A/N: sorry guys sa makupad na update super busy lang talaga sa work :( mapapatawad niyo ba ko? And, guys most of the time sa mobile lang ako nag uupdate so pagpasensyahan nyo na ang spacing. Eto na update. Sana magustuhan nyooo!
---------------------"friend, samahan mo na ko saglit lang naman to eh!"
"naman friend ehhh! Sige na nga basta pag hindi pa tapos ng 7pm uuna na ko ha?!" sunod naman ni Cassie ngunit sobrang haba na ng nguso sa inis
"Wag friend bata ka pa" asar naman ni Paula
"Kumokorni ka na friend ha!"
"Kinakabahan ako! Halika na pasok na tayo. Mas nakakakaba pag madami ng tao eh." sagot naman ni Paula na halos maging jelly ace na ang tuhod sa kaba
"I never thought na ganyan ka din pala Paula" sabay tawa naman ni Cassie
"Shut up! Will you?" napipikong sagot ni Paula.
"Excuse po. For audition po ba kayo?" tanong ng organizer sa dalawa
"Yes po." sagot ni Cassie na may halong pagkakilig dahil sa gwapong binata na kausap
"Mam, dapat po opposite sex ang magka duet hindi po pwedeng same sex" paliwanag ng organizer sa dalawang dalaga
"Wait, what do you mean duet?" di na nakatiis na tanong ni Paula
"Ay, sorry mam. Di po ba kayo nainform na duet tong competition na to?"
"Pano yan?! Nakapagpalista na ko eh" di na maitago ang pagkainis ni Paula
"Di bale mam kasali pa din po kayo kaso kapag wala pa po kayong partner na ipakita samin hanggang bukas disqualified na po kayo" paliwanag ng binata na panaka-nakang tinitingnan ni Cassie dahil halos kuminang na ang mata nito sa pagkakatingin sakanya
"Okay fine madali lang yon" sagot ni Paula ngunit sa loob loob nya ay di nya alam kung paano sya hahanap ng kapareha sa patimpalak na sasalihan
"Sige po mam, pasok na po kayo for audition. Good luck po!" masayang bati ng binata sa dalawa ngunit ang totoo nyan ay halos lumundag na ang puso nya habang kausap si Paula
"Thank you po" sabat naman ni Cassie
"Di mo man lang sinabi sakin na kailangan pala may ka-duet! Napasubo tuloy ako tsss!" halos umusok na ang ilong ni Paula sa pagkainis sa kaibigan
"Sorry na friend di ko naman din napansin eh. Sige na lumapit ka na doon dito lang ako" bakas sa mukha ni Cassie ang pagkabahala sa kadahilanang walang kapareha ang kaibigan
"Grrrrr. Borrrrrinnnngggg! Really, gusto ko na umalis dito. Ang dami ng natawag. Ilan na lang mauubos na ang mga nag a-audition. Heto't nandito pa din ako. Psssshh!!!!!"
"Next, Miss Victoria Paula"
"Kasalanan to ng Cassie na yun eh! Di man lang sinabi na dapat may ka-duet pala. Saan ako hahanap ng partner nito. Aiiisssh! Cassie Audrey humanda ka talaga sakin!" asar na asar si Paula sa kanyang isipan.
"Uhm, Miss?? Excuse me? Kayo na po yata ang tinatawag. Victoria Paula daw po"
"Ugh? Okay thanks"
Habang paakyat na si Paula di pa din mawala ang kanyang pagka inis. Sabayan pa ng di niya alam kung ano ang kakantahin para sa audition na ito.
"Bahala na nga!" sabi nya sa sarili
"Hello, mic check. Ugh, since I don't have a partner, ako muna ang kakanta ng song okay?" kausap nya sa mga kapwa nag a-audition
"Okay, miss Victoria Paula. Go ahead" sagot ng isa sa mga panels.
" Boy, it's been all this time,
And I can't get you off my mind
And nobody knows it but me"It's true hanggang ngayon siya pa rin.
" I stare at your photograph
Still sleep in the shirt you left
And nobody knows it but meEveryday I wipe my tears away
So many nights I've prayed for you to sayI should have been chasing you
I should have been trying to prove
That you were all that mattered to me,
I should have said all the things,
That I kept inside of me and maybe
I could have made you believeThat what we had was all we'd ever need"
Sana nga Enzo, sana. Kaso hindi at hinding hindi mangyayari yun dahil para sayo isa lang akong laro.
(crowd clapping)
"Wooooooooh! Galing mo talaga frieeeendddd!" sigaw ni Cassie na may kasama pang paglundak at palakpak
"H-haaa?" tila wala sa sariling reaksyon ni Paula
"Okay Miss Paula, sa isang araw namin ilalagay sa bulletin ang lahat ng nakapasa sa audition. Thank you so much." paalala ng isa sa panels
"Thank you po" sagot naman ni Paula habang pababa ng stage
"Everyone please listen! Kagaya nga ng sinabi ko sa isang araw namin ilalagay sa bulletin ang lahat ng pumasa. Kapag nakita niyo sa list ang pangalan niyo magkakaroon ulit ng panibagong audition sa kaparehang araw ng paglabas namin ng resulta. Naiintindihan niyo?"
"Yes Miss" sabay sabay na sagot ngga nag audition
"Alright. Let's call it a day. Thanks for participating" naka ngiting pahayag ng panel
"Friend grabeeeee!! Kung nakita mo lang ang mga reaction ng panel, for sure matutuwa ka. Feeling ko nasa the voice ka at sabay sabay lumingon ang panels sa first line pa lang ng kanta. Ganon na ganon!!!" halos hingalin na si Cassie sa pagpuri sa kaibigan
"Manahimik ka muna dyan! Wala pa akong partner."
"Hmmmmm. Sino kayang pwede?"
"I don't know. Tara nagtext na sa akin driver ko baka nandyan na din ang sayo" sagot naman ni Paula habang ibinabalik sa bulsa ang cellphone.
"Oo nga e. Let's go"
Victoria's POV
Haaaaay!!!! What a tiring day it is!
Well atleast natapos na din yung nakakabanas na report na yun. Tsaka ko na lang iisipin yung project. Speaking of iisipin, may malaki pa pala akong problema. Wala pa akong partner para sa singing competition. Aaaaaaaarrrrrrrghhhhhhh! Kasalanan to lahat talaga ng Cassie na yun e! Pahamak talaga kahit kailan. Saan ako hahanap ngayon ng partner?!!!Matanong na nga lang yung mga kaklase namin baka sakaling may interesado sa kanila. For now, kailangan ko muna matulog dahil isang mahabang araw na naman ang mangyayari sakin bukas.
"Ughhhh.......
Uhmmmmm.......
Enzoooo.....
Enzo please...........
Please don't................."
"Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!" tila takot na takot na sigaw ni Paula matapos maalinpungatan sa kanyang pagkakatulog
"Mam?! Mam Paula?! Okay lang po ba kayo dyan?" tanong ni Manang Claridad ang nag alaga kay Paula mula ng sanggol pa lamang sya
"Manang okay lang po ako. Pahingi na lamang po ako ng isang basong tubig" sagot ni Paula ng pagbuksan ng pinto ang nag-aalalang katulong
"Sige po mam. Mukang masama po ang panaginip ninyo. Teka lamang po at kukuha na ako ng maiinom ninyo ng mahimasmasan po kayo" sagot naman ni Manang Claridad
"Okay, manang. Salamat po" sagot ni Paula ng nakangiti upang di na mag alala ang matanda
"Almost 2 years na ang lumipas pero bakit ganon? Bakit hanggang ngayon ginugulo mo pa din ako Enzo? maluha-luhang tanong ni Paula sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Torn between two hearts
Teen FictionHe left me without a word I was wondering what went wrong though I've given him my all I was hurt and feel so lifeless People around me judged me without knowing the truth I regain my self-confidence and my self-esteem I learned how to love again Bu...