THIRD PERSON'S POV
I am enjoying the morning breeze when suddenly my phone rang. I grab it immediately on the table beside me.
"Boss, magandang umaga po"
"O anong balita?"
"Wala pa naman movements mula sa kabilang panig boss. Wala pa silang kakaibang kinikilos"
"Good. Magmanman lang kayong mabuti. At sa oras na gumawa na sila ng unang hakbang alam niyo na kung anong gagawin nyo. Maliwanag ba?"
"Yes boss. Makakaasa po kayo."
Matagal ko nang pinagplanuhan ang mga bagay na gagawin ko. Umaasa ako sa kakayahan ko. Oras na magkamali lang sila ng hakbang nila, tripleng sakit ang ipaparamdam ko sakanila. Hindi na ako papayag na saktan muli nila ako. Tama na ang mga pasakit na pinaramdam nila sakin noon. Oras na para ibangon ko ang sarili ko.
I smirked by the thought.
VICTORIA PAULA'S POV
"Friend, i like your ootd today. Parang hindi ikaw hahaha. I never thought na magsusuot ka ng light colors because ang strong ng personality mo. hihihi" tuwang-tuwang pahayag ni Cassie sa akin.
Ang tinutukoy niya ay ang suot kong light blue dress na sleeveless ang strap at may floral details sa baba. Tama nga naman siya parang ang light ng mood ng nagsusuot.
"Infairness bagay sayo. Parang ang amo mo tuloy today" tawa na naman niya.
Kahit kelan talaga napaka ingay nito ni Cassie Audrey. Well, aminin ko namiss ko ang bruhang yan. Walang palya sa katetext sakin nung mga araw na hindi kami nagkikita. Ang sarap niyang kaibigan. Ramdam na ramdam kong totoo siya sa akin. Hindi katulad nung mga naging kaibigan ko noon. Kung dati ang bilis kong mauto ng mga taong akala ko noon ay totoo ngayon hindi na ako papayag ng ganon ganon na lang. Matagal kong pinag aralan ang behavior ng mga tao. Dahil ayoko nang mangyari pang muli ang sinapit ko noon.
"Friend, natulala ka na diyan? Uyyyy! Wag mong sabihing si Tristan yang iniisip mo. Ay nako magtatampo talaga ako sayo. Pero on the second thought, mapagbigay naman ako" nakangiting saad ni Cassie
Tingnan mo 'to puro talaga kalokohan ang laman ng isip. Gusto kong matawa pero ayokong ipahalata sakanya. Speaking of Tristan Jake, dalawang araw na kaming hindi nagkikita after nung huling practice namin sa bahay namin. Sinabi naman niya sa akin na may kailangan lang siyang asikasuhing project. Nira-rush na daw kasi sya ng professor niya. So far naman, naging maayos ang takbo ng practice namin noon. Konting pasada na lang pwede na kami mag proceed sa pag iisip ng costume at props.
"Uyyy, di nakasagot! Sige mula ngayon maghahanap na ako ng bagong crush hahaha"
"Do you have a schedule later in the afternoon?" Tanong ko kay Cassie matapos nya akong asarin.
"Hmmm. Wala naman friend. Why?" takang tanong sa akin ni Cassie
"Pwede mo ba akong samahan later after ng class?" tanong ko naman pabalik sakanya
"Oo ba. Walang problema" and she smiled sweetly to me
I am really decided. Sana talaga hindi ako magkamali.
"Thank you. Saan mo ba gusto? Coffee shop or doon sa pinagdalhan sa atin ni Tristan Jake last time?" seryosong tanong ko naman sakanya
"Ikaw? Pero i think dyan na lang sa starbucks sa labas ng school para di na din tayo lalayo. Tsaka sa pagkakaalam ko walang tao masyado doon kapag 2 pm dahil wala pa gaanong naglalabasan na mga studyante. Just in case you want a peaceful ambiance. Which i know im right" sabay wink niya sa akin at nginitian ko lamang siya bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Torn between two hearts
Teen FictionHe left me without a word I was wondering what went wrong though I've given him my all I was hurt and feel so lifeless People around me judged me without knowing the truth I regain my self-confidence and my self-esteem I learned how to love again Bu...