15

17 0 0
                                    

VICTORIA PAULA'S POV

Ilang linggo na rin ang lumipas matapos ang pagsabi ko ng mga natatago kong sikreto kay Cassie at Tristan Jake. At aaminin ko sobrang nabago nito ang buhay ko. Mas naging masaya na ako at sobrang gumaan na ang pakiramdam ko. Para bang nakatakas ako mula sa isang bangungot. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa dalawa dahil di nila ako pinapabayaan.

And about Tristan Jake? Ayun, official na syang nanliligaw sakin. Okay lang naman daw kay Cassie dahil nung una lang naman daw nya crush si Tristan at simula nang maging kaibigan namin ito ay nawala na din ang pagkagusto nya dito.

Alam na din nila mommy and daddy ang about sa panliligaw sakin ni Tristan. Mom is really happy about that pero syempre may mga reminders and advice dahil na rin siguro sa nangyari noon. And dad? Hmm let's say unti unti na kaming nagiging okay. I know one of these days, mababalik din sa normal ang lahat between dad and me. For now, masaya na ako sa nangyayari sa buhay ko and I thank God for that.

"You're in deep thought again. What's bothering?" Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko. Si Tristan lang pala. Di ko namalayan na nakapasok na pala sya ng room namin. Gaano na ba ako katagal nag stay dito?

"Nothing. I just can't believe na bumalik na sa ayos ang lahat" nakangiti ko naman sagot sakanya. Bakas kasi ang pag aalala sa mukha nya kanina.

"Halika na, hatid na kita para makapagpahinga ka na. I know you're tired already" sagot naman ni Tristan habang sinusukbit ang strap ng bagpack nya sa balikat nya.
Agad na din naman akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko.

"How's the exam? I passed all my exams today and Cassie too. Kaya lang kailangan nya umuwi agad kaya wala na sya kanina" wika ko habang papunta kaming parking lot. Daily routine na ni Tristan na ihatid at sundo nya ako simula ng sabihin nyang pprotektahan nya ako. Over protective na nga minsan eh pero I find it sweet.

"Okay naman. I passed all of them. Inspired eh" sabay kindat sakin ayun nahampas ko tuloy

"Ewan ko sayo! Hatid mo na nga ako mag rereview pa ako eh. Haaays! Buti na lang last day of examination na. Makakapag chill na ulit after" sagot ko kay Tristan habang umaayos ako sa pagkakaupo agad din naman nya akong kinabitan ng seatbelt at nagtuloy na sa pagmamaneho.

"So what's your plan?" tanong nya sa akin habang diretso ang tingin sa daan

"Pauwi sila mom and dad the day after tomorrow. And i want to formally introduce you and Cassie na din" pagkasabi ko nun ay biglang napa preno si Tristan

"Are you sure? Biglaan naman. Pano kung di nila ko magustuhan?" mababakas ang pag aalala sa muka ni Tristan at di ko naman maiwasang di matawa sa itsura nya

"Acting like a boyfriend, eh? Mr. Tan, nanliligaw ka pa lang baka nakakalimutan mo?" asar ko sakanya while wiggling my eyebrow

"Sabi ko nga tss! Sasagutin mo din ako balang araw" halatang halata ang pagka asar sa mukha ni Tristan Jake ng ipagpatuloy nya ang pagmamaneho. Lalo akong natawa sa inasta nya kaya inasar ko sya ng inasar. Di ko namalayan na nasa gate na pala kami ng mansion

"Dito na tayo pwede ka na bumaba" tuluyan na akong humalakhak sa sinabi ni Tristan

"Hahahaha!!! Pissed? Im just kidding okay? Sige na. Bye thanks for the ride!" I kissed him on the cheek bago ako tuluyan bumaba at kitang kita ko kung paano namula ang tenga niya.

Everyday is a happy day when Im with Tristan. I was about to text him pero naisip kong mamaya na lang nagddrive pa nga pala sya. Itatago ko na sana ang phone ko sa bag ng bigla itong mag beep

From: Tristan Jake

Oops, bago kumunot ang noo mo, nag stop ako sa kalapit bahay niyo pagkapasok mo ng gate para magtext ako sayo. Ayokong mag alala ka eh :* Thank you for this day napasaya mo na naman ako sa saglit na oras Paula. Is it early to say I love you?

Errrr?? Tristan why so? Okay i admit sobrang kinikilig ako! I like him. Yes i do. Pero hindi ko pa kasi kayang aminin kaya next time ko na lang sasabihin haha. Makapag reply na nga muna bago ako umakyat ng room

To: Tristan Jake

Hay nako. Di makapag hintay makarating sa bahay bago mag text? Pero sige na nga atleast nag stop ka. Sige na go na para makapagpahinga ka na din. Keep safe!

Okay! Message sent!

"Ang ganda ng ngiti ng alaga ko ah"

Muntik na ako mapatalon sa gulat ng may magsalita ng di kalayuan sakin

"Manang! Ikaw lang pala yan. Muntik na ako atakihin sa puso ng dahil sa gulat!" sagot ko habang sapo sapo ang dibdib ko

"Natuwa lang ako sa nakita ko. Ikaw talagang bata ka. Masaya lang ako na nakikita kang nakangiti at masaya. Ang tagal ko ng hindi nasilayan yan sa mukha mo" nakangiting wika ni Manang Claridad. Mula ng isilang ako sya na ang tumayong pangalawang nanay ko kaya nakita nya kung paano ako lumaki

"Ikaw talaga manang napaka sweet mo! Wag po kayong mag alala madalas nyo na po ako makikitang ganto" nakangiting sagot ko sakanya habang naka akbay ako sa kanya. Mahal na mahal ko to si manang tinuturing ko na din syang parang pamilya dahil halos katuwang sya nila mom and dad sa pagpapalaki sa akin.

"Mabuti kung ganon. Masaya ako para sayo iha. Osya bago tayo magdramahan, umakyat ka na sa kwarto mo ng makapagpahinga ka dadalhan na lang kita ng merienda" napahagikgik naman ako sa sinabi ni manang. Talaga nga namaaaann!!

"Ikaw talaga manang. Sige na po salamat po" tuluyan na akong umakyat ng may ngiti pa rin sa labi.

Salamat Tristan dahil binago mo ako at muling ibinabalik sa dating ako. Sana lagi na lang ganto. Sobrang sarap sa pakiramdam. Walang problema lagi lang masaya. Bigla naman nag ring ang phone ko at excited kong sinagot ito

"Hello!"

"Nakauwi na po ako. Nag merienda ka na ba?"

"Hindi pa pero nagpadala na ako kay manang. Mag merienda ka na din ha"

"Yes boss. Sige na magbibihis na din muna ako. Tumawag lang ako para sabihing safe akong nakauwi"

"Okay. Wait Tristan may sasabihin lang sana ako just two minutes"

"Go ahead"

"Thank you for bringing me back to life. I appreciate all your efforts. Really! Hindi ko akalaing mangyayari pa to pero pinatunayan mong pwede pa rin pala. I will always be thankful to you"

"Don't thank me. Lahat gagawin ko para sayo at lahat ng ginagawa ko para sayo ay gusto ko kaya wag ka magpasalamat. Mahal kita Paula at gaya nga ng pinangako ko sayo, pprotektahan kita hanggang sa makakaya ko"

Uh? Im so dumbfounded. Sobrang swerte ko talaga

"Hmmm. I don't know what to say" nahihiyang sagot ko kay Tristan

"You dont have to say anything. Mag smile ka lang ayos na. Sige na take a rest. I love you!"

Binaba ko na din ang tawag dahil di ko na talaga alam ang sasabihin ko.

Lord, do I deserve him?

Torn between two heartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon