo sa gitnang bench para kitang kita nila maayos ang pagpapalit palit ng ilaw na nakasabit sa malalaking puno.

Halatang halata naman kay Cassie ang pagkamangha at magkasalikop pa ang dalawang kamay habang nanonood

Si Paula naman ay nakatitig lang at nakikinig sa malakas at masayang tugtog na nagmumula sa mga malalaking speakers. Naisip naman nya kung uuwi kaya ang mga magulang nya sa pasko para sama sama silang icelebrate ito dahil nung nakaraang taon ay puro katulong lamang ang kanyang kasama. Agad din naman nya itong binura sa kanyang isipan upang di malungkot.


Si jake naman ay panaka-naka lamang tumingin sa mga pasayaw sayaw na ilaw dahil ang kanyang mata ay naka focus lamang sa muka ni Paula. Di man magsalita ay alam nyang natutuwa din ang dalaga sa nakikita ngunit ng makitang nyang biglang nagbago ang aura nito ay doon na sya nagsalita


"Paula, are you okay?" bakas sa kanyang tinig ang pag-aalala


"Uh, yeah. Nawiwirduhan lang ako kay Cassie hahaha"halatang pilit ang pagtawa ni Paula ngunit pinilit nyang maging masigla ang pakiramdam

"Ay! Wala ng sounds. Tara na nga ayawan na" nakangusong pahayag ni Cassie at sabay na natawa si Jake at Paula sa inakto nito.
----

"Bes, sa amin ka na lang matulog Sabado naman bukas eh para makapag isip pa tayo ng props para sa competition. Sa Wednesday na yun diba? Wala din kasi akong kasama eh."

"Talaga?! Wow!! Sige bes gusto ko yan. Jake daan tayo sa bahay kukuha lang akong gamit hihi" sabay peace sign sa binata

"Parang wala akong natandaan na nag apply ako bilang driver nyo?" Natatawa tawang wika ni Jake

"Eehhh. Ngayon lang naman eh. Sige na" sagot naman ni Cassie habang humahampas sa braso ni Jake na parang bata

"Hahah oo na ikaw naman di mabiro" tugon ni Jake habang umiilag sa mga hampas ni Cassie
---

"Thanks sa hatid Jake!!" sabay karipas ng takbo ni Cassie papasok sa mansion nila Paula na parang akala mo ay sarili nyang bahay.

"Tingnan mo yun par talagang bata" naiiling iling na komento ni Paula habang kinakausap si Jake dahil sila na lamang dalawa ni Jake ang naiwan sa labas tanging tawa lang ang naisagot ni Jake

"Sige na Tristan, gabi na papasok na din ako sa loob. Salamat sa pahatid" malumanay na wika ni Paula

"Yeah. Pero pwede ba akong pumunta dito ng hapon. Last practice? Magiging busy kasi ako next week ang dami kong projects na dapat tapusin buti nga exempted na ako sa Wednesday dahil nga sa competition" pero maliban sa projects gusto lang talagang makita ni Jake si Paula na para bang ma-mimiss agad nya ang dalaga pag di nya ito nakita ng isang araw

"Sus. Dami mo pang sinabi sasabihin mo lang naman na gusto mo kong makita" mapang asar na tugon ni Paula

"Paano kung ganon nga?" Mabilis na sagot ni Jake habang nakatitig sa mata ni Paula

"Ugh?! Bwisit! Umuwi ka na nga!!" inis na komento ni Paula sabay talikod dahil alam niyang nangangamatis na ang kanyang mukha ngunit di naman ito nakaligtas sa mga mata ni Jake.

"Hahaha. Bakit ka namumula?" Tawa naman ng tawa si Jake dahil lalong nainis si Paula at bago pa man maisara ng tuluyan ni Paula ang kanilang napakalaking gate, nagpahabol pa ng salita si Jake na lalong ikinapula ng mukha ni Paula


"Good night, babe!!!" at tuluyan na nga niyang sinara ang gate na may halong pagdadabog habang nagmamartsa papasok ng kanilang mansion



"Damn you Tristan Jake! You're giving me goosebumps" mahinang salita ni Paula habang hinihingal sa di malamang dahilan

Torn between two heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon