14

16 0 0
                                    

Flashback

"Hey Marco!" Naging habit namin ni Marco ang tumambay sa music room. Kagaya ko, hindi rin sya sanay makipag socialize sa ibang tao. That's why karamihan ng school mates namin ang tingin sakanya ay maangas and cold.

"Come, sit beside me" sabi nya sa akin na may kasamang pag ngiti. Dati naiilang pa talaga ako sakanya pero nasanay na din ako dahil araw-araw nga kaming nagkikita. Sabay kami sa breaktime and lunch.

"Let's eat first. I bought lunch for us" wika nya habang nilalabas sa supot ang mga pagkaing binili nya.

"Wow! Thank you so much. So, anong kakantahin natin after natin kumain?" Nakasanayan na din namin na kumanta everytime na tatambay kami dito. Laging sya ang mag gigitara or piano and then ako ang kakanta.

"You will play the piano today. And I will be the one to sing" nagulat ako sa sinabi nyang yon kasi usually ako ang kumakanta lagi. Isang beses ko pa lang sya narinig kumanta and that was the day na first time kong tumambay sa music room.

After namin kumain, pinaupo nya na agad ako sa lugar kung saan nandoon ang piano and then sinabihan na din nya na mag start kami.

Just like the first day na mag usap kami, ang kinanta nya is Out of my League. Maybe because favorite nya ang song na yun. Napakaganda ng boses nya. Hanga talaga ako. Nandoon na ko sa huling nota ng mapatingin ako sakanya. At nakita kong nakatitig sya sa akin habang nakangiti.

"Victoria, i have something to tell you" sabi nya sa akin matapos nyang kumanta.

"A-ano y-un?" I can't help myself from stammering. Kinakabahan ako sa sasabihin nya. Ayaw na ba nya akong maging kaibigan? Magiging loner na naman ba ako? But at the same time, my heart is beating fast because of the way he looks at me.

"I'm already inlove with you. Please hayaan mo ako sa nararamdaman ko. Wag mo sana akong iwasan after ng malaman mo" diretsahang nyang sabi sa akin.

Kinkapos yata ako sa paghinga dahil sa pag amin nya. I dont know what to say. Natulala na lang ako. Napansin nya siguro yun kaya hinawakan nya ang mga kamay ko at nagpatuloy na naman sya sa pagsasalita. Mas nagulat naman ako lalo sa sumunod nyang sinabi.

"Can i court you?" Nakangiti nyang sabi sa akin. Ako naman, hindi malaman kung anong gagawin.

"A....uhmmm.. Are you sure about that Marco?" Tanong ko sakanya habang pabilis ng pabilis ang pagkabog ng puso ko.

"Yes. I'm hundred percent sure. What's your answer now? Because you know, i don't take no for an answer" sabay smirk nya sakin.

O-kay? Nagtanong pa sya diba hahaha bawal naman pala mag no. Haay, Marco talaga.

"But what if it's really no?" Tanong ko pabalik sakanya. Gusto ko lang naman itanong kahit sinabi nyang bawal bakit ba.

"Then, you'll gonna be my girlfriend" he chuckled.

"What?! You're leaving me with no choice!" sagot ko naman sakanya habang naka pout. Pero ang totoo kinikilig talaga ako. Aminin man sa hindi gusto ko na rin talaga si Marco di ko lang maamin sakanya dahil nahihiya ako. Hello! Babae pa rin naman ako at ayoko masira ang pagkakaibigan namin.

"Don't pout. Baka kung anong magawa ko sayo. So, what now? Malapit ng mag bell" wow! Excited much?

Nag isip muna ako kunwari pero ang totoo sure naman na talaga ako sa isasagot ko. Sakto namang tumunog ang bell at ang isang to mukang nayamot dahil biglang kumunot ang noo. Tatayo na sana sya ng bigla ko syang pinaupo muli.

Torn between two heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon