17

11 0 0
                                    

Someone's POV

Mamayang gabi na yung welcome party. And everything is ready. In few hours darating na ang private plane ko. Huwag na huwag lang sila magkakamali at sinisiguro kong hindi matatapos ng maganda ang araw na to para sa kanila.
I smirked by the thought.

VICTORIA PAULA'S POV

"Hi, bes! Buti naman at sumagot ka na. Nasaan ka na ba?" bungad sakin ni Cassie sa cellphone ko.

"Good morning to you too, bes" pang-asar ko namang sagot sakanya. I shifted my eyes to the clock on the table beside me only to see that it's just 6:00 in the morning.

"Kainis ka naman kanina pa kaya ako tawag ng tawag sayo" naiimagine kong nakabusangot ang muka ng isang Cassie Audrey Chen

"Wow ikaw pa talaga nainis ha. Hindi mo ba nakikita ang oras? Napaka aga pa kaya panira ka ng tulog eh" sagot ko naman kasabay ng paghilig ko sa kabilang side ng kama. Inaantok pa talaga ko.

"Eh kasi naman bes mamaya na kaya yung welcome party ng parents mo kaya kinakabahan ako. Ewan ko ba kung bakit. I want to look nice for later's event" awww my bestfriend. Kaya sobrang special talaga nya sakin eh.

"Dito ka na magbihis mamaya bes sabay tayo nandito naman na lahat ng gagamitin mo para mamaya and to quit all your worries, punta tayo mamaya ng salon. Would that be fine?" nakangiti kong sagot sakanya medyo nawala naman na yung antok ko.

"Thanks bes! See you later. Don't bring your car na. Leave it to me okay? Sunduin na lang kita dyan ng 8:30 after breakfast. Byeee!" Hindi na nya ako hinintay sumagot binabaan na din ako ng cellphone. Haaayy this will be a long day for me and all of us. Nag inat inat muna ako bago tuluyang pumasok ng bathroom.

Habang naliligo, bigla ko din naisip ang lahat ng pwedeng mangyari mamaya. Ewan ko ba pero pakiramdam ko parang may hindi magandang mangyayari. Sana naman wala minsan lang magpaparty sila mom and dad kaya im hoping that everything will go smoothly. Lumabas na din agad akonng bathroom at nagbihis. I settled for a floral dress na hanggang ibabaw ng tuhod ko ang haba and pair it with a gold strappy sandals. After i blow dried my hair, kinuha ko lang pouch ko at bumaba na din agad.

"Good morning sweetie" bungad sa akin ni mommy pagkababa ko ng dining room. Si dad naman ay ngumiti lang sa akin dahil nagbabasa sya ng newspaper

"Good morning too mom and dad" humalik lang ako sakanilang dalawa bago tuluyang naupo sa pwesto ko. Sobrang happy ng aura ng bahay namin since dumating sila mom and dad. I've missed this kind of feeling. Buti na lang talaga at mag stay na sila dito for good.

"Why are you up this early sweetheart?" Tanong sa akin ni dad at tuluyan ng binaba ang newspaper na binabasa nya. Kumuha muna ako ng food ko at naglagay sa plate bago sumagot sa kanya

"Hay naku dad. Ginising lang naman ako ni Cassie only to tell na kinakabahan sya for later and she wants to look nice daw for the event. Kaya eto po magpupunta kami ng salon after breakfast" ngiting sagot ko kay dad at inumpisahan ng kumain.

"Oh that girl." napailing na lang si dad ng nakangiti.

"Saang salon kayo sweetie? Gusto mo bang ipahanda ko na ang sasakyan?" Tanong naman sa akin ni mommy.

"Im not sure where mom pero baka dyan lang din kami sa malapit para less hassle but it still depends kung may bibilhin pa po si Cassie. And sabi nya po sya na daw ang magdadala ng car" sagot ko naman kay mom i still cant believe na sabay sabay kaming kumakain ng breakfast ngayon. Ang saya sa pakiramdam. After ng ilang pag uusap, nag stay ako sa sala to wait for my best friend. Nag check na lang ako ng phone. Sila mom and dad naman ay busy sa mga kausap nila maybe it's all about the event. Lumawak naman ang ngiti ko ng makitang may text pala sakin si Tristan Jake. That boy, alam kong may nararamdaman na ako sakanya but not enough to say that it's already Love. I am very happy when he's around. Pakiramdam ko bumalik na ako sa dating ako, masayahin na parang walang masamang pinagdaanan. Everytime na magkasama kami pinaparamdam nya talaga sa akin na mahal nya ako kahit pa ba hindi ko pa kayang suklian yun. Naiintindihan naman nya ako at sinabi nyang hindi rin sya nagmamadali at hindi naman daw kailangang madaliin ang lahat. Napapangiti na lang talaga ako pag naiisip sya. Napaka swerte ko talaga sakanya. Nasa ganong sitwasyon ako ng bumungad sakin ang babaeng kanina ko pa inaantay.

"Inlove na inlove lang bes?" pang-aasar nya sakin. Bago pa man madagdagan ang pang aasar nya, hinila ko na sya palabas.

"Saan tayong salon bes?" tanong ko sakanya habang nag mamaneho sya.

"Doon na lang sa bagong tayo bes bago dumating ng mall. I've heard maganda daw ang service doon eh" tumango na lang ako sa sinabi nya. After ilang minutes nakarating na din kami sa salon na sinasabi nya. Medyo may kalakihan ang salon na ito. By the looks of it, mukang may sinabi din ang may-ari nito. Maganda ang itsura nito at mukang nakakarelax talaga. Tuluyan na kaming pumasok ni Cassie and I am really amaze sa nakikita ko ngayon. Napakaganda ng interior. It looks like an interior of a castle. I could live here. Sinalubong naman kami ng isang nakangiting babae siguro ay isa sya sa staff na nandito.

"How may I help you ma'am?" nakakatuwa din ang uniform nila. It looks vintage na parang ginawang modern ang style. It's a combination of gold, black and white dress na hanggang kalahati ng legs nya ang haba. Inabutan nya kami ng service menu nila at napili namin yung combo nila na may kasamang hair treatment, whole body massage, footspa and also manicure and pedicure. Iginiya nya kami sa isang room na good for two dahil sinabi din ni Cassie na gusto nya magkasama kami. So heto kami ngayon at nagtatanggal ng damit namin pinauna namin ang massage. Cassie's choice.

"Ang ganda dito bes no? Ang galing ng nakaisip ng interior. It really looks like a castle in Victorian Era" sabi sa akin ni Cassie habang may nag mamassage na sa amin.

"Yeah right. Alam mo ba bes gustong-gusto ko ang mga interiors ng Victorian Era? I dont know even my room interior ay ganon din it's just that pinahaluan ko lang sya ng modern style but this salon. Omy a pure victorian style" kung sino man ang may ari nito, siguro ay kagaya ko ding mahilig sa gantong interior. It feels like I want to meet the owner.

Pagtapos namin ng lahat ng service na pinagawa namin ni Cassie ay dumiretso na agad kami sa cashier para magbayad at nagpaalam muna ako saglit kay Cassie na magpupunta ng powder room. Pagpasok ko ng cubicle ay may narinig din akong pumasok at di ko sinasadyang marinig ang pinag uusapan nila.

"Sis, parating na daw ng bansa ang may-ari ng salon ah"

"Oo nga daw at balita ko hindi pa raw nakita ng may-ari itong salon nya ng personal"

"Talaga ba? Ang galing naman kahit di pa nya nakita ay mukang pulido ang pagkakagawa"

"Oo nga eh siguro matagal din itong pinag-isipan no para maging ganto kaganda di ko nga ineexpect na matatanggap ako dito kasi mahigpit raw eh"

"Narinig ko nga yan at sabi pa ang pinaka ayaw daw ng may-ari ay yung sinungaling"

Tuluyan na akong lumabas ng cubicle at parang nagulat naman ang dalawang staff kaya nag bow sila sa akin. I dont know kung anong nangyari sakin para tanungin sila.

"Do you have any idea kung kailan darating ang owner ng salon na ito?" Im just really curious.

"Di po namin sigurado ang exact date ma'am pero ang balita po ay ngayong buwan" sagot ng isang staff. Tumango lang ako sa kanila at nagpasya na din lumabas. Parang nag iba bigla ang pakiramdam ko about sa mga narinig ko lalo na yung ayaw sa sinungaling part. Hmmm the owner must be something.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Torn between two heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon